Shaileigh Cohen's POV/
"Sabi sa inyo eh dapat pinaayos na natin yung printer natin." Sabi ni Lucy, Tumingin sa akin sina Erin at Xia.
"Eh? Okay lang noh, meron naman diyan sa baba marami rami naman computer shop. Tsaka babalik ako kaagad." Sagot ko naman.
Tiningnan nila ako at tumango. Sa aming apat ako ang may pinaka alam sa street ng condo naming. Una sa lahat ako lang marunong mag drive dahil silang tatlo ay bumagsak sabay sabay sa exam.
"Ipapaayos na natin yang printer na yan. Para 'di ka na umalis ng gabi." Sabi ni Xia at pinagpatuloy ginagawa niya.
"Magluluto lang ako ah."Pagpapalam ni Erin. "Alis na ako ah! " Minsan lang ako kung magsalita, nakakatamad mag sayang ng hininga. Mas marami naman ako nasasabi sa utak ko bahala na lang sila magbasa. Lumabas ako ng unit naming at dumiretso na ako ground floor.
"Ma'am may curfew po tayo, 10 pm." Pag papaalam sa akin ni kuyang guard. "Sige po kuya balik din po ako agad." At lumabas na nga ako ng Condo.
Nakatawid agad ako ng kalsada at hinanap ko agad yung computer shop na nakita ko kanina bago ako pumasok sa school.
Four story building siya at tingin ko mas matanda pa 'tong building na ito kaysa sa condo naming. Sa pag kakaalala ko ang computer shop ay nasa 3rd floor ng building. Maraming nag lalako sa tabing daanan at maraming studyaante na pauwi palang kasama ang kanya kanyang barkada.
Bago ako bumalik sa unit mamaya,bibili muna ako ng donut at kwek kwek. Hindi ganuon kalayo ang building na pupuntahan ko kaya nakita ko kaagad yung shop. Halatang nag fufunction na 'tong building mga early 2000s dahil kitang kita sa semento mga pinagdaaanan nito. Ang dumi pero mukhang classy padin tsaka matibay tibay din.
"Neng mag sasara kami ng 10 pm hah." Bati sa akin nung nagbabantay sa entrance. Tumango ako at inakyat ko na yung building, dahil matanda na 'tong building hagdan lang meron at walang elevator. Hindi ko naman ikamamatay umakyat ng hagdan, 'di tulad ni Erin.
Sa first floor ay puro 24/7 stores, andito yung mga mini grocery stores. Sa second floor naman ay puro parlor at mga beauty care salons, sarado na yung iba dahil siguro gabi na, isa na lang nakikita kong bukas.
Nakarating na din ako sa third floor kung nasaan yung computer shop, hindi ko na tiningnan ano pa yung ibang store dito dahil sarado na, kung sa first at second floor ay maliwanag kabaliktaran ito ng third at fourth floor. Ang computer shop lang ang nagbibigay liwanag sa buong floor at sa fourth floor parang wala na atang tao dun sobrang dilim, punta na alng ako dun mamaya mukhang maganda view dun.
Nakapasok na ako at buti na lang may air condition dito dahil kung wala panigurado amoy pawis, ang dami pa namang mga student na di pa umuuwi. "Kuya pa print po." Sabi ko dun sa kuya na naka stand by sa may counter. Kasing edad ko 'toh at nakatutok tingin niya sa cellphone niya.
Ibinaba niya yung phone niya at nagtatakang tumingin sa akin. "Hindi ako yung nag mamanage." Sagot niya, kung hindi pala siya bakit siya nasa pwesto nung nag mamanage?
"Huh? Nasaan po pala?" Itinuro niya yung lalaki na naglalaro sa dulo ng computer shop at busy na busy ata siya. Lumapit yung tinanungan ko duon sa kuya at binatukan ito.
Grabe magsusuntukan pa sila? Kasalanan ko ba na gusto ko lang magpa print? Agad naman siyang kwinelyuhan nung kuya at magsusuntukan na sana sila kung 'di lang pinigilan nung isa pag naglalaro. Lumapit sa akin yung kuya at tinanong ano kailangan ko.
Matapos din ilang minute ay na print na din yung kailangan ko. Para kasi ito sa major ko na visual arts dahil kailangan daw ng image kinene andami nilang alam. Lumabas na ako ng Computer shop at nakita ko sa labas yung kuyang tinanungan ko na naninigarilyo. Ang baho ng usok kaya tinakpan ko kaagad ilong ko.
BINABASA MO ANG
Artistry Series: Aesthete
Novela JuvenilWhat to draw? She scribbled all her sketches as she release a sigh of distress. She is in the most relatable state of an artist, the no idea what to draw. She thought it is just a short that she will experience this. But this is not just a phase. ...