//
Kung meron mang isang bagay na hindi mawawala kay Kyler yun ay ang pagiging walang hiya.
"Leigh seryoso ako, ako bahala sayo dun hindi ka nila makikilala promise." Walang ibang ginawa si Kyler kundi magpaliwanag na ayos lang na bumalik ako dun sa building na may kulto sa pinakamataas na floor.
Kulto o frat kahit ano dun takot padin ako.
Gusto ko murahin si Kyler pero alam ko walang magagawa yun dahil kahit anong gawin ko hindi nya padin ako tinitigilan. Ang tagal ko makapag recover dun tapos babalik ako dun? Hah?
Kahit nga ngayon natatakot padin ako, buti na lang hindi ko na nakakasalubong yung lalaki na nakahuli sa akin, naalala ko padin mukha nya pero mas naalala ko yung pakiramdam na halos matumba ako sa sobrang kaba. Hindi ko na yun makakalimutan.
"Kyler, tanga ka ba?" Seryoso ako nakatingin sa kanya at siya naman ay nakangiti na kinakalog kalog ako.
"Hindi kita iiwan buong oras na yun, papatulong lang naman ako sa canvas ko saglit lang yun." Pagpapaliwanag niya, paano ba naman gusto niya na tulungan ko siya sa canvas niya pero wala din ako magagawa at sinabihan ako ng prof namin na tulungan siya.
Dapat nga siya tumulong sa akin at mas magaling siya sa paint kaysa sa akin. Bakit ba ako? Bakit hindi na lang si Eros o 'di kaya si Melody. Ang gagaling nung mga yun.
"Kaya kita tulungan kahit saan Kyler maliban dun sa Computer Shop na yun."
"Kailangan kasi may mag tatao dun sa compter shop at nakiusap yung kaibigan ko na ako nagbabantay dun. Tatlong araw lang naman na ako magbabantay dun."
Ang dami niyang rason pero sa totoo lang hindi si Kyler yung tipo na magsisinungaling sa akin. Pero hindi ibig sabihin payag na ako.
"Edi ipasara muna ng isang araw tas dun kita tutulungan sa talyer niyo." Lahat ng problema may solution.
"Hindi sa kaibigan ko yung shop na yun, taga bantay lang siya." Napa irap ako at nag isip ng bagong solution.
"Edi after 3 days na lang kita tulungan. Easy!" Problem solver talaga ako.
"Leigh lunes ngayon, due 'toh sa friday. Sagot ko meryenda mo lahat lahat tulungan mo lang ako please."
Ano pa ba magagawa ko? Ano pa pwede dahilan? Hindi ko na alam, siguraduhin lang nitong tukmol na 'toh na hindi hindi ko makakasalubong yung mga yun.
"Kyler alam mo na nga ano nangyari sa akin dun tapos pipilitin mo pa ako. Ano ba naman yan Kyler."
Hindi ako galit sa kanya pero alam niya ano nangyari sa akin dun. Hindi pa ba yun sapat para gawan ng paraan tong canvas na 'toh?

BINABASA MO ANG
Artistry Series: Aesthete
Novela JuvenilWhat to draw? She scribbled all her sketches as she release a sigh of distress. She is in the most relatable state of an artist, the no idea what to draw. She thought it is just a short that she will experience this. But this is not just a phase. ...