BANGAG!
Ako lang naman yan ngayon! Pano naman hindi ako nakatulog kagabi.Andami ko ng ginawa pero waepek pa rin. Nagpasak ng earphone, nagtalukbong ng kumot,humiga ng nakadapa...WALA PA RIN! kaya eto ko ngayon,muka akong zombie na papasok sa school"Hahaha! Anak, ano bang nangyari sayo at ganyan ang itsura mo?"
"Ma naman! Tss." inis kong sabi
Buti nalang wala na dito yung kuya ko, kung hindi isa ring mang iinis yon
"Osha, baka malate ka na!" sinasabi ni mama yan habang nakangisi
Hay -.-
"Alis na po ako"
Naglakad nalang ako papuntang school, medyo maaga pa naman kasi.
Ng malapit na ko sa school may bigla akong naalala"I...crush...you"
Shet! Oo nga pala! Baka makita ko sila! Paktay! Ano ng gagawin ko?"
Inhale...exhale
Eto na ko sa gate..
Inhale,exhale....
Mabilis akong naglakad papunta sa classroom, nakayuko ako habang nagdadasal na sana hindi ko sya makasalubong, at sa kabutihang palad naman, nakarating akong matiwasay.
"May talent pala kong ganon, yung hindi tumitingin sa dinadaan ng hindi nababangga" nasabi ko nalang sa sarili ko habang papunta kung nasan si micks
"Goodmorning! Aga natin a?"
"Syempre naman mags, hindi ako nakapasok kahapon hindi ko tuloy nakita Drix, kaya eto ko ngayon nakaabang,baka kasi dito sya dumaan haha"
"Speaking of Drix, sayang hindi mo sya napanuod kahapon"
"Bakit? Ano ginawa nya kahapon ha?" Nakatitig lang sya sakin at hinihintay ang sasabihin ko
"Nagbasketball, ang hot nya pla no?" Sabay ngiti ng malapad sa kanya
Actually, yung hot sinabi ko lang para inggitin ko tong babae na to. Hindi ko naman kasi masyadong napansin si Drix habang naglalaro, alam nyo na, focus ako ky Nicko hehe
"What! May gawd! Namiss ko yung moment na yon. Hindi ko man lang sya naicheer! Anong klase kong crush!"
Hahaha, buti nalang sobrang aga namin kaya wala pa dito yung iba naming classmate, nakakahiya kasi yung ginawa nitong loka na to,aba nagwalling ba naman! Hahaha
"Haist! Basta sa mga susunod pa nyang basketball, hindi na ko mawawala!.... pero sayang talaga" at nagpout pa sya,
"Ayos lng yan..talo rin naman sila kila nicko e" sabay tap sa balikat nya
"Wala akong pake kung talo man sya, basta sya pa rin panalo sa puso ko" sabay dila pa sakin na parang bata
"Kamusta na nga pala yung request ha?" sabay siko nya sakin
Dubdub..dubdub...dubdub... shet bakit ang bilis ng tibok ng puso ko
"Ah..eh..ano. inaaccept na nya" mahina kong sabi
"What! Shet! Kinikilig ako para sa inyo" sabay yugyog niya sakin ng napakalas
"Hindi naman halata no! " sarcastic kong sabi
Nabitin yung pag uusap namin ng magsalita yung class president
"Guys, listen! May biglaang meeting yung mga teacher ngayon hanggang 12, wala namang iniwan na gagawin so mamayang tanghali nalang pasok natin"
"Yes!"
"Alright!"
"Woooohh!"
Hiyawan ng mga kaklase ko.
San kaya kami pupunta? 4hrs pa kaming tatanga! Bawal naman kasing umuwi dito pag tanghali