Chapter 4: Video
WALANG PAKIALAM. Iyan ang nasa isip niya habang tinatahak ang daan papunta sa building kung nasaan ang kanyang ina. It's been a week since she started going to the University where she will be the successor in the future. At sa isang linggo na iyon ay wala siyang kinausap na kahit na isang tao o estudyante pwera na lang kung tinatanong siya tungkol sa aralin o direksiyon.
Matiwasay ang kanyang paglalakad habang dinadama ang simoy ng hangin na tumatangay sa may kahabaan niyang buhok. Isang malalim na hininga ang kanyang ginawa saka tumigil sa paglalakad at humarap sa malawak na field.
Isang linggo na ring walang paramdam ang kanyang kasintahan. Also, this is the spot where she saw the man that she can't get out of her mind. Hindi niya alam kung bakit hindi mawala-wala ang lalaki sa isip niya. Is she that attracted to him even if she just saw the glimpse of him?
Napasinghap siya nang marahas sa naisip at palihim na kinutusan ang sarili. What the fuck, Veneda?! Why are you thinking of another man?! Are you out of your mind?! Napapailing na lang siya at winaksi ang binata sa isip niya at inisip ang kasintahang iniwan niya sa Canada.
Hindi niya alam kung ilang buntong hininga na ang nagagawa niya sa mga oras na iyon na hindi niya naramdaman ang paglapit sa kanya ng isang presensiya. She was completely consumed by her thoughts when she hears a baritone voice beside her.
"Thinking of someone?" Kunot noo niyang nilingon ang katabi at napaawang ang kanyang labi nang makita kung sino iyon.
Nang ma-realize niya ang naging reaksiyon niya ay agad siyang napaayos ng tayo at ibinalik ang tingin sa harap. Hindi siya sumagot at hinayaan ang estranghero sa kanyang tabi. Ilang minuto ang nakalipas na tahimik lang silang dalawa. Pinapakiramdaman ang isa't-isa kung sino ang mauunang magsasalita.
Veneda is slowly tapping her foot on the floor. It's making her feel uncomfortable and flustered as the man besides her shamelessly staring at her. Just one wrong move from her, she feels like the man will do something to her. And she doesn't understand why her heart is beating fast just by his stare.
"You know, mister, staring is rude." Hindi na niya nakayanan ang walang kahiyaang paninitig sa kanya ng katabi. "Am I that beautiful to your eyes?" Nakataas ang kilay niyang hindi pa rin makalingon dito.
"If staring at you will make you notice me, then, I'll stare at you all day long." Palihim na napalunok si Veneda sa sinabing iyon ng binata. "By the way, I'm Celestino Gallego. And you are?"
Nakita niya sa gilid ng kanyang mata ang paglahad nito ng kamay sa kanya na alanganin pa niyang tinanggap.
"Veneda Hellian," tipid niyang sagot at agad na hinatak ang kamay nang makaramdam siya ng kakaiba sa paghaplos doon ng binata.
"As beautiful as you." Napaikot siya ng mata dahil sa mga naririnig sa binata.
"What do you want, Celestino?" walang buhay niyang tanong dito at hinarap na ng tuluyan. "If you have nothing to say, thank you for your company."
Tatalikod na sana siya nang pigilan siya ng binata. Dalawang kilay na niya ang tumaas at nakikita niya na nagpipigil ng ngiti ang binata.
"What?" mataray na niyang saad. Kaya hindi na napigilan pa ni Celestino ang mapangiti ng tuluyan.
He doesn't know but it's making him smile and wanted to know her more in just a week of staring at her from afar. Now that he has a chance to talk to her, he'll grab this opportunity to make friends with her.
Are you sure you only want friendship from her, Tine? Lihim na napailing si Celestino sa sariling tanong.
"I just want to befriend you. Is there a problem with that?" may pagkainosente niyang tanong sa dalaga at ngumiti. Ngiting alam niyang gustong-gusto ng mga babaeng makakakita.
BINABASA MO ANG
Amazona 2: Veneda Hellian
Romance"You are like this field, you are hard to trust." Amazona Series Book 2 (Slow update) WARNING! MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! Credits to the rightful owner of the photo. -C.B. | courageousbeast Date Started: June 28, 2021 Date finished: