Jasmine's P.O.V
"Ready ka na ba?" Tanong sakin ni kuya. Ready na nga ba ako?
"Yes kuya, kakayanin. Hoping that iba tong school na papasukan ko sa school ko dati."
"Jasmine, hindi lahat ng tao o bahay ay pare-parehas. Lahat tayo unique diba? Hindi naman porket hinusgahan ka ng karamihan ay huhusgahan ka na ng lahat." Hugot ni kuya. Tama naman siya, pero hindi ko pa ein matigilan isipin kung ano ang mangyayare.
"Nandito na tayo. Goodluck." Paalam ni kuya, at hinalikan niya ko sa right cheeks.
Bumaba na ako ng sasakyan at tinitigan lang ang school na to. Mukhang peaceful at normal lang. Sana.
Cara's P.O.V
"OMG! OMG! OMG!" Sigaw ni Jackie at tumatalon'talon pa.
Jackie is my childhood bestfriend together with Xander. Bata pa lang kami ay magkakasama na kami, hindi kami mapag'hiwalay. Sabi nga ng mga magulang namin para daw kaming triplets.
"Ano nanaman problema mo?" Iritang tanong ni Xander. Nandito kami sa hallway nag'iikot ikot kasi hindi pa naman nagsta-start yung klase.
"May bagong estudyante. Babae siya, ang ganda talaga niya!" Exicted na sabi samin ni Jackie.
"Sino naman yun?" Tanong ko.
"Anong year na siya?" Tanong ni Xander.
"Patingin nga." Lumapit ako kay Jackie upang makita yung cellphone niya. Parang dun niya kasi nakita yung balita. Pero nilayo niya sakin.
"Wait. Si Jasmine, model yun sa magazine. Duh? Hindi ba kayo nag'cocollect? 4th year din siya, Xander. And i hope classmate natin siya." Pagpapakilala samin ni Jackie.
"Sana hindi." Matamlay na sabi ni Xander.
"Bakit?" Tanong ni Jackie na nakasimangot.
"Gugulo. Hindi lahat ng maganda ang panlabas ay maganda din ang panloob." Seryosong sabi ni Xander.
"Grabe ka talaga. Hinuhusgahan mo na agad." Sambit naman ni Jackie.
"Tumigil na nga kayo. Hindi natin kilala yung tao diba? Wag na natin pag'usapan." Sabi ko sakanila.
Tahimik lang kaming tatlo na naglalakad hanggang sa napadpad kami sa locker. Biglang may lumalit na babae samin.
"Hello, sorry sa abala. May tatanong lang sana ako. Saan yung classrom 4-A?" Tanong ng magandang dilag samin.
"Ah, doon din kami papunta. Gusto mo sumabay ka na samin? Mukhang magkaklase tayo." Yaya ko sakanya, sumama naman siya.
Napansin kong tumahimik yung 2 kong kaibigan. Nakita Ko si Jackie na mukhang masaya. At si Xander naman na parang natalo sa lotto.
Nakarating na kami sa classroom.
"Thankyou ah." Pagpapasalamat samin nung babae at ngumit siya.
"Walang anuman." Sabi ni Jackie. Halatang masaya din siya.
Umupo kami sa 2nd row. Okay na to, para makapag'focus kami sa lessons ng mga teacher.
"Sino yun?" Tanong ko sakanilang dalawa. Nasa dulo si Jackie katabi niya si Xander at sa kanan naman niya ay ako, dito naman sa kanan ko ay may bakanteng upuan.
"Siya yung sinasabi kong babae sainyo. Si Jasmine." Bulong naman ni Jackie. Si Jasmine nga pala yung nasa 1st row, nasa tapat ko.
"Ah. Oo nga maganda." Sabi ko sakanila. Totoo naman eh, mukha rin mabait.
Maya maya biglang naghiyawan yung mga classmates ko specially yung mga lalake. May pumasok na babae. Teka, parang kilala ko to.
"Trisha!" Tawag nung lalakeng classmate namin.
"What?" Tanong ni Trisha dun sa lalake.
"Dito ka umupo o, may bakanteng upuan." Yaya nung lalake tapos nag'hiyawan nanaman yung mgaclassmates namin.
"Sorry but hindi tayo close." Sabi ni Trisha dun sa lalake at inirapan niya. Nag "boo" yung mga classmate namin.
"Where's Kevin?" Tumahimik naman lahat ng classmates namin.
Si Trisha. Siya yung babaeng lumapit sakin nung isang araw. Siya yung tinakasan ko.
"Kevin who?" Biglang tanong ni Jasmine, na punta sakanya lahat ng attention namin. Bakit niya tinatanong?
"Don't tell me, hindi mo kilala si Kevin Santiago?" Gulat na tanong ni Trisha.
"Mam, sorry im la--" napatingin kami sa lalakeng nagbukas ng pinto. Halatang nagulat ito, pati din ako. Si Kevin.
"Sabi na nga ba, hi babe." Bati ni Trisha kay Kevin, at kumapit sa braso niya.
Nakita ko nag'tama yung mga tingin nila Trisha, Jasmine at Kevin.
Tumayo si Jasmine at akmang aalis ng classroom.
"Uhm, pa'excuse muna ako sa una natin teaher. Salamat." Sabi niya samin at lumabas na siya ng classroom.
Base sa mukha ni Kevin ngayon mukha siyang nagulat at the same time mukhang nagaalala.
Sino ka ba talaga, Kevin Santiago?
BINABASA MO ANG
One Last Chance
RomanceCara is my name, gusto ko lang naman magkaroon ng isang mala'fairytale lovelife. Our lovestory was like a fairytale na. Pero biglang nag'laho na parang bang panaginip lang? I love him, he loves me too. Correction, he used to love me too. Yun naman a...