//
Kung meron mang isang bagay na hindi ko kayang gawin ngayon ay yun ang matulog. Bumangon ako sa kama ko at lumabas ng kwarto, dumiretso ako sa cr namin at naghilamos. Nakatitig ako sa salamin iniisip kung may magpapakita ba sa akin na multo.
Hindi naman ako kilala nun diba? Hindi niya alam kung nasaan ako o taga saan ako. Ligtas naman siguro ako diba?
Tingin ko hindi. Bwiset na tao yun, pakiramdam ko pwede akong mamatay kahit anong oras.
Nakadilat ang mga mata ko at imbes na matulog muli ay bumangon ako at naupo sa kama ko. Hindi na ako makakatulog nito. Sa klase na lang ako siguro matutulog. Lagot nga lang ako sa teacher ko.
Isusumpa ko yung tao na yun. Nasira buong sistema ko dahil dun! Dahil sa hindi maganda na rason! Nakakainis, sana hindi na ako tumuloy dun sa computer shop na yun. Sana lang talaga.
Inayos ko na yung kama ko at pinagpag ito.
Nagtungo ako sa kusina at inilabas ko yung mga pwedeng ulamin, maka pili ako akala ko naman marunong ako magluto. Kung gising na si Rin pwede pa. Nilabas ko yung itlog at pinainit yung kawali. Hinanda ko na din yung kamote ni Rin.
Kalaunan ay nagising na din si Rin at tinulungan niya ako mag hain ng almusal. Wala pa sa kanilang tatlo ang nakakaalam ng nangyari, buti na lang at mahirap na kaso kung binabantayan ako nung lalaking yun pati sila Rin madadamay.
Wala akong kayang gawin para protektahan sila, alangan naman na hanapin ko yung lalaki at sabihin ko na wala akong pagsasabihan at lalayo na lang ako sa lugar na yun at lalayo siya sa amin.
Ano?! Ako na lang maghahanap sa kanya?! Wala bang plan B?
Ano toh suicide mission? Parang hiniling ko na lang na mamatay ako.
Kung hindi na kami magkikita; wala na akong pake, pero kung hindi, gagawin ko ang plano na yun. Mas mabuting ng ligtas.
~
Nakahanda ang mga canvas namin at hinihintay namin ang magiging task namin ngayong umaga. Mabuti na lang at hindi ako inaantok, bukod sa gising ako tuwing major class namin ay natutuwa din ako na wala pang nangyayaring hindi ka aya aya.
Mukhang hindi ko na makikita yung taong yun.
"I want you all to draw a portrait with different perspectives, starting from where you are right now. We will not adjust the lighting and the model's position, just draw what is in your perspective. Any volunteers to be our model?"
Nasa harap ang teacher namin at sinasabi ang mga gagawin namin. Mukhang iba ang trip ni Sir ngayon dahil nung mga nakaraang araw puro landscape ang pinapagawa niya sa amin. Bagong yugto na ata ito.
"Sir!" Lahat kami ay lumingon sa likod at nakita ko si Kuya Kyler na senior namin na nakilala ko sa computer shop. Yun ang huli naming pag uusap, nagbabatian lang kami pag nagkakasalubong.
"Kyler? Are you high?" Agad kaming nagtawanan sa sinabi ni Sir at tumayo kaagad si Kuya Kyler at naglakad papunta sa harap.
"Sir our room is located on the third floor of this building, I do not think that question is appropriate." Lalong lumakas ang mga tawanan at pumasok na si Kuya Kyler sa changing corner at lumabas ng nakasuot ng tuxedo.
At heto ako kampante na akala mo magaling mag drawing ng portrait. Mukha akong timang dito. Sigurado na akong malalagot ako sa lighting nito. Tinitingnan ko palang yung patern ng tuxedo pinagpapawisan na ako.
Bakit ba ito yung kinuha kong major?
Kahit mataas level ko bilang freshmen ikamamatay ko padin ang portrait. Nakakaiyak. Please lang utak gumana ka. 'Wag ka maging lutang please lang, baka yung portrait maging stickman na lang.
BINABASA MO ANG
Artistry Series: Aesthete
Teen FictionWhat to draw? She scribbled all her sketches as she release a sigh of distress. She is in the most relatable state of an artist, the no idea what to draw. She thought it is just a short that she will experience this. But this is not just a phase. ...