Chapter 2

1.2K 42 0
                                    

Cold Point Of View

Nagluto ako ng pancit canton para sa kanila. Pakikisama ko lang sa kanilang dalawa. Mabait tsaka madaling pakisamahan si fire yung nga lang medyo madaldal tsaka maingay. Pakikisamahan ko rin si Hot lalo na bagong room mate ko sya

"Ayan malapit ng maluto. Kapag nagising sila ay luto na. Kakain na lang sila"

Hindi ko pa sila ginising dahil wala naman pasok. Sunday ngayon at galing sila sa byahe kagabi. Ang pagka alam ko ay sinundo ni fire si Hot sa province nila. Kung saan naka tira si Hot

"Ayan luto na"

Nilagay ko sa malaking mangkok ang pancit canton. Mga 4 na balot din ang niluto ko. I'm sure kapag mga lalaki ay malalakas silang kumain. Walang pinipili. lahat ay ubos. Ng makita kong gumalaw sila

"Gising na yata sila"

Tinignan ko silang dalawa ng maigi. Mukhang antok pa tsaka naalimpungatan silang dalawa

"Anong oras na ba?" Tanong ni fire kay Hot na antok pa

"Hindi ko alam. Teka titignan ko" antok na sabi ni Hot kay fire

Sumingit ako sa kanila tsaka para hindi na abutin ni Hot ang cellphone nya

"10 am na. Pwede pa naman matulog kasi maaga pa" sabi ko

"Oo nga. pwedeng pang matulog. Maaga pa. 10 am pa lang" antok pa rin sabi ni Hot

"Hindi pwede. Uuwi pa ako sa bahay. Wala akong damit dito" antok pa rin sabi ni fire

Niyakap ni Hot ang dantayan nya si fire naman ay bumangon pero dahil sa inaantok pa sya. dumapa sya. Laylay ang isang braso sa kama tsaka parang naka ngalumbaba sa isa pa nyang braso habang naka pikit

"Pwede ka naman umuwi mamaya kasi wala naman pasok ngayon tsaka ililibot mo pa ako dito" sabi ni Hot habang naka pikit

"Sya sige na mamaya na ako uuwi. Magluto ka na ng breakfast natin" utos ni fire

"Ayoko. Tinatamad ako. Ikaw na lang magluto. Nanjan sa lagayan ang makakain natin" tinatamad na sabi ni Hot

"Ayoko pang bumangon. Inaantok pa ako" angal na sabi ni fire

Bawat isa sa kanilang dalawa ay ayaw pa talagang tumayo. Dahil tinatamad pa itong magluto ng almusal nila. Nagtuturuan sila kung sino ang magluluto

"Ako rin inaantok pa tsaka ang sakit ng katawan ko"angal na sabi din ni Hot

Nagtimpla muna ako ng coffee.

"Ang sarap. Nakaka gising talaga ang coffee" pagpapainggit ko sa kanilang dalawa

Naamoy nila ito ngunit balewala lang sa kanila. Hindi pa rin sila bumagon pero ng ilagay ko na ang seasoning ng Lucky Me pancit canton ay para silang gumising. Dumilat sila tsaka nagkatitigan

"Kain na kayo. Nagluto ako ng lucky Me pancit canton" singit ko ulit sa kanila

Dali-dali silang bumangon tsaka pumunta sa dining area namin

"Salamat dito sa Lucky me pancit canton. Nag-abala ka pang magluto" sabi ni fire

"Wala yun. Alam ko naman tatanghaliin kayo sa paggising kaya ayan nilutuan ko na kayo ng breakfast" pagprisinta kong sabi

Nasa kama na ako nagbabasa. Nag-aaral para sa pagpasok bukas habang umiinom ng coffee. Inalok ko pa sila ng pwede pang iaalok sa kanila

"Meron tasty jan tsaka may palaman din. Pwede kayo mamili. Meron Butter, Cheese whiz, peanut Butter, coco jam, mayonace, cheese at white cheese or pwede rin pancit canton"

Cold and HotWhere stories live. Discover now