"I love laura!"
"I love laura!"
"I love laura!"
yan ang mga salitang paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko kasi ang dami ko ng hindi maintindihan sa sarili ko simula nung makilala ko si Dennise. Mukha nya kasi palagi ang lumalabas sa isipan ko kapag pumipikit ako at mas lalong nagugulo ang isip at puso ko dahil sa napapa ngiti ako pag naaalala ko sya.
*FLASH BACK*
@ZAMBALES PRIVATE RESORT OF VALDEZ FAMILY
I saw her standing sa tabing dagat habang ako andito sa may terrace ng kwarto ko
"Yang blue eyes girl na yan, bat kaya nya gusto ang palaging mag isa?" bulong ko sa sarili ko habang naka tingin sa kanya
"Alam mo blue, crush na ata kita!" natatawang sabi ko lang sa hangin habang naka tingin lang sa kanya
"Kaya lang hindi tayo pwede, bukod kasi sa may Laura na ako, eh kamalas-malasan pang ini-Arrange marriage ako ni dad sa babaeng di ko kilala."
"ARRRGH !! Bwisit na alala ko na naman" maktol kong bulong sa sarili ko
malapitan na nga lang yang si Blue tutal busy naman si Doctora..
Bumaba ako at lumabas ng hotel. Dahan-dahan akong nag lakad papalapit sana sa kinatatayuan nya pero napa tigil ako dahil sa biglaang pag sigaw nya.
"BAKIT BA ANG UNFAIR-UNFAIR MO? BAKIT MO BA KO PINAPARUSAHAN NG GANITO? BAKIT MO BA GINAGAWA SAKIN TO? I HATE YOU!! I HATE YOU SO MUCH KASI SINASAKTAN MO KO" rinig kong sigaw nya sa dagat na animoy may kinakausap sa kabilang dulo nito.
'May dinaramdam na pala sya pero nagagawa pa nyang itago iyon sa aming lahat?! Nagagawa pa nyang ngumiti at tumawa kapag kasama kami.. Bakit di na lang sya magpakatotoo? Baka maka tulong pa kami' malungkot na bulong ko sa sarili ko.
Lalapitan ko na sana sya ng makita kong papalapit na sa kanya si Fille, Dzi at Ella kaya nag tago na lang ako sa mga display sa beach
nag lagay kasi kami dito ng mga malalaki at may mga disenyong halaman para di lang clear na white sand ang makikita, nag lagay din kami ng mga table, upuan at couch para may matambayan parang mini Garden na ang itsura kasi may carpet na green sa bawat tent..
"Dennise, ano bang nangyayari ha?" nag aalalang tanong ni Dzi at Fille