This is the start of the Book 2. Hope you'll still wait for its slow update! Salit-salitan kasi sila ng Book 3 ng Pleasure Trilogy ko. Hope you'll read those too. Happy reading!
Prologue
"YOU NEED to win this race again, okay? There are rookies now that want to destroy your wins streak. So make sure to really win this game." The man taps her shoulders as he walks away from where she was standing.
She walks with confidence as people's eyes darted at her. Parang kanya ang daan habang binabaybay niya ito patungo sa kanyang pinakamamahal na kotse. Sasakay na sana siya nang may nahagip ang mga mata niya ng isang pamilyar na bulto ng taong ayaw niyang makita.
Umiling lang siya nang mawala na rin ito sa paningin niya. Baka namamalikmata lang siya kaya nagpatuloy na ito sa pagsakay sa kotse niya.
The crowd is so loud that even if her car's engine roared, it wasn't loud as the crowd. Napa-irap lang siya sa hangin habang nakangising tinitignan ang mga makaka-race niya sa araw na iyon. She knew to herself that she'll win this and no one can destroy her longest win streak.
She felt so excited, her hands grip tightly at the steering wheel and her one foot is eagerly pushing the gas under the steering wheel. Nang marinig ang putok ng baril na hudyat na go signal ay walang pag-aalinlangan na mas lalo niyang inapakan ang gas.
Humarurot ang kanyang sasakyan pauna sa mga sasakyang kanyang nakakasabay. Gamit ang isang kamay, hinawakan niya ang kambyo ng sasakyan at itinulak ito paharap. She made a fast drift to the left, another drift to the right and full speed as she saw the first lap.
Pero napa-awang ang labi niya ng isang mas mabilis na itim na sasakyan ang nauna sa kanya sa unang lap. It made her blood boil. How dare that driver made the first lap! Dahil sa gigil ay mas lalo pa niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan. Wala ng pakialam sa crowd.
"Damn it!" malutong niyang pagmumura nang medyo malayo ang agwat ng mga sasakyan nila. Nakasunod siya rito pero ayaw niyang may sinusundan siya! "Fucking shit!"
Nalalampasan na ulit nila ang ibang mga sasakyan pero nauuna pa rin ito sa kanya. They are now on the second lap but damn! The car is still in front of her! At hindi siya sanay na may nauuna sa kanya!
Isang marahas na liko pakaliwa at pakanan bago niya mas pinanggigilan ang pagsipa sa gas ng sasakyan. Ngayong nasa huling lap na lang ay kailangan niyang maunahan ang nasa unahan niya dahil hindi siya papayag na matatalo siya!
Napangisi siya nang magpantay ang mga kotse nila. Nangingiti siya na agad namang nawala nang bumaba ang bintana nito sa side niya. Umawang ang labi niya nang sumaludo sa kanya ang lalaki bago pinaharurot na pauna sa kotse nito at nakuha ang panalo.
Damn! Bakit ito pa ang nakatalo sa kanya? At bakit ito nandito sa kaharian niya?! Gigil siyang lumabas sa kotse niya na hindi na maipinta ang mukha. Wala siyang kinausap sa mga taong sumusunod sa kanya. All she cares now is to talk to that man!
Ang panggigil na nararamdaman at galit niya sa tumalo sa kanya ay mabilis na nawala at napalitan ng sakit. Sakit na nagpapatunay sa kanyang buhay pa siya. Ang sakit na mula noong nagmahal siya ay hindi na nawala pa.
Seeing him with a woman hugging him and kissed his cheeks made her heart in pain, again. The woman's hair is long and black, she has a small nose that emphasizes her pinkish lips and her eyes, its gray that made her look more beautiful and innocent.
Agad siyang tumalikod nang dumako ang tingin sa kanya ng binata. Mabilis siyang naglakad palayo roon. Palayo sa taong naging dahilan para maging bato ang kanyang puso.
"CONGRATS!" Inilalayan niya sa magkabilang baywang ang kaibigan nang yumakap ito sa kanya at humalik sa pisngi niya.
"Salamat." May marahan siyang ngiti sa mga labi at magsasalita pa sana nang mahagip ng paningin niya ang babaeng papalapit sa kanila na agad namang tumalikod.
"Baby, be careful. You might fall." Rinig niyang baritonong boses ng asawa ng kaibigan. "Please, for our baby, okay?"
Naibalik niya ang tingin sa dalawa at nakitang naglalambing na nakahilig na ang ulo ng kaibigan sa asawa nito. Masaya siya at nakamit na ng kaibigan niya ang inaasam nitong kaligayahan sa bisig ng taong mahal nito. Siya kaya? Kailan niya makakamit ang inaasam niyang kaligayahan sa piling ng babaeng mahal niya?
"Excuse me, see you later, Leaf, Jim." Paalam niya sa dalawa na tumango lang at hinayaan siyang umalis sa harap nila.
Nagpalinga-linga siya para mahanap ang hinahanap niya pero hindi niya nagawa dahil dinumog na siya ng media. He tried to avoid their cameras but he got stuck. Nakita niya ang bulto ng dalaga na mabilis ang lakad palayo sa kanya.
His heart clench seeing her walking away from him, for the second time. He pursed his lips and made his face emotionless. Ayaw niyang ipakita ang sakit na nararamdaman niya habang palayo na nang palayo ang babae sa kanya.
"The next time I will see you, I will make sure that you'll be mine again, Veneda." Lihim niyang pinangako iyon sa sarili niya at determinado siyang ibalik sa mga bisig niya ang babaeng nagpapabaliw sa puso at isip niya. "Wait for me, love. I'll make you mine... forever."
C.B. | courageousbeast
~ Vote and comments are highly appreciated!
BINABASA MO ANG
Amazona 2: Veneda Hellian
Romance"You are like this field, you are hard to trust." Amazona Series Book 2 (Slow update) WARNING! MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! Credits to the rightful owner of the photo. -C.B. | courageousbeast Date Started: June 28, 2021 Date finished: