Chapter 13

454 18 0
                                    

Cold Point Of View

Nasa classroom ako ngayon kasama mga classmate ko

"Good morning Cold" bati sa akin ni water

"morning" bad mood na bati ko

Iniabot nya ang isa pang milk tea na hawak nya. Habang nag-zip sya sa iniinom nyang milk tea

"Oh!" Sabay abot ng milk tea

"Thanks. Bakit ka pa bumili ng milk tea? Maya-maya dadating na ang prof. Natin" sabi ko

"Hindi darating ang prof. Natin ngayon kasi narinig ko magmemeeting sila" sabi naman ni water

"Ah!" Pag sang ayon ko na lang

Uminom ako ng milk tea na binigay nya. Hindi nagtagal ay dumating ang prof. Namin.

"Akala ko ba hindi pupunta at magdidiscuss ang prof. Natin. Bakit nandito sya ngayon?" Paglilinaw ko kay water

"Pumunta lang yan para iinform tayo na may meeting sila ng mga prof. Natin tsaka ipagdasal na lang natin na hindi magbigay ng assignment or seat work at walang ipagawa sa atin habang wala sya" mahinang sabi ni water

Pumunta ang prof. Namin sa harapan tsaka nilagay ang gamit sa table nya at may sinabi sa amin

"Okay class. Hindi muna ako magdisicuss ngayon kasi may meeting kaming mga teachers nyo. You may go. Pero yung gustong magstay ay pwede naman at yung mga ayaw pwede naman lumabas na" sabi ng prof. Namin

Umalis na ang prof. Namin para pumunta sa meeting nila

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong ni water

"Ayokong lumabas. Mainit pa tsaka umiiwas ako sa mga girls na may crush sa akin. Kaya Dito muna ako" pagtanggi ko

Napansin ni water na bad mood ako

"Mukhang bad mood ka. Anong nangyari?" Pag-usisa ni water

"Ginulo lang naman ni Hot. ang mga gamit ko" sagot ko

Hindi maka paniwala si water sa sinabi ko

"Huh? Yung ka room mate mo?" Tanong na hindi maka paniwala na sabi ni water

"Yep" tipid kong sabi

"Akala ko okay kayo ng ka room mate mo. May pasalubong ka pa nung kailan ng brownies" sabay zip sa milk tea

"Pinakikisamahan ko. Kaya pinasalubungan ko sya" pag-explain ko

Nagtataka si water kung bakit pinakiki samahan ko ang ka doormate kong si Hot

"Bakit pinakiki samahan mo sya? Tsaka bakit sya ganon? Para syang nagstart ng world war ah! At higit sa lahat ikaw ba pinakiki sa----" putol at inis na sabi ni water

Pinutol ko ang pagsasalita nya

"Huwag ka ng magtanong pa. Para hindi ka na rin magtaka ikukuwento ko sayo ang lahat" pagpapahayag ko

"Uhm" pagsang ayon ni water

Kinuwento ko sa kanya ang mga pangyayari dahil alam kong mag-uusisa si water. Sinimulan ko sa nakita ko sya dito sa campus tsaka magkagusto kay Hot. Sinusulyapan sa malayo. Sumunod Naki usap ang bestfriend nyang si fire na itago ang pagiging gay ko dahil magiging ka room mate ko si Hot at pumayag naman ako. Sinabi rin ni fire na ayaw nito sa mga gay. Hanggang sa matuklasan nya at tinanong nya ako kung gay ako. Sinabi ko ang totoo sa kanya. Kaya ng malaman ni Hot na isa akong gay. Nagpalipat sya ng kuwarto pero ayaw ng ibang ka dorm mate namin. Ng lahat ay tinanggihan sya at ayun pinapaalis nya ako sa dorm. Pagkatapos ay kinalat ang damit ko. Higit sa lahat Ginulo ang mga gamit ko

Cold and HotWhere stories live. Discover now