"FILLE POV""Alam nyo guys, malakas ang kutob ko na hindi pa kilala ni Alyssa ang fiance nya" sabi ko sa kanila.
Andito padin kami sa Zambales sa private beach resort nila Alyssa, naka tambay sa duyan at kita namin ang paglubog ng araw
"Pano mo naman na sabi?" tanong ni Ella
"Tamo sila" sabay-sabay naming tingin kila Dennise at Alyssa nasa tabing dagat sila at naguusap. "Yung trato ni Ly sa kanya parang sa mga kaibigan lang din nya, parang satin lang. BARKADA!" sagot ko
"hmm malay mo naman alam nya pero nag papanggap lang sya" sabat ni Ayel
"Fille is right!" napatingin kami bigla sa nag salita. "I heard Gretchen, RAD and A talking about Alyssa's future fiance earlier" pagpapatuloy ni Dzi at umupo sa tabi ko
"Really? Anong sabi?" usisa namin sa kanya
*FLASH BACK*"Tol, pano na kaya yang si Baldo kapag na-engage na? Magugustuhan nya kaya yung fiance nya?" tanong ni Greta kay A
"Ewan lang tol.. We know Alyssa pag ayaw nya, ayaw nya. Di mo sya basta mapipilit" nagaalalang sagot ni A
"Well, kaya nga nandito tayo diba? Pinag bakasyon tayo dito ni tito Allan para kay Ly. Kausapin daw natin sya about her future Fiance" Rad
"Ano naman daw ang gusto nyang sabihin natin kay Baldo? Eh matigas pa yun sa bato!" Greta
"Paliwanagan daw natin si Baldo about her future. Mejo badshot na kasi ang image nya diba? Cassanova, party goer, chix magnet etc. Mejo nagaalala na si tito" mahabang sabi ni Rad
"Eh kilala na ba ni Baldo kung sino ang Fiance nya?" takang tanong ni A
"I think hindi pa. Wala syang balak kilalanin o kahit alamin manlang ang pangalan ng fiance nya. Matigas talaga ulo ni Baldo" Rad
"Di na tayo na sanay. E ganyan na talaga si Baldo, wala na tayong magagawa jan." Greta*End of Flash Back*
"GEEEEEEEZ!!" sabay sabay naming sabi"Hindi nya alam na si Dennise Lazaro ang fiance nya. Hindi nya alam na yang babaeng kinakausap nya pala ang mapapangasawa nya. Hindi kasi sya interesado kasi" tigil nya. Pabitin eh..
"KASI??" sabay sabay naming tanong dito
"Kasi In love si Alyssa sa iba" patuloy nya
"Naman pala eh.. Bakit sila magpapakasal ni Besh?" takang tan0ng ni Ella
"Parang yun ang desisyon ng mga magulang nila para sa kumpya" walang gana nyang sagot
"Nakakainis naman eh! Ayan na naman yang Company at Arrange Marriage na yan eh! Ganyan ba talaga ang mga mayayaman? Sila ang nag d-desisyon para sa future ng anak nila?" simangot na maktol ni Ella
"Parang teleserye at Pelikula lang. Pero siguro naman may happy ending diba?" sabi ko. Pampa gaan ng mabibigat nilang aura
"Mag dilang anghel ka sana" sagot ni Dzi at tumango tango na lang kami