Hanggang ngayon lutang na lutang parin ako sa mga nangyari kahapon.. Yung feeling na, sawakas nag I LOVE YOU na sya sa akin.. GAAAAAD! Ang sarap-sarap sa pakiramdam. Magkatabi kaming natulog dito sa Villa after private dinner date kagabi sa garden, ganito lang kami mag date kasi nga takot sa issue tong mahal kong doctora which is okay lang naman sakin, sabi ko nga OKAY LANG KAHIT DI KO MAISIGAW SA MUNDO KUNG SINO ANG MAHAL KO, SAPAT NA YUNG ALAM NAMIN PAREHO NA SYA ANG TINUTUKOY KO!
Ooopss! Magkatabi lang kaming natulog pero walang nangyari samin. I respect her so much ganun ko sya kamahal eh.. Halos hindi ako naka tulog kasi nga napuyat ako kakatitig sa maganda at maamo nyang mukha..
"Goodmorning beautiful" bati ko sa kanya ng imulat nya ang mga mata nyangumiti ito ng napaka ganda habang kinukusot ang mga mata nya sabay bati sakin pabalik "Goodmorning my handsome babe" malambing nyang sabi.
Kagabi pa yan eh, babe ng babe haha ako naman super kilig!
"Breakfast in bed my princess" sabi ko sabay abot ng tray na nakapatong sa maliit na mesa..
"Ang sweet talaga ng babe ko. I love you" ngiting ngiting aniya at kumain na
habang kumakain sya ay pinapanood ko lang sya, paminsan minsan ay inaalok nya akong subuan pero tumatanggi ako, ayokong mag colapse sa harap nya sa sobrang kilig hehe
habang pinapanood ko sya ay bigla na lang may magandang mukha na lumabas sa isipan ko. Napa tayo ako bigla kaya nagulat si Laura
"Babe, what happen? Are you okay?" takang tanong nya sakin
"Ha? Ahh yeah! M-may bigla lang akong n-naalala" utal kong sagot
"What is it?" tanong nya na di ko alam ang isasagot ko pero buti na lang nung maalala ko sya, naalala ko lahat..
"Ahh si Maddie babe.. sa condo ko na sya titira" mabilis kong sagot sa kanya
"Ahh, akala ko may iba ka na agad eh, di pa nga official na tayo" naka ngiting aniya
ewan ko pero bigla na lang kumabog ng husto ang puso ko nung sinabi nya yun kaya bigla akong napa kunot ng noo.
"Joke lang" natatawang aniya "Alam ko naman loyal ka sakin eh.. I love you babe" naka ngiting sabi nya ng makalapit sya sa akin at ikinawit ang dalawang kamay nya sa batok ko. Akma nya sana akong hahalikan pero bigla na lang tumunog ang cellphone nya.
Bigla ko na lang hindi maintindihan ang sarili ko. Ng hindi matuloy ang paghalik sana ni Laura sa akin ay para akong nakahinga ng maluwag.
"Hello" rinig kong sagot ni Laura sa kausap sa kabilang linya
hindi na ako nakinig lumabas ako ng kwarto na may pagtataka sa sarili.
"Bakit ganun? Dapat masaya ako kasi alam ko magiging kami na ni Laura" malungkot kong bulong sa sarili ko ng maka labas ng kwarto natigil lang ang pagiisip ko ng Bigla na lang nag vibrate ang phone ko sa bulsa kaya dali-dali ko itong kinuha, may nagtext new number.
From: UNKNOW number"Goodmorning Alyssa. Thank you nga pala sa effort mong bumawi sa amin kahapon and sorry sa mga inasta namin. It's me Den!"