Chapter 58

228 10 0
                                    

Hot Point Of View

Nasa loob na si Dean. Pinapasok ko sya sa kuwarto namin. Kumatok kasi sya. Dahil gising pa kami ni Cold. Ngayon ay naka upo sya sa study chair ko.
Paikot-ikot sya dito na parang naglalaro habang basa ang laylayan ng pantalon nya

"Uy! Kumakalat ang basa sa sahig tsaka huwag mong paglaruan ang study chair ko. Baka masira" pag-iingat at pagsaway ko

"Ay! Sorry naman tsaka ang sarap magpaikot-ikot dito sa study chair mo eh...hehehe" paghingi ng sorry ni Dean

"Wala bang ganyan sa kuwarto nyo ni Dylan?" Tanong ko

"Meron naman. Ang kaso hindi na gumagana sa sobrang kalumaan. Ang gumagana na lang yung pagtaas at pagbaba ng chair" sabi ni Dean

Napa tingin ako kay Cold. Naka tingin sya sa akin. Habang patuloy lang si Dean sa pag-ikot ng study chair ko na parang akala mo nasa octopus ride sya. Nagsalita at sumenyas si Cold

"Bakit sya na nandito?" Tanong na walang boses habang tinuturo si Dean at sumenyas pa

"Aba! Malay ko" kibit balikat kong sabi na walang boses

Tumingin ako kay Dean pero hindi sya naka tingin sa akin. Tawa lang ng tawa sa pag-ikot nya sa study chair. Pagkatapos ay muli akong tumingin kay Cold. Nagsesenyasan kaming dalawa. Nag-uusap sa mga mata tsaka sa mga bibig at kung minsan ay sa nagsasalita kami ng walang boses. Ng biglang magsalita si Dean.

"Hot pwedeng dito muna ako magpalipas ng gabi?" Rinig na tanong sa akin ni Dean

Napa hinto kami sa ginagawa namin ni Cold. Napa tingin ako kay Dean. Nakita kong seryoso ang mukha nito tsaka nag-aantay sa sagot habang naka hinto sya sa pag-ikot ng study chair ko

"Huh? Eh...???" Hindi alam ang sasabibihin

Hindi ako maka paniwala sa sinabi nya iyon. Kaya hindi ako maka pagsalita. Hindi alam ang sasabihin

"Ano? Ano kasi?" Hindi alam ang sasabihin ko ulit

Patay tayo jan. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung sa akin pwede pero ewan ko lang kay Cold. Alam kong gusto nya ng walang maingay. Walang istorbo. Walang magulo. Kaya ano ang sasabihin ko

Tumingin muna ako kay Cold. Naka tingin ito sa akin. Sumenyas sa pamamagitan ng mata. Nguso at pag-iling. Parang sinasabi nya na ikaw bahala. Hindi ko naman bestfriend yan tsaka bilisan mo inaantay ang sagot mo. Pagkatapos ay tumingin ako kay Dean. Magsasalita na sana ako pero biglang nagsalita si Dean ulit. Marahil ilang minuto na sya nag-aantay sa akin

"Pero kung ayaw nyo. Okay lang naman sa akin. Sa labas na lang ako magpapalipas ng buong magdamag" honest na sabi ni Dean

Tumayo na ito tsaka papalabas na sya ng kuwarto namin. Dahil nakokonsenya ako ay pinigilan kong lumabas si Dean

"Saglit lang. Pwede ka naman dito eh...wala naman akong sinasabing hindi ka pwedeng magstay dito sa kuwarto namin" pagpigil na sabi ko

"Oo nga dito ka na magstay. Malamig sa labas tsaka umuulan at wala ka naman mahihigaan or mauupuan sa labas" pag-sang ayon ni Cold

Natuwa ito. Nagtatalon na parang bata

"Yes. Yahooo. May matutulugan na ako" tuwang sabi ni Dean na nagtatalon na parang bata

Nagpasalamat ito sa amin

"Thank you Hot. Thank you Cold" pasasalamat ni Dean

Sa sobrang tuwa ni Dean

"Maraming salamat talaga sa inyong dalawa. Bestfriend nga kita Hot. Hindi mo talaga ako matitiis" galak na galak na sabi ni Dean habang papalapit sa amin

Cold and HotWhere stories live. Discover now