Chapter 27

286 11 0
                                    

Cold Point Of View

Break time na. Nasa hallway kami ni water papunta sa cafeteria

"Mukhang ganado ka ngayon ah!" Pansin ni water

"Hehehe...hindi naman" naka smile kong sabi

Habang naglalakad kami ay naalala nya yung kahapon kasi naunang umuwi si water. Hindi na nya alam ang pangyayari buhat ng kaming apat na lang natira sa basement

"Oo nga pala. Naalala ko. Anong nangyari na sainyo kahapon ng umuwi ako" naalalang tanong ni water

"Secret hahaha..." biro kong sabi

Tumingin si water sa akin. Na naka kunot noo. Na paramg sinasabi na may sinesekreto ako

"Ano nga? May secret-secret ka pang nalalaman hahaha" sabay pulupot ng braso nya sa braso ko

"Pumayag silang ihatid ko sila pero nung una ayaw ni Hot. Kalaunan pumayag na rin kasi kasama naman yung dalawa nyang friends. Paalis na kami ang kaso nagkaproblema ng very-very ligh sa seatbelt ni Hot. Akala namin sira yun pala naupuan nya lang yung seatbelt kaya ayaw gumana. Ng maging okay ang kaso umalis yung dalawa nyang friends ma sila fire. Nagdahilan na meron pa silang naka limutang bilhin. Kaya ayun dalawa na lang kami ni Hot umuwi" kwentong sabi

"Pagkatapos?" Sabi nya na continue ko ang kwento

"Busog na kami nung umuwi. Nag-aral ako tsaka si Hot naman ayun naglalaro sa cellphone nya pagkatapos natulog na kami" kwento ko kay water

Naglalakad kami ng mapansin ni water si Hot

"Speaking of Hot. Sya ba yun? Si Hot ba yan?" Sabay turo ni water sa di kalayuan

Dahil naka tingin ako kay water habang nagkukuwento sa kanya ay napa tingin ako sa tinuro ni water at pagtingin ko si Hot nga

"Si Hot nga. Ano meron?" Tanong ko sa sarili ko

Nakita namin na may kausap syang dalawang gay

"Abah! Malay ko tsaka bakit may kasama syang gay? Nasaan ang dalawa nyang kaibigan?" Tanong ni water sa akin

"Hindi ko alam. Tara lapitan natin"

Pinigilan ako ni water. Hinawakan nya ang braso ko

"Huwag na" pigil na sabi ni water

"Ano ka ba? Nag-aalala ako kay Hot. Baka mapa ano sya. Baka may gawin sa kanya na hindi maganda ang dalawang baklang bugok" pag-aalalang sabi ko

"Tignan mo nga parang kinakausap nya yung dalawang bakla eh...Baka nga jowa nya yung dalawa" hinala ni water

Hindi ako naniwala sa sinabi ni water. Hindi rin ako mapakali. Kaya naglakad ako papunta kila Hot pero nagdalawang isip ako kasi nakilala ko ang dalawang bakla ng maka lapit ako sa kanila. Nagtago ako malapit sa kanila. Yung tipong naririnig ko ang pinag-uusapan nila

"Bakit bigla ka nagtatago dito?" Pagtatakang tanong ni water habang naka tago rin sya

"Huwag kang maingay baka marinig tayo tsaka si britany at si Jasmine yan. Hindi jowa ni Hot yan" paliwanag ko

Sumilip si water ng hindi nila napansin

"Oo nga si Britany at Jasmine yan pero bakit kausap ni Hot ang dalawa?" Pagconfirm at pagtataka ni water

"Yan ang hindi ko alam at yan ang aalamin natin kasi nasa alanganin si Hot ngayon. Kilala mo yang dalawang yan. Pasimpleng na nananching yan tsaka Si Britany kilala yan dito sa campus kasi nasa news alert yan ng campus"

Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita habang si water nakikinig lang

"Pwede nya ibalita sa news ng campus ang mga pangyayari dito tsaka naging sikat sya dito sa campus kasi sa mga binabalita nya sa mga sikat na mga players ng soccer, valleyball, basket ball or kahit gwapong naglalaro ng chess ay binabalita nya may kasama pang picture"

"Oo nga pala nuh. Lalo ma mgagandang katangian at information about sa mga player ng sport ang binabalita nya kahit yung favorite food. Music at kung anon-ano pa" dugtong na sabi ni water

Habang sumisilip kami at nagbibigay ako ng information kay water para lang ipaalala sa kanya

"Si Jasmine naman kilala sa pag-advocate ng lgbt"

"Oo nga kaya sya naging sikat dahil sa pagkakapantay-pantay ng mga student dito sa campus ng mga babae, lalaki, tomboy, bakla at etc." Pagkakantadang sabi ni water

Sumilip ulit kami

"Di ba ayaw pa naman ni Hot sa mga bakla?"

"Oo nga. Kaya nga naka bantay lang ako para kung anong gawin ng dalawa naka saklolo na ako kay Hot" pag-alala kong sabi

Habang naka silip kami ni water sya naman ay gumagala ang paningin

"Nasaan yung kaibigan nya? Nasaan yung fire? Or yung si Dean?" Pagahahanap ni water

"Hindi ko alam kung nasaan si Dean pero si fire ayun oh!" Sabay turo ko ng nguso ko

Napa tingin si water kung saan ako naka nguso. Nakita naman nya si fire

"Parang wala naman syang ginagawa" sa tingin na sabi ni water

"Meron pero hindi halata" sagot

Biglang umalis si Water

"Water saan ka pupunta?" Mahina na tanong ko

"Hahanapin si Dean" sabi nya

Hindi na ako sumagot pa. Naka ready lang ako kung ano ang gagawin ni britany at ni jasmine

"Hot magtimpi ka lang. Huwag kang gagawa ng action ng hindi ka mapahamak"

Nakikita ko kay Hot na nagtitimpi talaga sya. Nag-iisip ako kung ano ang dapat kong gawin.

"Mag-isip ka Cold kung ano ang dapat mong gawin. Dahil kung hindi mapapahamak si Hot sa dalawang baklang ito. Ayaw ko pa naman mapahamak si Hot"

Lalo pa akong nag-isip

"Di ba matalino ka Cold. Dapat may naisip ka na. Dapat ngayon paganahin ang pagiging matalino mo"

Ng may maisip na akong paraan

"Alam ko na ang gagawin ko"

Dahil naka tago ako. Na hindi nila ako mapapansin or makikita bini-video-han ko sila. Mula sa umpisa hanggang matapos ang eksena

"Tamang-tama lang ito" ang sabi ko

Cold and HotWhere stories live. Discover now