Chapter Two

763 26 4
                                    

Chapter Two

Umiling si Pepper sa lalaking kaharap.

"Hindi ko ito pinagbebenta,"

"Uhm, I'll pay thrice."

"Hindi nga eh! Bakit ba hindi mo maintindihan?" Pinigilan nya ang sarili nyang magtaray. "You can leave now, Atty. Miller."

Umangat iyong lalaki sa pagkakasandal sa door frame at lumapit sa kanya.

"In case you change your mind, you can contact me here."

The man handed her some business card, tinanggap nya iyon nang may plastic na ngiti.

"Yes. But no, I won't change my mind."

Zero fixed himself and sighed. Tumango ito.

"Alright, have a nice day, Miss."

Pinasadahan pa ng tingin ng lalaki ang kabuuan bago ito tuluyang umalis. Nakataas ang kilay ni Pepper na tinanaw ang lalaki na papalayo.

"Why he was so eager to buy this? Kita na nga nyang not for sale."

Napailing iling sya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Buong maghapon syang nag ayos ng loob ng bahay. Pati sa paligid, pinaplano nyang pa-rentahan nalang ito kasi hindi naman sya titira dito. Naririnig nya tuloy ang boses ni Toby sa tenga nya. Iyong sinasabi nitong dito sya titira kapag nakapag asawa na sya.

Pero asa pa naman si Toby na mag aasawa sya. Tinanggihan nya nga iyong kasal dapat nya kay Maru kasi ayaw nya. Tyaka di sila talo ni Maru. Kaibigan nya ito.

Next day, she started to enjoy her short vacation.

Dinaanan nya uli ang private island, nagulat sya nang makakita ng isang lalaki doon. Ngumiti ito sa kanya at bahagyang tumango.

"Magandang umaga po, Ma'am Pepper."

"Kilala mo po ako?"

"Naibilin na ho ni Sir Toby ang tungkol sa pagpunta nyo dito. At sa oras na nakapunta na daw po kayo dito, malamang ay patay na sya."

Kumurap kurap sya sa sinabi ng matanda.

"Ako nga po pala si Nestor, ang driver ni Sir Toby."

"Teka po? Paano pong buhay kayo?"

"Dati nya pa akong driver. Hindi ako ang kasama nya sa ambush."

Inaya nya sa loob ang matanda.

"I'm planning to have this as a rented resort or something."

Tumango ang matanda sa kanya.

"Kung saan po kayo komportable."

"Malapit lang po kayo dito?"

"Doon ako nakatira sa tabi ng Isla Verde. Kung may kailangan kayo, Ma'am. Pwede nyo po akong tawagan dito."

Tinanggap ni Pepper iyong papel at ngumiti.

"Salamat po,"

"Mauuna na ako, Ma'am. Mag enjoy po kayo."

Nang makaalis ang matanda ay tumambay pa sya ng konti doon bago sya nagdesisyong umalis na. Nilakad nalang nya ang daan papunta sa Isla Verde na karatig lamang ng Isla Silva.

Mataas ang araw ngayon at madaming tao sa Isla ngayon. Kaya naman lumihis sya sa pool area. Maganda din naman ang Isla Verde, pero kumpara sa Isla Silva, masyadong crowded dito. Open Island kasi.

As of now, sa pool area muna sya pumunta. Hinubad nya ang cover up at walang pakialam na ibinalandara ang one piece bikini nya. Kokonti lang ang tao dito sa pool area dahil mostly ang dinadayo talaga ay ang maganda tanawin sa dagat lalo na't malapit na ang sunset.

Island Series: Pepper MarcaidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon