Aesthete: Cruel Summer

8 1 0
                                    


//


Wala akong sign ng pagiging bingi o bulag. Pero bakit hinihiling ko na meron. Impossible na guni guni ko lang yun. Nangyari talaga yun diba? Sa iisang school kami nag aaral at ang matindi senior siya ni Rin. 


Hanggat 'di alam nina Rin, ligtas ako. Ligtas din sila sa mga kamalasan ko. 


Nagsibalikan kami sa mga room namin pagkatapos namin kausapin si Xia. Umayos na pakiramdam niya at sana kayanin niya kaharap yung lalaking yun. 


Pero buong oras na kausap ko sina Xia, lumulutang utak ko na gusto kong tanggalin yun tapos labahan. 


Sinubukan akong kausapin pa ni August pero nabalutan ako ng takot na baka maulit lahat kaya agad akong lumayo sa kanya. Kasabay nun tumawag sa akin sina Lucy na nahanap na daw si Xia kaya agad ko din siyang iniwan.


Ang sakit ng ulo ko kasi bakit nauulit lahat? Kung nakaya niya akong tawagin ibig sabihin ba ay wala dito sa school mga kasama niya sa 'association' nila? Iniisip ko din kung tatanungin ko ba si Rin at kilala niya yun malamang o si Kyler kasi kaklase niya yun?


O wag na lang ako magtanong? Malawak naman ang school at baka hindi ulit kami magkita, possible diba? Nung nakaraang araw naman hindi naman kami nagkita kahit isang beses malamang hindi ulit kami magkikita diba?



Isang tawag niya lang sa pangalan ko tas bumalik lahat ng pag alala ko para sa sarili ko, lahat lahat. Kailan ba ako lulubayan ng malas?


"Leigh?" 


AAAHHHHHHH! Tama na! Ayaw ko na mangyari yun ulit! Please lang pagpahingahin niyo ako.


Ano kaya sasabihin ni Kyler pag kwinento ko yun? Pwede din naman 'wag ko na lang ikwento kasi baka lalo ako malasin. Kalimutan ko na lang ba? Mas ayos ata yun para sa utak ko. 


Settled naman na diba? Tapos na lahat yun. Hindi naman siguro masama kung kilalanin ko siya na schoolmate? Baka iba ugali niya sa labas ng school at loob ng school? Ano yun bipolar?


"Leigh? Leigh!"


Ano yun kakalimutan ko lahat ng nangyari? Hindi naman ako may kasalanan bakit ko yun nakita ah. Hindi pa nga ako sigurado kung wanted padin ako sa 'association' na yun. 


"Leigh???"


Siguro hindi na kasi nakipag kasunduan ako kay August. Maayos naman natapos yung araw na yun, hindi na kami nagsagutan at lalo na sabi niya hindi na kami magkikita. Hindi niya din naman siguro ginusto na magkita kami. 


"Huy! Leigh!?"


Teka bakit ko ba siya kinakaawaan? Ako ang biktima dito, andami nangyari sa akin ng isang buwan palang. Sino ba sisihin ko? Sarili ko? si Kyler? o si August?  Pwede bang all of the above sagot-

Artistry Series: AestheteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon