Chapter 29

264 10 0
                                    

Hot Point Of View

Kinabukasan

Pagpasok ko ng campus. Lahat ng students ay naka tingin sa akin. Hanggang sa maka rating ako ng class room namin

"Anong meron?" Pagtataka ko sabay upo sa upuan ko

Umupo ako sa tabi ni fire at Dean

"Bakit? Parang ang sama ng tingin nila sa akin?" Mahina kong sabi

Nasa gitna ako ni Dean at fire

"Nagtataka ka kung bakit ang sama ng tingin nila sayo?" Sabi ni Dean

"Yung parang hinuhusgahan ka sa pagkakatitig nila sayo" sabi ni fire

"Oo. Nakaka ilang tsaka wala naman ako ginawa sa kanilang masama" sagot ko

Kinuha ni Dean ang cellphone nya at may pinakita sa akin

"Nasa news ka" sabi ni fire

"Anong news?" Pagtataka at hindi maka paniwala na sabi ko

"Dahil dito. Eto oh!" Sabay abot ng cellphone ni Dean sa akin

Nakita ko ang news at binasa ko

Isang guy student ng bastos ng dalawang gay na kapwa student din. Nagpapapicture lang ang dalawang lgbt sa guy student pero binastos nya ang mga ito. Hindi na natin papangalanan ang dalawang gay na ito kasi takot ito sa guy baka bugbugin sila nito. Tinulak tsaka sinabihan sila ng nakaka diri at huwag silang maka dikit sa kanya. Hindi natin alam kung bakit? Baka siguro na sa isip nya ay baka mahawa sya sa kabaklaan ng mga ito. Wala naman silang ginagawa or sinabi sa guy upang magalit at itulak sila nito at ang gay na ito ay isang captain ng soccer boy at isang engineer. Nagngangalang Hot Cuenca. Isang gwapo at hot na guy pero isang bastos na gay at walang respeto sa lgbt

Nakita ko rin ang picture ko na kasama ang dalawang gay na si britany at jasmine at may mga comment. Pagkakita ko ay agad kong binasa ang mga comment

Comment 1 : Grabe naman yang guy na yan. Maka tulak wagas. Parang masusubsob na ang bakla sa pagkakatulak sa kanya

Comment 2 : akala mo kung sinong gwapo. Eh...ang pangit naman. Mas gwapo pa si Cold jan

Comment 3 :  parang anghel ang mukha pero demonyo pala ang ugali

Madami akong nabasang bad comments. Halos hindi ko na rin mabasa ang iba at kung iisa-isahin ko pa ang pagbabasa baka abutin ako ng 1 week. Kaya binigay ko na ang cellphone ni Dean sa kanya

"Hindi lang sa news ng campus naka lagay iyan. Pati na rin sa line, twitter, fb at kung saan-saan pa" sabi ni Dean

"Pasensya na Hot wala akong nagawa kahapon" paghingi ng paumanhin ni fire

"Wala yun. Alam ko naman na ginawa mo ang maka kaya mo na pigilan sila at naintindihan kita" malungkot na sabi ko

Humingi rin ng paumanhin si Dean

"Ako rin Hot. Humihingi ako ng pasensya sayo kasi hindi kita natulungan. Wala ako sa pang yayaring iyon at huli na nung maka rating ako" paghingi ng pasensya na sabi ni Dean sabay tapik sa balikat ko

"Sus! Wala iyon. Okay lang" sabay hawak sa kamay ni Dean na naka hawak sa balikat ko

Dumating ang prof. Namin. Parang wala pang alam sa nagyayari sa loob ng campus. Nagdiscus lang ito
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Maghapon ay wala ako sa sarili ko. Walang pumapasok sa isip ko ng lahat na dinidicuss ng mga professor namin. Lumilipad kasi ang utak ko kakaisip sa sasabihin or tingin sa akin ng mga tao. Hindi na nga rin ako naka kain ng break time at lunch dahil wala akong ganang kumain

"Tara na" aya ni fire

"Oo nga at baka malate tayo sa second to the last class natin" sabi ni Dean

Sinundo nila ako sa library. Tapos na ang breaktime sa hapon tsaka Mas gusto kong manatili sa library kaysa tignan ng masama at husgahan ng mga tao sa campus tsaka break time sa hapon

"Bakit parang namumutla ka yata Hot" pansin ni fire

"Talaga ba? Parang hindi naman" pagpapalusot ko

"Anong hindi? Ayan namumutla ka nga" sabay turo ni Dean sa mukha ko

Inalis ko yung pagtuturo ni Dean sa pagmumukha ko

"Powder lang yan. Siguro makapal ang nailagay ko sa mukha ko" palusot ko ulit

"Baka sinasabi mo lang yan ah! Tapos hindi mo sinasabi sa amin kung masama na ang pakiramdam mo tsaka hindi ka kasi kumain nung breaktime at hindi ka rin naglunch" pag-aalalang sabi ni fire

"Sus! Jonson face powder lang ito. Huwag nga kayong mag-alala. Pinapraning nyo lang sarili nyo eh..." pagbibiro ko

Parang ramdam ni fire at Dean na masama ang pakiramdam ko

"Alam mo mas magandang umuwi ka na lang. Kami ng bahala na magpaalam sa mga prof. Natin" concern na sabi ni fire

"Oo. Huwag ka na mag-alala pakokopiyahin ka namin ng notes namin" sabi naman ni Dean

Hindi rin kasi magpapaawat kaya hindi na ako tumanggi pa

"Sige na nga. Thanks and kita-kits tomorrow" pasasalamat ko tsaka paalam ko sa kanila

"Okay! Ingat ka" paalam ni fire

"Bye" paalam ni Dean

Umalis na nga ako at umuwi

"Okay ng umuwi ako kaysa abutin pa ako ng pagkakahimatay sa klase. Nakaka hiya tsaka baka sabihin na sumama ang pakiramdam ko dahil sa news na ako ang laman at i'm sure na may mas maganda silang dahilan kung bakit ako nagskip sa class namin"

Cold and HotWhere stories live. Discover now