Chapter Nineteen

503 22 2
                                    

Chapter Nineteen

Both of Pepper and Zero were busy with some papers. Pareho nilang chinecheck ang iba pang dumi ng mga Jaguar Law Firm, seriously speaking, hindi sila magiging ganun kasikat agad agad.

"Coffee?" Nilapag nya ang tasa ng kape sa harapan ni Zero.

"Thanks." Anito.

Kapagkuwan ay bumalik sya sa pwesto nya at binalingan uli ang mga papel na nalakap nya. After the justice for Toby, may iba pa syang kaso na kelangan ng hustisya.

Hinilot nya ang sentido at sumandal. Napatitig sya sa gawi ni Zero at biglang naalala ang nangyari sa kanilang dalawa. She looked away and cleared her throat. It shouldn't be a big deal for the both of them.

A knock on the door made her gasped, nagkatitigan sila ni Zero kaya umiwas sya at sinalubong si Maru.

"Nilagang kamote."

"Thank you." Tinanggap nya iyon.

"If you need help, nasa opisina lang ako."

Maru tapped her shoulder. Nilapag nya ang bowl na may lamang nilagang kamote. Nagsimula na syang magbalat noon nang mapansin na nakatingin si Zero sa kanya.

"Gusto mo?"

"Anong lasa?"

Nilagay nya sa kamay ni Zero ang kamote na nabalatan nya.

"Go on, have a taste of it."

Duda pang tumingin sa kanya si Zero bago kumagat doon. Hinihintay nya ang reaksyon nito.

"Okay."

"Kain ka lang, masarap yan."

Kumagat sya sa sariling kamote bago binasa ang mga papel doon. Pinigilan nyang matawa nang makita ang ilong ni Zero na may itim.

"What?"

"Wala." Ngumiti pa sya.

Tila balewala lang kay Zero ang itim sa may ilong at dumampot pa uli ng kamote sa bowl. Hindi na napigilan ni Pepper ang tumawa, tinaasan sya ng kilay ni Zero.

Her phone rang, tumayo sya at sinagot ang tawag. It was Yan.

[Hello po, Miss Pepper. Nandito po ako sa may coffee shop.]

"Oh sige, papunta na ako."

She hunged up the call. Kapagkuwan ay nilapitan ang mga gamit nya. Tinagilid ni Zero ang ulo sa kanya.

"Where are you going?" Zero asked her.

"Labas, kikitain ko si Yan."

Matagal syang tintigan ni Zero bago tumango.

"Take care," anito na parang wala lang.

Bago sya tuluyang lumabas, humila sya ng wet wipes at lumapit kay Zero. Zero creased his forehead and waited for her next move. Pinigilan nyang mag react ng kung ano at pinunasan ang ilong nito.

"There you go, you messy eater."

"I thought you was going to kiss me." Ngumisi pa ito.

"Asa."

Pepper grabbed her bag and went out. Malapit sa opisina ng Jaguar Law Firm iyong coffee shop na sinasabi ni Yan kaya kinailangan nya pang pumara ng taxi. Hindi trapik ngayon at mabilis lang syang nakarating doon, she immediately saw Yan sitting near the window, doon sya dumiretso.

"Yan."

Napatayo pa ito nang makita sya. "Prosecutor Marcaida."

"Any news about the said issue again?"

Island Series: Pepper MarcaidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon