Nasa bar kami ng mga kaibigan ko. Syempre may mga babae silang kasama maliban samin ni Rad, ewan ko ba dyan gaya-gaya ng trip. Ang ingay ng mga kasama ko at halata sa kanilang malakas na ang sapi ng alak sa kanila.. Kami lang ni RAD ang walang partner kasi sabi nya kawawa naman daw ako kung di nya ko sasamahan..
Wala kasi talaga ako sa mood manchix ngayon kasi sa tuwing pipikit ako yung mukha nya ang lumilitaw sa isip ko, yung mga ngiti nya,yung mala anghel nyang ganda! "WOW" -biglang bulong ko sa kawalan..
"Ayy, sabi na eh.. Sa wakas tinamaan din ni Kupido" -rinig kong sabi ni Anapakunot na lang ako at napatingin sa kanya. At laking gulat ko ng mapagtanto kong nakatingin pala silang lahat sa akin..
"What?" -takang tanong ko
"Kanina ka pa namin tinatanong kung nakilala mo na ba ang Fiance mo" -Gretchen
"Masama ito wala sya sa sarili nya. Baka bigla na lang syang mangaGat." -sabi ni Kim at nagtawanan silang lahat
"Hindi pa at wala akong balak kilalanin ang babaeng magkukulong sa akin sa matinding sama ng loob."
"Ehh sino yung iniisip mo at may pa wow-wow ka pang nalalaman?" -Mich
"Si Miss Masungit ba yan?" -RAD
"Huh? Ano daw? Napa buntong hininga lang ako" -pagsisinungaling ko
"Ang pagkaka alam ko ang buntong hininga HAAAAAY ang tunog. At ang pagkakarinig ko sa sinabi mo kanina WOW!" -sarkastikong paliwanag ni A
"Bahala kayo kung ano gusto nyong isipin. RAD tawagan mo na nga lang si Ara at Bang papuntahin mo dito." -utos ko kay Rad at agad naman syang sumunod. Tumayo ako para pumunta sa bar area
pagkaupo ko doon may nakita akong babae na nakayuko at halatang lasing na lasing na pero sige parin sa pag request ng isa pang basong tequila. Naawa nalang ako bigla sa kanya at sinenyasan ang barista na "Wag mo ng bigyan lasing na to" -mouthed. Tumango naman ito sa akin at inalok na lang ako ng maiinom. Nakita kong gumalaw ang babae bahagya itong nag angat ng ulo pero di ko makita ang mukha nya bukod kasi sa mejo madilim, gulo-gulo pa ang buhok nito na parang sinabunutan ng limang unggoy.
Akma sana syang tatayo pero bigla rin syang napa upo dahil sa hilo.
"Miss okay ka lang?" -tanong ko pero bigla na lang nyang tinabig ang kamay ko dahilan para kumunot ang noo ko. Nag umpisa ulit syang tumayo at sa pagkakataon na ito nagawa na nya, naglakad ito papunta sa mga babaeng nag iinuman sa isang table hula ko ito yung mga kaibigan nya, napatawa na lang ako ng mahina ng makita syang gegewang-gewang sa paglalakad. Naka sunod lang ako sa kanya pero bago pa sya tuluyang makalapit sa mga kaibigan nya ay natumba na ito at nawalan ng malay dahil sa kalasingan mabuti na lang at mabilis ko syang nasalo.
Pagkasalo ko sa kanya, nanlaki ang mga mata ko, kumabog ng husto ang puso ko at eto na naman ang pakiramdam na nag i-slowmo ang mga bagay sa paligid ko bumagal ang takbo ng oras at ikot ng mundo.
"Wow" -tanging na sambit ko ng makita ang isang anghel sa harap ko at sobrang lapit ng mukha ko sa mukha nya..
"Ehem" -rinig kong sabi ng kung sinong babae na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Pag tingala ko yung grupo ng mga kababaihan sa table lahat sila nakatingin sakin samin ni Ms. Masungit..