Chapter Twenty Four

543 29 4
                                    

Chapter Twenty Four

"Objection your honor."

Umirap si Pepper at tinaas ang hawak na papel. Kaso pinigilan sya nung Judge at hinayaang umimik ang kalaban na abogado. Hinipan nya ang mga daliri.

"Anong masasabi mo, Prosecutor Marcaida?"

"I can't see something. But I know that my evidence were clear."

It's been a two months since Zero left the Philippines. Wala namang nagbago sa buhay ni Pepper, she continue her work after healing. Tinapos nya ng mga kasong naka-line up sa kanya bago babalik sa Isla Verde.

Naging satisfy sya sa sinabi ni Zero na pinatay nya talaga sina Yan at Dale. Nagsend ito ng proof sa kanya.

"Thank you po." Kinamayan nya ang kliyente nya bago tumungo.

She started to fixed her things and went out of the court room. Sa malayong parte, nakita nya si Alas na naka-abang.

"Isa pang lapit, kaya kitang idemanda."

"Ikaw ang idedemanda ko!"

"Your father's will testiment is not my problem anymore." Nilampasan nya ito at dire diretso lang ang lakad.

Napabuntong hininga si Pepper nang masulyapan ang paligid. She press her key fob and went to her car. Nilagak nya lahat ng gamit doon at nagmaneho na pauwi. She needed to pack her things, sa sabado na ang balik nya ng Isla Verde.

Binuksan nya ang dashboard para kumuha ng basahan nang may mahulog. Kumurap sya at nakita ang necktie ni Zero doon. When Atty. Zero Miller left, he didn't leave any trace to find him. Pakiramdam nya, na-ghost sya bigla. Pepper didn't actually admit but she likes Zero, hanggang doon lang. Ayaw nya kasing mag-cross ng line.

Iniwan nya ang sasakyan sa tenement kung nasan ang Mama nya. May sarili kasing sasakyan si Chelsea.

Pagkababa nya, inangat nya ang suot na salamin sa may bandang ulo. There was a commotion outside of the building. Lumakad sya kaso napahinto sa narinig.

"Totoo ba ang ginto?"

"Naniniwala kayo?"

"Oo, may nagsabi lang."

Napailing sya bago dire diretso ang lakad. Hindi pa din naman sya gaanong ka-okay sa Mama nya, minemake sure nya lang na magiging ligtas ito lagi.

Kumatok si Pepper sa pinto at natigilan ng makita ang Tiyahin na kapatid ng Papa nya.

"Ma," she called for her mom.

"Aba, at buti naman naaalala ka pa nitong abogada mong anak."

Hindi nya pinansin ang Tiyahin, dahil namulat palang sya noon ay palaging pangmamaliit ang natatanggap nya dito.

"Iiwan ko sasakyan ko, Ma. I'll be leaving for Isla Verde."

"Sige, Pepper."

"Pepper, sinisingil ko ang mama mo sa utang nya." Singit ng tiyahin nya.

Inabot nya ang susi ng sasakyan sa Mama nya at ang konting pera. Inayos nya ang buhok at hinarap ang Tiyahin.

"May pera ka na diba? At akala ko ba tulong mo na iyon noong namatay si Papa?"

"Malaki naman ang sahod mo. Dali na."

Tumaas ang kilay nya at natawa.

"Naalala mo bang hindi mo kami halos pansinin noong kinasal ang anak mo? Tapos asan sya ngayon?"

"Ang dami mo pang sinasabi."

Lumunok sya at kumuha ng pera sa wallet. Padarang nyang inabot sa Tiyahin iyon at ngumisi.

Island Series: Pepper MarcaidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon