Kabanata 6

13 2 0
                                    

Kabanata 6

"Sage, please! Umalis ka na!" Tinutulak na ni Amelia si Sage paalabas ng kanilang pinto. Kahit hindi niya magawa ay pinipilit niya pa din paalisin ito. Ayaw niyang maabutan si Sage na nasa bahay nila at bawal itong lumapit. "Get out of my house, Sage!"

Sage didn't listen. Tinabayan ni Sage ang sarili niya kahit masakit sa kanya.

"Alam mo ba h-hindi din madali sa akin ito?" Pumiyok ang boses ni Sage. Namamaga ang mata nitong tinitigan si Amelia, na babaka sakaling mapatawad siya nito. "Ganon na ba agad ang tingin mo sa akin?"

Mas lalong naginit ang magkabilang sulok ni Amelia. Hindi niya kayang titigan si Sage ng ganon ganon na lang. Amelia already knows he's a mafia. Ang alam lang ni Amelia ay mamamatay tao ang ganoong tao. Mahirap kay Amelia kung ano ang pipiliin niya. Si Sage ba o ang pamilya niya.

"Amelia, all this time? Kahit kailan hindi kita niloko."

Nagtiim ang bagang ni Amelia habang tinititigan si Sage na naghihirap sa pamilya nila.

"Niloko? Pero ilang tao ang pinatay mo at bakit pati-p-pamilya ko, Sage!" Nanginginig ang boses niya dahil hindi niya akalain na magagawa ni Sage ito. Ang lalaking pinagkatiwalaan niya ay naging iba sa paningin niya.

Ang akala niya ay ito na ang lalaki para sa kanya pero hindi niya akalain na ito pa ang mananakit. Hirap na makalunon si Sage. Nasasaktan itong nakatingin kay Amelia.

"Mamamatay tao ka!"

Hindi makasalita ng maayos si Sage o ni isang salita ay hindi niya magawa dahil totoo lahat ng mga sinusumbat ni Amelia. Ito ang masakit, kapag nagkaroon ka ng pagkakamali. Lahat ay pwede isumbat sayo at sa simpleng pagkakamali ay hindi na nila nakikita ang mga mabuting ginawa mo. Lahat ay puro pagkakamali ang pinapakita.

Inaamin ko, I stopped for being a mafia. Hindi ko naman talaga ginusto lahat ng iyon. Expected ko na ito ang masasabi sa akin ni Amelia. Para ako binuhusan ng malamig ng tubig. Totoo pala ang sinasabi nila, manginginig at manlalamig ka kapag sa oras na malaman na lahat ng pagkakamali nito.

Tangina! Ang hirap!

Pero ano ba magagawa ko? Wala namang perpektong tao. Wala sa dami ng pera at pinagaralan lahat ng ito at lahat naging balewala. Naging balewala kung ano man ang narating mo sa buhay. Kahit anong tapang mo ay titiklop ka talaga, na miski kahit ako ay nanlambot at nanghihina.

Ito ang hindi kayang bayaran ng pera.

Lalong lalo nang kay Amelia ko mismo narinig lahat ng masasakit na salita. Gustuhin ko man lunukin lahat ng sinabi niya pero tangina! Ang hirap talaga. Inaamin ko na, kahit noong una. Handa na ko sumbatan ng lahat ng pagkakamali ko. Ito na ang kinatatakot ko, na masaktan siya ng husto.

Nandito na! Ito na ang kinatatakutan ko. It's not physical and it was emotional. Pinatay ko siya ng buhay.

"Amelia!" Isang malakas at matinig na boses na lumabas mula sa loob ng kanilang bahay. Mabibigat ang hakbang nito na papalapit.

"Sino yan?" Mataray at mariin nitong tanong.

"Sage, please!" Amelia begged. "Ayokong makulong ka."

Ngunit walang pakialam si Sage kahit mahuli silang magkasama. Malakas ang buhos ng ulan kasama ang malalakas ang hangin.

"Please! Pakinggan mo naman ako."

Nang makalapit na ang babae ay hinila na ang braso ng dalaga palayo sa lalaking nagmamakaawa sa ilabas.

"Auntie!" Kinabahan ito. Napaatras din si Sage nang makita niya ang tiya niya. Malalim at galit na galit itong nakatingin sa binata.

"What are you doing here?" Matigas na ingles nitong tanong. Mas bumibilis ng kalabog ng puso ni Amelia sa gagawin ng kanyang tiya. "You are trespassing! At anong karapatan mo para pumunta dito?"

Hindi nakasagot si Sage. Bakas din ang takot nito sa kanila at galit ang pamilyang Laurelle dito, na halos isumpa na ang pamilya ni Sage.

"A-Auntie-" Gusto man lapitan ni Amelia ang kanyang tiya ngunit hindi magawa dahil kapag sa oras na lumapit ito ay isang sampal at malakas na tulak ang magagawa nito sa kanya.

"Anong karapatan mong pumunta dito?" Nang gagalaitan sa galit ang tiya ni Amelia. "Umalis ka na! Ayoko makita ang pagmumukha mo!"

"M-Magpapaliwanag-" Tinulak tulak nito ang binata paalis. Hindi maiwasan ni Amelia na matakot at maiyak sa kaba.

Isang malakas na sampal ang inabot ni Amelia mula sa kanyang Ina. Umilingaw ngaw ang ingay sa buong bahay. Tumilapon ang mukha niya. Nagulat din ang bawat myembro ng pamilya sa kanya. Lahat buong pamilya ay nakatingin sa kanya na para bang mga pating na gusto siyang kainin. Nang malaman ng pamilya na may relasyon sila ni Sage ay halos isumpa na silang dalawa. Alam na ni Sage na sinabi na ni Mr. Jeffrey Laurelle ang tungkol sa kanila.

Lalong lalo na ang padre de pamilya ay ang lolo ni Amelia na si Mr. Dougles Laurelle. Agad itong tumutol sa kanilang dalawa.

"Mamimili ka na lang ng lalaki ay yung taong mamamatay tao pa?" Hindi makait ang galit ng ina ni Amelia sa kanya. "Ang boba mo talaga! Isa ka pa naging pabigat sa pamilya. Dadagdagan mo pa sa hayop na yon?"

Hindi kumibo si Amelia at umiyak lamang ito. Nahuli na magkasama sila ni Sage ay agad siyang pinadambot ng pamilya niya. Binalaan na si Amelia ng Lolo niya na wag lumapit dahil nga magkalaban ang pamilya nila. Ngunit gusto lumaban ni Amelia at handa niya talikuran ang pamilya niya para kay Sage dahil doon lamang siya naging bukod tanging naging masaya.

Handa niya kainin lahat ng mga masasakit na salita galing sa kanyang magulang pero hindi niya hahayaan mawala si Sage sa kanya.

"Mamimii ka na nga lang ay yung taong kayang baliktarin ang pamilya natin." Pagtitimpi ng ina.

Hindi nakinig si Amelia. Nilabanan niya ang sarili niya. Sanay na siya sa problema ay parang baliwala na lang ito. Nakaupo at walang imik ang lolo ni Amelia sa harapan niya. Hinayaan niya lamang itong masampal.

Ngumisi si Amelia para labanan ang sarili niya. "Baliktarin ang pamilya natin o para baliktarin ang pamilya ni Sage?" Hinarap niya ang lolo niya. "Anong klaseng pamilya ba meron ako? Manloloko o isang mamamatay tao din? Anong klaseng myembro ng pamilya ang meron ako para gamitin ang mga kabataan para lang sa pera?"

"Amelia!" Saway ng kanyang ama.

Ngumisi pa lalo si Amelia at hinarap ang buong pamilya. "I just want to say...kaya kong talikuran ang pamilya na ito dahil nakakahiya kayo! Our family is a cheater and drug pusher!" 

Natahimik si Mr. Douglas. Nanggagalaitin din ito sa galit. Lumaban si Amelia at tinitigan ang lolo. 

"Split it, Angcong! Stop acting that you don't know everything. You are the root of this." Akmang lalaban ang nanay nito ngunit tuluyan na siyang nakatakbo palabas ng bahay. Walang pakialam si Amelia masakit para sa kanya pero mas pinili niya kung ano ang tama.

BLAST FROM THE PAST: MILES APARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon