Chapter 10 "Busy Day"

43 2 1
                                    

Sa hindi ko malamang dahilan, eto ko ngayon mulat na mulat ang mga mata. Hindi makatulog,hindi makakain,taghiyawat sa ilong.....

O_o

Teka parang kanta yon a?

Aish! Pero seryoso hindi na ako makatulog simula ng magising ako kanina mga 2:00 am.Ewan ko ba,bigla na lang ako nagising. Natatakot nga ako e, kasi naalala ko yung nabasa ko,ang sabi doon, kapag daw nagising ka sa madaling araw ng walang dahilin basta nagising ka na lang kaagad, may nakatingin daw sayo. . . . Tss. Kaya ayan sa sobrang takot ko nakatalukbong ako ng kumot kahit sobrang init...

Toot toot toot toot (cp)

Sino naman kaya ang magtetext sa ganito kaaga?

Dali dali kong kinuha yung cp ko dala na rin ng pagiging curious ko

Ms.President
Guys, 6:00 am po tayo bukas, kailangan na po natin gawin yung assigned tasks sa atin para sa intrams 3 days na lang kasi, thank you

3 days na lang pala intrams na, ang bilis talaga ng araw.

Time check: 3:09 am
Paktay, mukang bangag na naman ako nito bukas, hindi na kasi ko makatulog -.-

Pero sige pipilitin kong makatulog kahit idlip lang! AJA!

-.-

O.-

O.O

Hay! Anlalim din pala ng tulog ko pero ayos na yon kaysa bangag :D

Toot toot toot toot (cp)

Bakit andami kong text?

Micks
Friend nasan ka na ba? Dito na kaming lahat. Hindi ka ba natext ni president?

'0' oh no! Nakalimutan ko! 6:00 nga pala kami pinapapasok! Bakit hindi naisipan ialarm?

To Micks
Friend nakalimutan kong 6 am nga pala kakagising ko lang. Tatawag nalang ako kay ms.president

Send

Nasan na ba yung contact nun..

Ms.President calling..

"Hello mags, nasan ka na? Hindi ka ba nadaanan ng gm ko?"

"Oi sorry nakalimutan kong 6 am nga pala, hindi ko na alarm cp ko, pasensya na talaga"

"O sige, habol ka nalang magstart na kami. Magmeeting muna kami para sa gagawin natin sa intrams,sige bye"

6:10 am na pala, sobrang late ko na nakakahiya sa kanila.

Dali dali ako gumayak,hindi ko na nagawang kumain, nagpaalam lang ako kay mama at nagmamadali na kong pumunta sa school.
6:45 ng makarating ako naabutan ko sila na ginagawa na ng mga props at banderitas yata.

"Guys, sorry kung late ako"

"Okay lang, Tara gawa na tayo,mukang madami dami tong gagawin natin" sabi ng isa kong kaklase

"Teka punta lang ako kay president"

Nagpunta muna ko Kay ms.president para humingi ulit ako ng pasensya at pagkatapos sinabi niya sa akin yung napag meetingan nila. Booth,banderitas sa buong campus at props yan pala yung gagawin namin sa loon ng tatlong araw. Pagkatapos ng pag uusap namin dali dali ko ng hinanap si Micks

"Oy friend! Tulungan mo ko dito dali" nakafocus lang siya sa pag gawa ng banderitas

"Focus ah"

"Syempre alam mo naman na Ito ang gusto ko kaysa mag aral hahaha" loka talaga

Itinuro niya sa akin ang gagawin. Alternate daw gawin ko yellow,green,white raw tapos yellow and so forth ulet. Sayang saya siya habang gumagawa, active na active. Hindi ko talaga maappreciate ang pagkakaroon ng intrams,yung happiness daw lalo pa ngayon na kasali ako sa chess pero sige makikisabay na lang ako sa agos haha

Yan lang ang ginawa namin maghapon,siguro naka 1/4 kami haha pero sa sobrang busy namin nawala sa isip ko si Nicko, hindi ko siya nakita sa school.

"Friend nabalitaan mo ba? May nadetention pala kanina? " sabi ni Micks habang pauwi na kami

"Ha? Sino naman daw?"

"Ewan ko, hindi na sakin nasabi ni Angela kanina e"

"Kawawa naman nun! Hahaha" sabay pa naming sabi

Kawawa talaga kung sino man yon, mahirap madetention sa panahon ngayon lalo na pag intrams, sila lang naman kasi ang maglilinis sa buong campus bago mag intrams, sa sobrang laki ng school na ito EWAN KO NA LANG.

"Friend una na ko" sabay bukas ko ng gate

"Sige friend, 6:00 am don't forget hahaha!"

"Okay okay -.-"

Dire diretso na kong pumasok sa bahay

"Ma,kwarto na po ako"

"Kumain ka na muna"

"Hindi na po inaantok na po ako ma, pero ma nasan si kuya?"

"Wala pa, nagpaalam sa akin birthday na classmate kaya gagabihin daw siya"

"Ah, sige po goodnight"

Sa sobrang pagod ko agad na kong humiga sa kama ko hindi ko na nagawang magpalit ng damit naka civilian naman ako kaya okay lang

"What a busy day!" sabay patay ng lampshade at kasunod non ay ang pagpikit ng mga mata ko.

A/n: eto na po :)
Read,comment,vote and share to your friends. God bless :)


Paralyzed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon