Chapter Fourteen
"Miss Marcaida?"
She blinked a couple of time after hearing that. Zero snapped infront of her, doon sya natauhan.
"Geez. What was that?"
"What?" Si Zero.
Nang matitigan ang mukha ni Zero, halos manlaki ang mata nya dahil sa naiisip kanina. Masyadong mahalay.
"Your phone's ringing."
Mabilis nyang kinuha iyon sa bulsa nya at sinilip ang tumatawag, bago nya pa masagot kusa na itong huminto. Kinagat nya ang pang ibabang labi.
"Is there a problem?"
"Ha? Ah! Wala naman... A-ano lang."
"Ready na makausap iyong lalaki." Nagsuot si Zero ng tshirt at binalingan sya.
Pepper nodded and walked behind him.
"Saan tayo?"
"Secret hideout."
Nakasunod lang sya sa bawat hakbang ni Zero, hanggang sa makarating sila sa parang liblib na lugar. Sa malayong pwesto, nakita nya agad doon si Allen.
Sinaluduhan sya nito bago binalingan si Zero. Sa gitna ay nakaupo iyong lalaki na pumasok at tumutuk sa kanya ng baril.
"He's still quiet."
Pinakatitigan nya ang lalaki, baka sakaling maging pamilyar sa kanya pero...
"I'll let you two here." Tinapik ni Allen ang balikat ni Zero.
"Miss Marcaida, you can now start."
"Paano?"
"First, you have to scare him." Nagulat sya nang sipain ni Zero ang upuan ng lalaki.
Sa malayong parte sa likod ay ang bangin. Muling sinipa ni Zero iyon.
"Tangina!"
"Who sent you here?"
"Gago, bakit ko sasabihin sayo?"
Tinagilid ni Zero ang ulo sa kanya, para bang sinasabi na sya naman ang sumipa. Pumwesto sya at hinanda ang sarili sa ginawang pagsipa but she failed. Sala ang pagkakasipa nya at nasubsob pa sya.
"Ah, nakakatawa?" Sabi nya doon kay Zero.
Muli nyang pinuwesto ang sarili at bumwelo ng sipa. Napalakas nga pero buti at hindi nahulog ang lalaki. Nanlalaki lang ang mga mata nito.
"Ano ba! Nautusan lang akong patayin ka."
"Sino?!" Sa inis nya ay kinuwelyuhan na nya ito.
"Miss Marcaida." Zero calmed her.
"Sumagot ka, punyeta!"
Hinawakan ni Zero ang baywang nya. Inabot nya pa ang buhok ng lalaki.
"Sino nga?"
"Shh." Ani Zero. "If you won't speak, you'll have to say goodbye."
Nanatiling tahimik iyong lalaki. Sumipa uli si Pepper nang hindi napaghandaan ni Zero kaya kinailangan nitong hilahin pabalik ang lalaki sa kanila.
"Damn, you almost kill him."
"Papatayin nya ako, Atty. Miller!"
Sa huli, si Zero nalang ang kumausap doon sa lalaki. Naupo sya sa isang tabi na masama ang tingin sa lalaki. Panay ang tango nito kay Zero dahil pinakitaan ni Zero ng lighter. Pagkatapos ay sumulpot si Migo at lumapit kay Zero.
BINABASA MO ANG
Island Series: Pepper Marcaida
Ficção GeralFUCKING DISCLAIMER! THIS STORY IS JUST A FICTION! A sarcastic independent woman who wants to prove something. That eventhough she's not that smart and lazy, she can pull herself up in the perfect time. But what if her plans will be ruined with an ov...