Chapter 3: Meet

10 1 0
                                    

~ Sorry for updating late. I've been busy these past few months and until now. Madalang ang update sa lahat ng stories ko. So I hope you'll understand. Enjoy reading and happy new year everyone!

Chapter 3: Meet

MAAGANG nagising si Veneda dahil nag-a-adjust pa ang katawan niya sa timeframe ng bago niyang kapaligiran. Hindi pa nagbubukang-liwayway ay gising na siya. At dahil hindi na rin naman siya magkakabalik sa pagtulog, bumangon siya saka pumasok ng banyo para gawin ang araw-araw niyang gawain.

Pagkatapos maligo, she went to her walk-in-closet to choose her outfit for today. Ngayong araw sila pupunta ng ina niya sa University na pag-aari nito. She chooses the white sando paired with a stripped polo, a black leggings and white snickers. Winagayway lang niya ang reddish brown niyang buhok na hanggang likod at hindi na naglagay ng kahit na anong pangkulay sa mukha.

She preferred to have a bare face than put a make-up. It irritates her skin and sometimes, rashes leave a mark in her face. So she chooses not to use make-ups.

Nang makontento sa outfit niya ay lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa kusina. Busy ang mga kasambahay ng ina niya na parang may mga bisita silang darating. She just takes her seat and watches them do their jobs.

Nababagot na siya kakapanood sa mga kasambahay na kanina pa pabalik-balik sa loob at labas ng dining hall. Gusto niyang maghanda ng sarili niyang agahan pero hindi siya makatiyempo. She rolled her eyes and stands up. Maglalakad na sana siya papuntang kusina nang mapatigil siya ng isa-isa nang naghain ang mga kasambahay sa dining.

"Good morning, Miss Veneda," bati sa kanya ng mayordoma na tinanguan lang niya saka bumalik sa pagkakaupo. "May gusto pa po ba kayong ipaluto?" Umiling lang siya.

Ayaw na niyang magpaluto pa ng gusto niyang kainin dahil marami ang mga niluto ng mga ito na akala mo ay may handaan. Dalawa lang naman sila ng ina niya ang kakain. Nagkibit balikat na lang siya at nagsimula ng kumain na walang imik.

Malapit na siyang matapos sa pag-aagahan nang dumating ang ina niya. Netalia was wearing a red off-shoulder dress above her knee. Dahil sa kulay ng damit nito, mas pumuti ito na ikinaganda ng ina niya.

"Good morning, sweetie! How's your first night?" Nakangiti man ang ina ay alam ni Veneda na may itinatago iyong lungkot. "You woke up early. Still adjusting, I see." Pagkausap nito sa sarili na naririnig naman ng dalaga. "After we have our breakfast, we'll set off. Is that okay with you?"

"Yeah," tipid niyang sagot saka sumimsim sa fresh fruit juice na pinagawa niya.

Wala nang sinabi pa ang ina niya at nagsimula na itong kumain. Samantalang inuubos naman niya ang iniinom habang hinihintay ang ina matapos.

NAKATINGIN lang si Veneda sa labas ng bintana ng itim na van at nasa tabi nito ang ina na may kausap sa telepono. Hindi siya nakikinig sa usapan nito dahil wala naman siyang pakialam. All she wanted now is to finish everything so she can roam around the city.

"Thank you. We're on our way." Ang huli niyang narinig na sinabi ng ina nang tumigil ang kotseng kanilang kinalululanan. "Oh, we're here na pala. Let's go, sweetie."

Naunang lumabas ang ina niya na agad namang inilalayan ng driver slash bodyguard nito. Sumunod siya na inilalayan din naman siya ng lalaki. Walang imik siyang sunod nang sunod sa ina na naglalakad sa mahabang pasilyo papasok ng hindi niya alam kung saan.

Lahat ng madadaanan nila ay binabati ang ina niya na tango lang ang nagiging sagot. Hindi naman niya pinapansin ang mga nagtataka at may paghangang mga tingin ng mga taong nakakasalubong at nadadaanan nila. Veneda's been minding her own business when they halted in an elevator.

Amazona 2: Veneda HellianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon