"DENNISE POV"
"awww! Grabe ang sakit ng ulo ko, Mababasag na ata!" -sabi ko sa sarili ko habang hawak-hawak ko ang sentido ko at pinipilit bumangon, mejo hilo pa ako. "Badtrip talaga ang hang over kahit kailan" -dagdag ko pa at tuluyan ng umupo sa kama..
Nag palinga-linga ako at laking gulat ko na mapagtanto na wala ako sa condo ko.. "OMG!! Nasan ako? Pano ko napunta dito? Sino ang kasama ko dito? Gosh!! Dennise what the hell. Mag isip ka!" -sunod-sunod na tanong ko sa sarili ko habang yakap-yakap ko ang sarili ko. Dali-dali akong napatingin sa katawan ko para icheck kung naka damit pa ba ako. "Sheez! Thank God! Hindi ko pa naman siguro na isuko ang bataan." -bulong ko sa sarili ko. Tumayo ako at lalabas na sana ng pinto ng biglang may kung sinong pumihit ng door knob napahinto ako at pigil hiningang hinintay ang papasok.. at laking gulat ko ng makita ko sya,
"ELLA ??" -gulat na tanong ko
"Besh, gising ka na pala. Tara break fast na!" -naka ngiting aniya
takang sumunod ako sa kanya papunta sa kusina pag pasok ko dun, andun din sila ate Fille, Jia, Ate Dzi, Marge at Ayel..
"Goodmorning beatiful Fiance" -sabay-sabay nilang bati at halatang may kilig factor pa.
"Goodmoring din po. Anong meron? Nasan tayo? Kaninong condo to?"
"E di sa akin Besh" -Ella
"Bago? E bakit tayo nandito? Tsaka pano ko napunta dito?"
"Naaalala mo ba kung anong nangyari kagabi?" -Fille
"Ahm umiinom ako sa bar area tapos -________- wala na ko maalala"
"alam mo bang nag passed out ka kagabi sa sobrang kalasingan?" -Dzi
"What ? Really ? Shocks! Nakakahiya!" -sabi ko habang sapo-sapo ang dalawang pisngi ko
"Nakakahiya talaga!" -sabay-sabay nilang sabi sa akin at ngumiti pa sila ng nakakaloko
"At alam mo ba kung sino ang sumalo sayo nung hinimatay ka?" -Marge
"Weh? Meron? Sino?" -takang tanong ko
nag tinginan lang sila at ngumiti ng nakakaloko sa akin..
"sino pa? E di yung HOT HANDSOME FIANCE MO! Ayieeee" -sabay nilang sabi at tukso sakin.. Napakunot na lang ako at humigop ng kape
"Talaga? E di na turn off na sya? YES! Wala ng engagement Hahahaha"
"Ay ang saya nya?"-Marge
"Hmm parang hindi naman. iba kasi yung tingin nya sayo eh." -Jia
"Anong tingin?" -tanong ko at napasimangot bigla
"Yung parang ikaw lang ang pinaka magandang dyosa sa buong mundo kahit mukha kang haggard na basurera na palaboy sa kalye nung mga oras na yun. Yung tingin nya sayo punung-puno ng pagmamahal." -Dzi
"Sus! If I know lahat ng babae ganun nya tingnan. Babaero nga kasi. Hello!" -sabi ko at napa hand gesture pa
"Well, dyan ka nagkakamali Dennise Michelle ibang-iba sya sa personal. Tahimik at Shy type sya at hindi mahilig makipag halubilo sa kung sinu-sinong babae." -Fille
"At sabi nga ng kaibigan nyang si Ara Galang isa lang daw ang babae ni Baldo." -Ella
"Sinong Baldo? Sino yung babae nya" -takang tanong ko