Chapter 80

311 17 24
                                    

Hot Point Of View

Nasa loob na kami ng bahay ni Coach. Papunta na ako sa Kuwarto na pinag bihisan namin. Naglalakad na ako sa may Hallway

"Nandoon na kaya sila sa Kuwarto?"

Habang naglalakad ay naisip ko na tawagan sila para kumpirmahin kung na saan na sila

"Tawagan ko kaya sila? para malaman ko kung na saan na sila"

Kinuha ko na ang Cellphone ko sa bulsa. Maya-maya pa ay biglang sumulpot si fire sa likod ko

"Hot" tawag ni fire

Tumingin ako sa likod ko

"Mabuti nandito ka na" na wala ang pag-alala ng kaunti na sabi ko

Tumabi sa akin si fire dahil kasya naman ang dalawang tao sa Hallway

"Si Dean nasa Kuwarto na ba?" tanong ko

"Hindi ko alam. Pero siguro papunta na iyon" sagot ni fire

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang nag-uusap

"Bakit nandito si Kendra? tsaka bakit sya nagpa invite kay Troy?" curious na sabi ni fire

"Alam naman ng buong Campus na invited tayo sa Birthday Party ni Coach. Siguro nung ininvite sya ni Troy ay pumayag sya" sagot ko

Dahil Curious si fire ay nagtanong sya sa akin

"Bakit ininvite ni Troy si Kendra?" Curious na tanong ni fire

"Yun ang hindi ko alam tsaka ang dami mo naman tanong pwede sa Kuwarto na lang natin pag-usapan at kung ano ang dapat gawin" nairitang sabi ko

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Minadali na namin para maka rating sa kuwarto. Hanggang sa makarating na kaming dalawa ni fire. Nasa tapat na kami ng pinto ng kuwarto. Pagbukas ni fire ng pinto pero si Dean ay missing in action

"Wala pa si Dean" nakita kong sabi

"Oo nga. Antayin na muna natin" sabi naman  ni fire

Pumasok na kami sa loob ng Kuwarto. Umupo si fire sa kama. Ako naman ay pa lakad-lakad ng pa balik-balik na hindi mapakali

"Ano ka ba nahihilo ako sa ginagawa mo" pansin na sabi ni fire

"Ang tagal kaya ni Dean" naiinip na sabi ko

Nagpatuloy lang ako sa pagdada kay fire

"Akala ko ba Red Alert pagkatapos sya ang wala pa dito. Sya yung late" naiinis at naiinip na sabi ko

"Sige na tatawagan ko na sya. Ng kumalma ka na" pagpapahinanon na sabi ni fire

Tinawagan ni fire si Dean

"Saan ka na?" rinig kong sabi ni fire

Hindi sumagot si fire marahil nagsasalita si Dean sa kabilang linya tsaka hindi naka loud speaker. Hindi nagtagal ay sumagot ulit si fire

"Okay. sige. Bilisan mo na at naiinip na si Hot" rinig ko na sabi ni fire

Sinabi ni fire ang sinabi ni Dean sa kanya

"Nasa loob na sya ng bahay. Papunta na. Maya-maya nandito na si Dean" sabi sa akin ni fire

Hindi nagtagal ay Dumating na rin si Dean. Hingal na hingal ito

Cold and HotWhere stories live. Discover now