//
Ano?
"Hindi ko alam kung sino ka pero pwede mo ba ako pakisamahan, kahit ngayon lang. Please."
Tiningnan ko siya hindi ko maintindihan kung talaga bang nanghihingi siya ng tulong. Yung takot ko kanina napalitan ng lito. Ano na ba nangyayari?
"Huh? Ano?" Litong lito ako dahil mahigpit din ang hawak niya sa siko ko. Pilit ko yung tinatanggal at iniiwasan ko tingin niya.
"Hindi mo ba ako narinig? Sabayan mo lang ako please saglit lang 'toh." Dito ko na nahila braso ko mula sa hawak niya. Dumistansya din ako ng kaunti.
"Pasensya na kung naguguluhan ako, kanina kasi gusto ko nang mahimatay sa kaba at ngayon kausap kita. Pwede bang umuwi na ako? Gusto ko na talaga umalis dito."
Inipon ko buong lakas ko para lang sabihin yun. Ngayon nararamdaman ko ulit yung takot ko, parang kinuha nanaman ni kamatayan yung kaluluwa ko. Unti unti ako naluluha at bumabalik yung pakiramdam na naramdaman ko nung huling punta ko sa building na 'toh. Bumabaliktad sikmura ko na hindi ko maintindihan; gusto kong maupo tapos yakapin sarili ko sa takot. Parang yun lang magpapagaan ng loob ko sa ngayon.
"Mukhang nakakalimot ka ata. Ako yung nakahuli sayo noon, pinagtakpan kita kahit hindi kilala. Hindi sana ako hihingi ng kapalit pero nandito tayo ngayon at nanghihingi ako ng tulong sayo. Saglit lang, pero kung ayaw mo sige lang. Hindi ako maaawa pag nakita kitang kinakaladkad nila."
Tuluyang bumagsak mga luha ko, lahat ng kaba at takot nagsilabasan at habang tumatagal lalo ako nahihirapan huminga. Galit ang nararamdaman ko na may halong takot, sa lahat ng sinabi niya yung dulo ang hindi ko makalimutan. Hindi ko maalala kung ano yung masama kong ginawa para maranasan ko 'toh. Takot na takot ako, natatakot ako.
"Gago ka." Kahit nanghihina at nanginginig ay sinabi ko padin yun. Pinahid ko luha ko na tuloy tuloy ang pagbagsak. Pakiramdam ko napakahina ko, na wala akong magawa para lang umalis dito. Hindi ko magawang pakalmahin sarili ko.
"Alam ko, ngayon tutulungan mo ba ako o aabangan mo ano mangyayari sayo mamaya?" Inayos ko na sarili ko at pilit kong lalakasan loob ko. iisipin ko na lang na saglit lang toh at hindi na ito kahit kailan mauulit pa.
Ang babaw ng ginagamit ko na dahilan para hindi matakot.
"Tutulungan kita." Sagot ko at pinunasan ko mga luha ko. Pinagpas ko damit ko mula sa pagkabagsak ko kanina at inayos ito. Saglit lang diba? Kaya ko naman siguro?
Hinawakan niya kamay ko at pinisil yun ng hindi madiin. Nararamdaman kong nakatingin siya sa akin at tiningnan ko din siya ng bahagya. Magkalapit lang kami ng height pero malamang na mas matangkad sa siya akin kaya kailangan ko padin tumingala ng kaunti. Sana lang hindi halata pag iyak ko at hindi padin tumitigil yung panginginig ko.
"Sana alam mo hindi ko gusto na gawin yun sayo, na sabihin yun sayo." Nagbago ang tono ng pananalita niya at nawalan ito ng awtoridad. Magkaiba bang tao nakausap ko? Pinagloloko na ba ako ng mundo?

BINABASA MO ANG
Artistry Series: Aesthete
Teen FictionWhat to draw? She scribbled all her sketches as she release a sigh of distress. She is in the most relatable state of an artist, the no idea what to draw. She thought it is just a short that she will experience this. But this is not just a phase. ...