Chapter 2: Bad vibes.

76 3 0
                                    

Cara's P.O.V

"Umagang umaga badtrip ka, anong meron?" Bungad sakin ng nakakairitang mukha ni Xander.

"Lagi naman eh." Walang kwentang sagot ko. At nilagay ang mga libro ko sa locker.

"Parang araw araw may period eh. Yung totoo?" Sambit nanaman niya.

"Jusko, Xander. Tigilan mo muna ako, bago kita masapak." Pagbabanta ko. Inis na inis na talaga ako. Ewan ko kung bakit.

"Alam ko na.....para naman mawala yang pagka-BV mo. Kain tayo sa SB. Libre ko." Tatanggi pa ba? Libre na oh.

Hanggang sa maka'rating kami sa SB. Tahimik lang kami...

"Nandito na tayo, humanap ka na ng mauupuan natin. Ako ng bahala sa order." Utos niya, sabay tulak. Ayos to ah?

Naghanap ako ng mauupuan namin, pero wala akong mahanap. Wow, puno yata tong SB ngayon ah?
Maya maya, may nakita akong resibo sa sahig at pinulot ko. Tinigna ko yung nakalagay "Chocolate Chip Cream." Yung flavor, naks parehas kami. May biglang lumapit sakin na lalake, matangkad siya at mabango.....familiar sakin. Nararamdaman kong nasa likod ko lang siya.

"Miss, sakin yata yang resibo na hawak mo." Napatingin naman ako sa resibo....yung malalim na boses niya, familiar din.

"Edi sayong sayo na." Humarap ako, wow naman. Halatang nagulat siya. Well, sino bang hindi magugulat sa kagandahan ko na sinayang niya?

"Sorry--" Di niya na natapos yung sasabihin niya.

"Aha, nice meeting you again, Tristan. Long time no talk." Ngumisi ako at sabay alis. Bagay lang sakanya yon. Nang-maramdaman naman niya yung feeling na iniwan.

Nilibot ko yung buong SB at nakita ko si Xander dun sa may dulo. Agad ko naman siyang pinuntahan.

"San ka nanggaling?" Sambit niya sakin sabay bigay ng starbucks sakin.

"Secret." Sagot ki sabay tinaasan ko siya ng kilay.

"Tsk." Matipid niyang sagot. Walang kwenta talaga to kausap.

"Sorry na, nakahanap lang naman ako ng lalong nag'pasira ng araw ko." Iritang irita na talaga ako ngayon. Buti nalang nandyan si Xander, para kahit papano may buhay pa rin yung araw ko.

"Xander, thankyou ah?" Istorbo ko sakanya, kasi busy siya sa pag'higop ng straw at pagkain ng doughnut.

"For what?" Tanong niya sabay ngiti.

"Sa pagsama sakin, kung wala ka siguro lahat na ng taong nakikita ko napagtutuunan ko ng galit."

"Eh bakit ka naman kasi BV palagi ah?" Tanong niya.

"Bakit nga ba? Siguro nag'simula to nung--" hindi niya na ko pinatapos sa pagsasalita.

"Nagsimula yan nung nag'break kayo nung first love mo, at nung lumipat sa Korea si Kaye." Pagtutuloy niya.

"Hays." Napa'buntong hininga nalang ako. Totoo naman yung sinabi niya eh.

Kevin's P.O.V

"Kevin, please proceed to the principal's office now." Isang nakakasawang utos galing sa mga teacher ko.

"What? What did i do wrong?" Mahinhin na tanong ko.

"Ask yourself, Kevin John A. Santiago." Sambit ni teacher sabay taas ng isang kilay. Taray.

"Wow naman, mam. Alam na alam full name ko, kayo ah. Stalker kayo mam ah." Pagbibiro ko.

"I don't have time for this, Mr Santiago. Just come with me at the principal's office now." Wala na kong magawa at sumama na. May natitirang katinuan parin naman ako kahit papano.

Nakalabas na ko ng principal's office at may nakita akong babaeng kaaway ang isang bata. What the hell?

"Anong ginawa mo sa bata?" Sabi ko sa babaeng nakatalikod kaya hinarap ko siya. Pano ba naman kasi? Pinaiyak niya yung bata.

"Ano PO bang pake mo?" Diniin niya talaga yung word na "po" aba, di porket babae to ah.

"Sorry, miss? Ayoko lang naman nakakakita ng batang umiiyak, at pinaiyak pa ng mas nakakatanda? I believe, mga kasing edad lang kita." Sambit ko sakanya.

"Wow, parang hindi lang kakagaling sa office neto ah. Bago tayo magsabunutan, Ako nga pala si Cara. And excuse you kasi yung batang umiiyak na yan ay kapatid ko. Iniwan na kasi siya nila mommy, kailangan niya na maging independent. And IM HERE PARA PATAHANIN SIYA. Gets?" Pagpapaliwanag niya, halatang may galit to sakin ah.

"Pasalamat ka, mabait ako. Ako din pala si Kevin, pogi for short." Napaubo siya sa sinabi ko, may mali ba kong nasabi?

"Bago pa talaga masira yung araw ko, aalis na kami ng kapatid ko ah?" Sarcastic niyang sabi.

Aalis na dapat sila kaso biglang umupo yung kapatid niya at umiyak. Nagiinart ata, jusko. Biglang dumating yung teacher naming bakla.

"What's wrong?" Bungad samin nung teacher at tinulungan tumayo yung bata.

"Siya po!" Tinuro ako ni Cara. "Siya po yung nagpaiyak kay Keisly!" Dagdag pa niya.

"What? No! Ngayon ko lang yan nakausap at nakakilala tapos ako nagpaiyak? How come?" Inis na tanong ko.

"How come? Nakita niya lang naman yang pagmumukha mo at nakakaiyak kasi pag nakatalikod gwapo pero pag'harap ay joke lang pala." Sarcastic nanaman niyang sabi. Wow ah? Gwapo kaya ako.

"Come with me." Cool na sabi ng teacher namin.

"If ever man na mapa'office tayo, goodluck." Bulong sakin ni Cara sabay kindat. Bwiset na babae to.

One Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon