Mickey POV
Grabe talaga yung kaibigan ko na yon iwan daw ba ko mag isa?! Kunsabagay, kung ako rin yung nasa kalagayan niya, baka tumakbo rin ako ng sobrang tulin
"Pffft!" Natatawa talaga ko pag naaalala ko yung kabaliwang ginawa nun
Tenen tenenenen! ( cp ko yan XD)
"Nakauwi ka na?"
Hayst, nakokonsensya talaga ko, andami ko pang hindi nasasabi kay Mags, andami ko pang sikreto
To Drix
"Hmmm. Pauwi pa lang ako"Oo, eto yun! Eto yung sikreto ko. Tanda niyo yung pumunta kami sa mall? Siya yung katext ko nun, at yung kaninang sinasabi ni Mags na nagbasketball si Drix alam ko yun, yung pag wowalling ko kanina arte lang yon, at pag makakasalubong namin si Drix na halos hindi kami magkakilala, arte lang din yon.
Ayaw ko pa kasing may maka alam na nanliligaw sakin yung mokong na yon,nahihiya kasi ko...
"Mickey!" Sigaw niya habang papalapit sakin
"Drix??"
"Yap, hindi mo man lang sinabi sakin na wala ka palang kasabay umuwi"
"Ah, eh... dapat kasi kasabay ko si Mags, kaya lang tumakbo na siya pauwi hehe, hindi na rin kita tinext,ayaw na rin kasi kitang istorbohin pa" sabay kamot ko sa ulo
"Ha?hindi ka naman istorbo, basta lagi mong tatandaan, pagdating sayo, lagi akong may oras" sabay ngiti nya sakin
Mygosh! Hindi ko alam sasabihin ko, pulang pula yata yung mukha ko
"Ah, teka nga pano mo nga pala kong nakita? Pag iiba ko ng topic
"May mata kasi ko? Hehe"
"Aish! Seryoso kasi" sabay pout ko..
"Ang cute mo talaga hehe" sabay pisil niya sa mukha ko.
Shet! Ano ba to! Parang gustong kumawala ng puso ko
"Iniintay ko pa kasi yung kapatid ko, kaya tumambay muna kami ng mga kabarkada ko, sakto namang nakita kita,kaya pumunta muna ko dito"
"Kuya! Tara na!"
Napalingon ako sumigaw, nanlaki yung mata ko, shet may kapatid palang maliit si Drix, hindi pa niya sakin naikwento to,
"Kapatid ko hehe,wait sabihin ko lang sa driver na hindi na ko sasabay"
"Ha? Wag na sumabay ka na sakanila, ayos lang naman ako, malapit lang din naman ako dito, "
"Sigurado ka ha?"
"Oo okay lang, next time mo nlng ako ihatid hehe"
"Okay cge, ingat ka ha"
"Opo hehe" sabay nag waive n sya sakin
Nakatitig lang ako sa likod nya habang paalis,
"Drix" nasabi ko nlng habang nakangiting mag isa
Bakit nga ba ko nahihiyang sabihin? Dahil sa magiging feedback ng iba? Parang ang unfair ko naman ky Drix..
Okay sige,ssabihin ko n kay Mags, tsaka hindi na rin nmin itatago yung panliligaw nya sakin.Promise!
A/n: medyo maikli hehe,
Vote and comment :)