Migs POV
Ilang araw na rin ang lumipas simula ng makilala ko siya. Simula ng mapulot ko yung I.d niya. Simula non lagi ko na siyang naiisip, yung ngiti niya, yung itsura niya pag naaasar, lahat lahat, napapangiti na lang ako.
"Pre, ngingiti ngiti ka dyan?"
"Wala naman pre"
"Hunter, inlove yan pag ganyan" sabat naman nitong si Sun
Hindi ko nalang sila pinansin, nakatingin pa rin ako sa malayo habang nakangiti.
"Yow!"
"Pota! pards Nicko ganda ng gel natin diyan a"
"Kailangan talaga laging gwapo Sun, di ba Migs?" sabay siko niya sa akin
"Ha? Oo pards"
"Lintik, Sun ano ginawa mo dito? Ha?"
"Pards! Ampota inlove yata! Kanina pa ganyan yan!"
"Pards totoo ba? Pota iinom natin yan mamaya!Akalain mo nga naman"
"Hindi ako inlove mga ulul"
Yan na lang sinabi ko, ako na naman magbabayad sa bar niyan pag nagkataon hanep. Mahirap bang paniwalaan na nainlove na ko ulet? Sabagay, ilang taon din kasi kong hindi tumitingin sa mga babae, oo tama yan, marunong akong magseryoso sa isang babae at isa pa iniintay ko kasi siya, umaasa na babalik siya, na muli ulit kaming magkikita, kaya lang mukang hindi na siya babalik at mukang nakahanap na rin siya ng iba. Pero sa pagdating ni Magie, parang gusto ko na ulit magmahal, kalimutan ang sakit ng nakalipas....
"Pre nasan si Kelvin?" tanong sa akin ni Nicko
"Hindi yata papasok"
"Pambihira naman oh! Nasa kanya yung USB ko, Pano na ko makakapanuod nito mamayang gabi? Pota naman o" sabat nitong si Sun
"Bold ba yan pre? Haha"
"Oo pards Hunter hahaha"
"Ampota! Pakopya!"
"Tae na kay Kelvin nga"
"Edi puntahan natin mamaya sa bahay, bopols ka talaga kahit kelan Sun!"
"Gwapo naman haha"
"Gusto niyo ba? Meron ako dito" sabay taas ng cp niya
"Tangna pards Nicko bakit ngayon mo lang sinabi, tara na! Panuorin na natin"
"Migs Tara dito dali" aya ni Hunter
Lalaki lang din ako, natutukso, kaya nanuod na rin ako tsaka baka sabihin kj ako haha
"Mr. Nicko what the hell are you watching! Alam niyo naman na bawal ang mga ganyan sa loob nitong university! Go to the detention room, kayong apat!"
"Letseng matandang gurang na yon" sabay sipa sa upuan
"Hahaha! Yaan mo na pards Nicko"
"Pota yung cp ko kinuha! Tapos hayaan ko na? Pota talaga"
"Bili ka nalang bago hahaha!" sabat ko sa kanila
"Tae wala akong pera"
"Ikaw mawalan? Mukha mo!" Kuripot talaga.
Ilang oras pa kaming naghintay, sobrang tagal dumating ng matanda na yon. Kahit na bubugok buhok kami first time palang namin madetention.
"Lintik! Nakaligtas si pards Kelvin!" - Hunter
"Aba oo nga noh, takte kaswerte" - Sun
"Wag kayo mag alala isasama natin yon whahaha! Pero pota kailan ba darating yung matandang hukluban na yon?" inip na sabi ni Nicko
"Mukang nandyan na" sabi ko habang nakataas pa yung paa ko sa upuan
Hindi nga ako nagkamali, pagkatapos ko kasing magsalita, kasabay non ay ang pagbukas ng pinto
"Page 4 sa ating handbook ay sinasabi na sinuman ang mahuhuli na nanunuod ng bold or porn sa eskwelahang ito ay magkakaroon ng karampatang parusa"
"Dahil nilabag niyo ang nakasulat sa hand book, ang parusa niyo ay maglilinis sa buong campus sa loob ng tatlong araw bago mag intrams" dagdag pa niya
"Ano? Pota naman o" pabulong na sabi ni Sun
"May sinasabi ka Mr.?
" Ang sabi ko po, ang GANDA niyo"
Gusto kong tumawa sa sinabi ni Sun pati na rin yung dalawang katabi ko, loko talaga
"Salamat, pero hindi mo ko madaraan sa ganyan, pwede na kayong lumabas"
"Letse! Pano na yung kamay ko! Reklamo nitong si Sun
"pota pala yung parusa! " reklamo ko rin..
"Yaan mo na work out to!"
"Ulol! work out ka dyan Hunter! Tara na lang puntahan natin si Kelvin doon tayo manood, Bitin e"
"Aba magandang ideya yan Nicko"
"Tara cutting na tayo! Medyo nakakatamad na rin" pag aaya ko sa kanila
Habang naglalakad kami palabas ng gate lingon ako ng lingon, bakit kaya hindi ko siya nakita? Busy kaya siya sa intrams? Siguro. Hindi kumpleto araw ko pota,pero yaan mo na nga muna, gusto ko na manuod, pota Bitin talaga e...
A/n: read,comment,vote and share :)