Chapter 9 "Friends?"

42 2 1
                                    

"Micks, sorry ha, bigla kasi kitang naiwan kanina, wala ka tuloy nakasabay."

Send.

Hay! -.- nakokonsensya tuloy ako.

Tooot toooot tooot (cp)

"Ok lang, basta ba ililibre mo ko bukas e"

Kita mo yung si Micks, Mapang abuso!

"Tama na muna yang text, kakain na" saway ni mama

Hmmm.. bakit ngayon ko lang napansin 'to wahhh.

Dahan dahan akong sumilip sa gilid ko para makita yung text ni kuya..
('.',)

"Oyoyoyoy! Akala mo ha!"

Tss. Sayang! Akala ko makikita ko na!

"Aha, my girlfriend na!" sabay titig sa kanya na nang aasar haha

Okay, snob ako! Busy siya kakatext! Pilit kong sinisilip, kaya lang hindi ko talaga makita T_T

"Tama na muna yan,kain muna"

"Oy kuya! Tama na daw muna yan!"

"Narinig ko" sabay tago ng cp niya

"Kainan na!" sigaw ko

After namin kumain, tambay muna ko sa sala..
Naalala ko, malapit na nga pala yung intrams, at ako yung participant sa chess

"Kuya, laro tayong chess"

Magaling kasi to sa chess, sya kaya nagturo sakin dati.

"Tsaka na" tamad na tamad niyang sabi

"Kuya cge na, kasali kasi ko sa intrams, kailangan kong magpraktis"

"Bukas na lang" sabay lipat ng channel sa tv

"Cge na! sayo nalang yung sneakers ko"

"Ano pang ginagawa mo? Kunin mo na yung chess board"

Sabi na e! Hindi makakatanggi sa sneakers yan! Timawa kasi sa chocolate hahaha. Akala ko pa naman makakain ko siya mamaya sa kwarto, asar!.

"O game, at dahil mabait ako, ikaw na maunang tumira"

Aba! Sobrang lapad ng ngiti!

"Wag ka munang umasang mananalo ka!" Sabay dila ko sa kanya

After ng ilang minuto

"Bakit parang nanlulumo ka na dyan? " sabay tawa ng malakas, kita pa yung ngala ngala -_-

"Asar!"

"Pano ba yan? Mukang walang ka ng moves, ilabas mo na yung chocolate ko!"

Asar! Kahit kelan talaga hindi ko matalo 'to! Pano na ko nito sa intrams! -.-

"Oh ayan!" sabay hagis ko ng chocolate sa mukha nya!

"Ai wala kang sportsmanship! Yan ang dapat mong matutunan baliw kong kapatid!" Iling iling pa nyang sabi

"Meron ako nun! Sayo lang wala! Hmmp"

"Kapatid!hmmmm!" Sabay subo ng sneakers ko habang nakataas pa yung paa sa upuan

Ugggh! Nang iinggit ba siya? Kung nang iinggit siya... Oo! Na iinggit ako! Sakin dapat kasi yun e!
Hayst! Makaakyat na nga lang, baka lalo pa kong inggitin nito

Paakyat na Sana ko sa kwarto ko ng biglang nagsalita ang magaling kong kuya -_-

"Isang praktis pa ulit! Bitin yung SNEAKERS"

Aba at talaga diniinan pa niya yung pagkakasabi!

"Wala! Wala ng mangyayaring praktis kahit kailan. Bumili ka ng chocolate mo!"

Uggh! Kahit kelan lagi nalang akong naaasar nung kuya ko na yon!

Pagkasara ko ng pinto sa kwarto! Tae naririnig ko pa yung malakas nyang tawa, tss.
Dali dali kong kinuha yung earphone ko sabay pasak sa tenga!

"Sobrang nakakatamad naman!" wala naman kasi kaming assignment, tsaka hindi na rin ako nag aadvance reading kasi baka hindi na kami magklase, busy na kasi para sa intrams

"Alam ko na, makapag fb nalang"

Dali dali kong binuksan yung laptop at agad na nag log in sa fb.

Medyo madami na kong friend request, makapag accept na nga lang..

Habang nag aaccept ako, may isang pangalan ang nakapukaw sa attention ko..

"Migs Francia"

O.o
Eto yung nakapulot ng I.d ko..

Okay cge, dahil mabait ka kahit na pala away ka daw, cge accept na kita hihihi

"Hmmm. Matingnan nga yung profile picture niya, ang cute niya kasi e"

What the! O.o

Sobrang peymus din pala niya! 1000+ like at ang daming comment.

Tingnan ko nga yung timeline.. Scroll down,.

Hindi rin siya pala post tulad ni Nicko, puro tag lang

Hmmm.Kay Nicko Tiu naman nga, wala namang bago, yung huli nya, e yung nagpalit siya ng profile picture, hindi siya siguro mahilig.

Dali dali kong kinuha yung "own made notes" ko
*hindi siya mahilig mag fb

Medyo marami na rin akong nadiscover sa kanya, :D

Makapag log out na nga.Makatulog na ,medyo gabi na rin.

Habang nakahiga ako, bigla kong naisip si Migs,

Bakit kaya andaming nagsasabi na palaaway siya? Pero kung titingnan mo naman, ang amo ng muka at ang bait niyang tingnan, although minsan kapag nadaan ako sa gym naririnig ko siyang nag mumura sa mga kaibigan nya tsaka isa, bakit niya ko in add? Hindi kaya......

"Aish!"  Ano ba yung iniisip ko.Siguro gusto niya ng madaming friends he.he. oo yun nga

Bakit ba ko nagiging interesado sa kanya? Bakit parang gusto ko siyang maging kaibigan? Tss...

Paralyzed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon