Aesthete: The Day After Tomorrow

8 1 0
                                    


//


For the first time hindi ako nahirapan matulog. Dalawang araw na payapa buhay ko na para bang kumalma na lahat ng nangyayari sa akin. 


Parang may mali? 


Masyado ata nagulo buhay ko na kapag may normal na nangyayari sa akin hindi yun normal. May mangayayari pa lang sa akin sa hindi ko magugustuhan o napapraning lang ako? Masyado na ata ako nabaliw para 'di ko maisip na bumalik na buhay ko sa normal. 


Kung sakali man na may hindi nga magandang mangyayari sa akin, sana na lang tungkol na yun sa ibang bagay. Tapos na mission ko sa building na yun pero tuwing nakikita ko Kyler naaalala ko mga nangyayari. 


Hindi ako dapat magtaka lalo na at siya naging dahilan para bumalik ako duon. Pero hindi na ako natatakot, umayos na lahat para sa akin. Kahit yung galit ko Kyler nawala na talaga ng tuluyan, hindi ko naman siya masisi at hindi niya naman yun ginusto.


Dapat galit padin ako sa kanya pero parang hindi ko kaya lalo na at siya lang nakakaalam ng nangyari sa akin dun; siya lang nakakausap ko tungkol sa mga nangyari at wala siyang ibang ginagawa kundi makinig lang. 


"Mukhang malalim iniisip mo hah?" Naupo si Kyler sa tabi at tumabi naman sa kanya si Melody. Nasa corridor kami at galing sila ng canteen para bumili ng inumin. Break namin kaya nagpapahinga lang kami ngayon.  Nakaupo kami sa sahig at nakatunganga.


"Hindi naman ganun kalalim." Sagot ko.


"You seemed space out." Sabi naman ni Melody at inabot sa akin yung energy drink na pinabili ko. Masyado ata sila observant.  Pati ata paghinga ko alam nila ilang beses kada minuto.


"Ayos lang ako. Hindi kaya't kayo ang masyado malalim iniisip? Nananahimik lang ako."


"Yun nga eh masyado kang tahimik. Hindi masabi kung galit ka ba o nalason tiyan mo." Biro sa akin ni Kyler at binuksan yung energy drink na hawak ko. Hindi naman ako nagpapabukas pero nagpasalamat na lang ako.


"Salamat. Tumigil ka nga kaka tanong sa akin bakit ako tahimik. Ang ingay na ng mundo dadagdag ka pa."


"Hahahahaha barado." Tawa ni Melody at sumandal siya sa pader at ininom yung ice coffee niya. 


Ganito lang kami nitong mga nakaraang araw at puro na kami practice. Imbis na hapon ang klase namin ay buong araw na ito at kaunti na lang ay mag sasawa na ako sa mukha ng dalawa kong kasama. 


Pero malaki padin pasasalamat ko at nakilala ko sila at kinausap nila ako dahil kung hindi baka nanahimik na lang ako sa gili. Siguro magkakaroon ako ng kaibigan pero hindi sila yun. 


Ano kaya mangyayari kung hindi kami naging magkakaibigan? 


Malamang marami magbabago pero ano pa ba magagawa ko, nangyari naman na. Hindi ako nag rereklamo, gumagawa lang ng theory.


Artistry Series: AestheteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon