Magie POV
Ilang linggo na rin ang lumipas, pero hanggang ngayon nakapending pa rin yung friend request ko sa kanya!
Andami tuloy pumupasok sa isip ko kuno baka nakita na nya tapos hindi nya naaccept, baka nasira cp or computer niya.."Hays" napabuntong hininga na lang ako
"Ms. Magie, are you listening?"
"Yes, Mam Tamayo"
Nakakatamad naman sa klase na 'to. Pano naman pinag uusapan lang naman nila yung papalapit na intrams, wala naman akong pakialam don
"Okay class, so chess nalang kulang natin, meron ba dito na magaling sa chess?"
"Mam! si Magie po! Magaling yan!"
Shet naman tong kaklase ko na to! Nananahimik na nga ako dito. At isa pa, hindi naman ako magaling sa chess,sadyang mahilig lang ako!
"Ano Ms. Magie? Is it ok to you?"
"Ah ano po kasi.. ah..."
"Okay cge, si Ms. Magie na yung player natin"
Aw. kita mo tong si mam, hindi man lang ako pinatapos, wala naman kasi kong interest pagdating sa mga event na tulad non.
"Class mag prepare na kayo, one week na lang, intramurals na natin, pwede na kayong umuwi, bye class"
"Bye mam!"
Wala akong kasabay ngayon, wala si micks, may importante daw syang aasikasuhin, nakakamiss din yung babae na yon
"Wooooh! Go!"
"Goooo kelvin!!!"
"Ang hot mo migs!"
"Ang galing galing mo nicko!"
Biglang nagpantig yung dalawa kong tenga sa narinig ko,Nicko daw?!
Dali dali akong lumabas ng classroom para makita kung ano bang nangyayari.Natigilan ako ng hindi oras..
"Marunong din pala syang mag basketball bukod sa pakikipag away" naibulong ko nalang sa sarili ko.
Dali dali kong kinuha yung "own made notes" ko para yon
*basketball - he's hot at sobrang galing
Dito ko kasi nilalagay yung mga hindi ko pa alam sa kanya, simula ng makita ko sya, gumawa na ko ng notes para lang sa kanya."Go Nicko! Ang galing mo!" Nakisabay na rin ako sa pagsigaw ng mga nanunood, masaya pala to!
Sa sobrang saya ko hindi ko na namalayan na napunta na pala ko sa bandang unahan ng mga nanunuod at todo focus kay Nicko pati sa iba pa, galing talaga nila..
Natapos yung laro, na tambak yung kalaban at nakaupo pa rin ako dito sa gym sa hindi ko malamang dahilan..hahaha
"Excuse me miss? Sayo yata itong i.d? nailaglag mo yata"
"Ah oo nga no, pano mo nalaman?"
"I guess, dahil sa picture? Hehe" sabay kamot nya sa ulo
Aw, antanga ko naman, oo nga hano? Shet Magie! Hnd ka nag iisip!
"Ah...eh...he.he, o nga no?, hmm. Thank you nga pala..." napatigil ako kasi hindi ko alam yung name nya
"Migs nalang." Sabay ngiti at abot ng kamay nya sakin
Shet! Ang cute nya sa smile nya *-*
"Thank you nga pala Migs, cge mauna na ko hehe"
Dali dali akong lumakad palayo sa gym. Shet, bakit nakaramdam ako ng init sa mukha? Hay ewan ko ba, sigu.....
Boogggsssssshhhh!
"Ano ba yan! Hindi nag iingat! Muntik na yung mukha ko" Irita niyang sabi
Bumilis ang tibok ng puso ko, nag slow motion ang lahat, umakyat na yta lahat ng dugo ko sa mukha
"I...crush....you"
0.o
Eh?
aw ano ba yung sinabi ko? Slow motion pa, nakakahiya! Shet shet! Gusto ko tumakbo pero nanigas na ko sa kinatatayuan ko
"Hahahaha! Pards! I crush you daw!"
"Tss. I crush you too ;) whahahaha!" sabay smirk nya sakin bago umalis
What the hell!!!!! :0
----------
"I. Crush.you."
"I. Crush.you"
"I. Crush.you"Uggghh! Naman o! Ano bang katangahan yung ginawa ko kanina.
Sabay gulo ng buhok at gulong sa kama.Puro ganyan lang yung ginagawa ko simula pa kaninang pag uwi ko, hindi na ko nakakain dahil sa sobrang pag iisip ko sa nangyari kanina...
Toooot tooooot ( tunog ng cp yan :D )
Notification lang pala galing sa fb, ano kaya to....What the...!!!
Nicko Tiu accepted your friend request
Ahhhhh!!!! Hindi ko tuloy alam kung kikiligin ako o kung anuman dahil don..
Baka kaya nya ko inaaccept kasi nakita niya yung profile picture ko tapos naalala niya yung ginawa ko kanina,,
"I crush you"
Anubayan! -.-
Wag naman sana...:/
A/n: read, vote , and , comment guys! :)