Hot Point Of View
Lumabas ako ng bathroom ng makita si Cold na parang galit sa inaasal nya ngayon
"Anong nangyari sa kanya? Bakit parang nagagalit sya" mahina kong sabi
Nakita kong Sa sobrang inis nya pinagpapalo-palo nya ang hita nya ng mabilis pero yung mahina lang. Ng gigil din sya kaya napa padyak sya ng mabilis din. Hindi nya ako narinig na nagsalita
"Haaaiiisssttt..." sabi nya na naiinis
Ng biglang nagring ang phone nya. Pinakinggan ko lang sya at pinagmasdan
"Hello. Istorbo ka naman. Bakit ka ba tawag ng tawag" inis na sabi ni Cold
Mukhang nakakatakot sya magalit. Mukhang pinagdiskitahan nya ang kausap nya
Sa inis nya ay pinagdiskitahan nya ang tumatawag sa kanya. Hindi ko marinig ang sinasabi ng kausap nya sa phone pero mukhang nagtaka ito kay Cold. Agad itong natauhan ng marinig nya ang boses ng kausap sa phone. Huminahon ito ng pananalita
"Pasensya na water. Ah??? Ah??? Ano? Ahmmm??? Basta. Pasensya na" hindi alam ang sasabihin at paghingi ng pasensya
Tumahimik sya marahil nagsalita ang nasa kabilang linya
"Hindi. Hindi naman. Wala naman ganap na ganon. Bakit ka nga ba napatawag?" Sagot ni Cold
Tumahimik ulit sya
"Thanks and i'm okay. I'm got home safe. Nasan ka na ba? You got home?"
Ano kaya pinag-uusapan nila. Gusto ko malaman. Hindi ako tsismoso. Wala lang. curious lang.
"Huh? Hindi ka umuwi sainyo?"
Gulat na sabi ni Cold
"Nasaan ka ngayon?"
Tanong ni Cold na may pag-aalala
"Sige punta ako jan. Shower lang ako at magpalit ng damit"
Ano? Aalis sya? Kakadating lang nya tapos ngayon aalis na naman sya
Napatingin sya sa akin ng makita nya akong nagpupunas ng buhok at kakalabas sa bathroom. Para itong nagulat pero saglit lang tapos ngumisi
"Baliw ngumingisi lang ng mag-isa" sabay upo sa kama habang nagpupunas ng buhok
Inilagay nya muna sa isang side ang pinamili nya. Naghubad sya ng damit nya
Infairness maganda ang katawan nya. May bicept tsaka tricept sya. May abs din. Makinis at maputing katawan. Speaking of katawan
Napatingin ako sa katawan ko. Titignan ko sana ang abs ko ang kaso may sando ako. Kahit na ganon ay okay lang. Kinumpara ko na lang ang sarili ko sa kanya
Mas malaki ang katawan nya kaysa sa akin. Abs nya siguro may 12 packs abs sya. Ako naman meron 6 packs abs. May pagka matangkad sya. Siguro nasa 5'11 sya. Ako naman nasa 5'10. Matangkad lang sya ng kaunti sa akin
Lalo akong napatingin sa puwetan nya. Ng maghubad sya ng pantalon. Naka boxer brief na lang ito
Ang tambok ng puwet nya. Mas matambok pa yung sa kanya kaysa sa puwet ko. Parang ang sarap pisil-pisilin
Napa iling ako sa sinasabi ko
Ano bang pinag-iisip mo Hot. Ano na? Nababakla ka ba kay Cold? Bakit parang pinagnanasahan mo ang katawan ni Cold. Hindi ka naman bakla di ba Hot?. Bakla lang kasi ang may pagnanasa sa kapwa nya lalaki. Hindi ka bakla. okay Hot? Understood? Hindi ka bakla Hot
YOU ARE READING
Cold and Hot
LosoweSi Cold ay isang drummer ng isang banda. Tumutugtog sya sa isang bar. Gwapo. 5'11 ang height at mala model ang katawan ni Cold. Maraming nagkaka gusto sa kanya na mga girls pero wala sa kahit sino ang nagugustuhan nito. Dahil isa syang gay. Kahit is...