*ALYSSA POV*
"Guys com'on tara na. Hurry up naman please!" sigaw ko sa kanila.
2:30 pm na binigyan ko pa sila ng extention para manatili pa ng ilang oras dito sa Paradise pero ayan ang babagal parin nilang kumilos. Kainis lang! Lam mo yun? Kung kelan nag mamadali ka saka sila magkikilos pagong, kaasar lang!
"Extend pa more please!" pagmamakaawa pa nila sa akin
"Guys, please let's go! I promise next time babalik ulit tayo dito kahit 1month pa tayong manatili dito, Okay lang! But not now please. We need to go back to Manila right now ASAP!" mahabang sabi ko, na nagpakunot ng mga noo nila.
"Bakit ba nagmamadali kang umuwi? Anong meron sa manila? Kung makapag madali ka naman dyan akala mo may agaw buhay kang hinahabol" iritang tanong ni Dennise at RAD
Napatigil ako bigla at bahagyang humarap sa kanilang lahat. Naka talikod kasi ako at inaayos ang mga gamit ko. Sila mga nakatayo lang sa likuran ko at mga kunot ang noo, naka cross arms at naka taas ang mga kilay nila. But I don't care basta kailangan na naming bumalik ng Manila.
"What if meron nga?" kunot noo kong tanong sa kanila.
Hindi sila sumagot at nanatili lang na nakatayo at kunot ang noo. Ewan! sa sobrang inis ko lang talaga siguro kaya di ko na napigilan ang sarili ko.
"Kung ayaw nyong bumalik ng Manila, Kfine! Ako na lang. Stay here kahit kelan nyo gusto!" madiin kong sabi sa kanila. "Kuya, pakibaba lahat ng gamit nila sa Van" utos ko sa isang staff at agad naman nya itong sinunod.
"K fine! Let's go!" inis na sabi ni Rad at agad naman silang sumakay ng Van.
Tahimik lang ang lahat habang nasa byahe papuntang airport. Gagamitin namin yung private plane para mas madali ipinaalam ko na kay Daddy at wala naman syang angal dito. Haha lol
"Hey!" sabi ko sa katabi ko na hindi manlang ako pinapansin. "Sorry na boss" dagdag ko pa at hinalikan sya sa pisngi. Wa epek pa din!
Naka sandal ang ulo nya sa sandalan at naka suot ng shades, kita ko na naka pikit sya. Kaya niyakap ko sya ng mahigpit, nakahrap ako sa kanya pero sya naka side sa akin.
"I'm so sorry baby Boss" malambing kong sabi at hinalikan ulit sya ng masuyo sa pisngi. "Pansinin mo na ako please. Sorry na RAD" dagdag ko pa.
Gusto ko ng umiyak nun kasi di talaga ako sanay na di ako pinapansin at kinikibo nitong Bestfriend ko. Na tigil lang ako nung bigla syang mag salita..
"Bat ba kasi nag mamadali kang umuwi?" malamig nyang tanong sakin.. Niyakap ko pa sya ng mahigpit sabay sabing
"May date kasi kami ni Lau, susunduin ko sya mamayang 5pm. Ayoko lang ma-late."
"Lau na naman?!" gulat nyang tanong. "Puro ka na lang Lau. Minsan nakaka tampo ka na, ni hindi mo manlang inisip na nag e-enjoy pa kami. Tamo sila para silang lantang gulay na dapat masaya sila dahil galing sila sa isang maganda at enggrandeng resort, pero hindi, daig pa nila ang kalabaw na maghapong nag araro sa bukid" mahabang pahayag nya sakin.
Tumingin ako sa likod ko at bigla na lang akong naka ramdam ng lungkot at pagsisisi ng makita ko kung gano sila ka-disappointed at kalungkot sa ginawa ko. Aminado naman kasi ako na, ako ang nag dala sa kanila dito. Pero sino bang dapat kong piliin? Ang babaeng pinapangarap ko o ang mga kaibigan kong bago? Ang hirap!