Chapter Six

585 28 0
                                    

Chapter Six

She started to file some papers towards the Jaguar Law Firm and Sanctuary Hospital for the partnership their making to release the forbidden medicine. Pikit mata nyang ifinile iyon sa husgado.

"Prosecutor Marcaida, sure na po ba kayo sa ginawa nyo?" Habol ni Yan sa kanya.

"I'm very sure, bakit? Huwag mo sabihing natatakot ka?"

Sunod sunod na umiling si Yan sa kanya na halos pantayan na ang paglalakad nya. Naka-postura ang lakad nya at taas noo pa sya.

"Mag iingat ka, Yan. Dito na ako."

Kumaway at tumungo sa kanya si Yan nang makaalis na sya. Since wala pa syang sasakyan, kinailangan nya munang makipagsabayan sa pagco-commute ngayon. Naiinis sya dahil hindi sinasagot ni Maru ang telepono nito.

Pinuntahan nalang nya ito at binulabog doon sa bahay.

Dire diretso syang pumasok nang mabuksan ni Maru ang pinto. Ni hindi nya man lang sinilip ito.

"Teka nga muna, Pepper."

"Asan si Vanilla?"

"She's on her work. What's your problem?"

"Nagfile na ako ng kaso!"

Napahilamos si Maru sa mukha nito. She crossed her legs and inhaled.

"Okay? You started this, make sure to finish this."

"What? How could you! Para kay Toby ito diba?"

"Yes, but maybe you should think first before you did some action."

Inihagis nya sa harapan ni Maru ang folder kung saan naglalaman ang mga dumi ng Jaguar Law Firm, matagal na nyang alam to pero syempre wala syang pakialam sa mga ganito dati, not until dinamay nila si Toby.

Pinasadahan ni Maru ng tingin ang laman ng folder bago kumunot ang noo nito.

"I know someone who can back you up."

"No. If you don't want, okay lang. Kaya ko." Tumayo na sya at tinalikuran si Maru.

"Stay, Pepper. May darating akong bisita."

"I'm not a dog!"

Natawa ito pero hindi na nya binigyan ng pansin. Dire diretso na ang lakad nya palabas, at nang mabuksan ang pinto, bumungad sa kanya si Atty. Miller na pawang mukhang kakatok palang. Tinagilid nya ang ulo nya dito at ngumisi.

"Oh, so you and Maru are friends now?"

Inayos ni Zero ang neck tie nya bago ngumiti. Offended pa din sya sa sinabi ni Zero na bitch sya ni Toby kahit naman palaging headline iyon dati.

"Hindi pwedeng civil lang sa isa't isa bilang parehong abogado?"

Humalukiphip sya sa harapan nito, Zero flashed his mocking face at her.

"Abogago kamo?"

"Step aside, I need to talk to Atty. Ruiz first. Mamaya na tayo."

Pepper made a face and walked passed by him. Kaso humarap sya at sinundot ang braso ni Zero. Zero faced her.

"Sigurado ka bang wala kang alam kay Toby De Silva?"

"Se sì, cosa puoi fare?" (Kung meron, may magagawa ka?)

"Ano? Nasa pilipinas ka, magtagalog ka."

Humakbang si Zero sa tapat nya at hinawakan ang dulo ng buhok nya.

"Ke-bella donna, stupida." (Ke-gandang babae, estupida)

"Hindi ako stupid."

Zero cornered her on the wall and slowly nodded his head.

Island Series: Pepper MarcaidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon