Nicko POV
"Okay ngayon ang start ng paglilinis niyo ng campus para sa kalokohang ginawa niyo, so kumuha na kayo ng panglinis dyan at magsimula na kayo" sabay alis nung matandang gurang na yon
Pota naman! Badtrip! Ano bang masama sa panunuod ng porn? Syempre dapat may alam ka rin naman sa sex life! Lintik, palibhasa matandang dalaga e!
"Pards pambihira! First time hahawak nito! Nakakahiya sa mga chicks dito" sabay taas ng walis
"Hahaha! Yamu na magandang workout 'to Sun! Kita mo oh"
"Lintik Hunter yan ba pinagmamalaki mo? Ang liit pota! Tingnan mo yung sakin! Ang laki ng muscle ko di ba?!"
Mga lintik nagpayabangan pa! Eh walang naman sila muscle ko. ('.',)9
"Pota! Wag na kayo magpayabangan diyan! Masyadong maliit yang sa inyo"
"Mga ulul dalian na natin maglinis! Ayoko umitim pota" sabat naman nitong si Migs
"Buti naisip mo yan Migs! Talino mo talaga! Tara na! Yung kutis ko nanganganib!"
Nagwawalis na silang tatlo,ako? kunwaring may hawak ng walis pota tinitingnan ko palang sila napapagod na ko!
"Sila pala yung nadetention" bulong ng isang panget na babae sa kasama niya
"O nga no, kawawa naman, pero shet! mas gwapo pala sila pag ganyan" sabi pa nung isa
Andami ng babae na nandito sa amin, mga nanunuod. Tangna sobrang gwapo ba talaga namin lalo na ko?
"Bakit parang kulang sila? Wala si papa kelvin!" hirit nung isang babae na ang kapal nung kulay pula sa mukha niya!
"Ayon siya, ayon!"
Aba kita mo nga naman, whahahaha! Paktay ka sakin
"Hi girls!" Pota nagsmirk pa ang gago sabay harap sa amin
"Tangna ang bakla niyong tingnan! Whahaha!"
"Namo!"
"Pards Kelvin baka naman gusto mong tulungan kami dito" sabay akbay ko sa kanya
"Ulul, di bali na pards Nicko!"
"Ah ganon ba? Sige ikaw ang bahala! " sabay labas ko ng cp
"Pota wala namang ganyan hanep! Sige na tutulong na ko! Tae"
Hahaha, sabi na e, may panakot kasi ko haha, ang walangya kasi sumayaw sa kalsada at kumanta pa habang lasing! Buti navideo ko ang lintik.
"Ayos pards, buti nalang haha"
Nag umpisa na kaming maglinis, halos 30 mins. na rin ang nakalipas, pota ang pawis ko na.
"Fuck sobrang init!" sabay hubad ng damit nitong si Sun.
Hiyawan naman 'tong mga babae na nanunuod sa amin, PSH! Pano pa pag ako na ang naghubad
"Girls! Let's have a selfie"
"Baliw talaga si Sun" bulong naman nitong si Hunter
Ang mga baliw na babae sobrang lakas ng hiyawan, nakakarindi! Pota!
"All of you! Go to your classrooms! Gumawa kayo ng mga dapat niyong gawin para sa intrams!"
Lintik talagang matanda na 'to, ang lakas makapanakot, yung sobrang daming tao kanina, ngayon kami nalang 6 dito, pambihira!
"Kayong apat! Ang tagal niyo ng nandito pero eto palang ang natatapos niyo? At ikaw bakit ka nandito Mr? hindi ka naman involve dito so why you're here?!"
"Kaibigan ko po, I just want to help ma'am"
"Ow! Ang lakas makasuperhero natin diyan a, sige kayong lima,bilisan niyo diyan kung ayaw niyong abutin ng gabi dito!"
"Whahaha! Pota! Superhero pala!" pang aasar nitong si Migs
"Tangna! Bwisit kasing video yon!"
"Hahaha! Ipakita na lang kasi natin!"
"Takte , lalayuan ako ng mga chicks! Wag ganon!"
Ilang oras pa kaming naglinis dito sa buong campus, sarap na sarap siguro mga janitor at janitress dito! Tatlong araw silang hindi maglilinis at pota may sweldo!
"Sa wakas natapos din, lintik nakakapagod yun a" sabay bukas ng soft drinks
"Pahingi ng chips! Yan yung Pick-a"
"Pota! Pards Nicko, bumili ka ng sayo!"
"Meron ka na, bakit pa ko bibili?" sabay kuha at subo ulit ng chips
"Kuripot! Pero mga pards may tanong ako" sabay tingin sa amin na seryoso ang mukha
Nakatingin lang kami sa at iniintay yung sasabihin nitong si Sun
"Bakit ang bango ng pawis ko" seryoso niyang sabi
"Pota! Akala ko kung ano yung matino mong sasabihin, takte" sabi nitong si Kelvin
"Pero mga pards seryoso ko, I'm not joking"
"Siraulo ka talaga! Loko!" - Hunter
"Hahaha!" tawa pa ng malakas 'tong si Sun
"Nasan si Pard Migs?" pag iiba ni Kelvin
"Ewan, alam mo naman yon, parang kabute pasulpot sulpot" kibit balikat na sabi ni Hunter
"Naiwan don sa canteen, nakita niya si Ms. I crush you, susunod na lang daw siya" sabat naman nitong si Sun
"Ha? Kelan pa sila nagiging magkakilala?"
"Aba malay ko pards Hunter, isa ring malihim yon"
"Di kaya yon yung dahilan ng pag ngiti niya nung isang araw?"
"Baka nga! Pota talaga!"
"Teka teka, ano yung ngiti na yon?" pagtatakang tanong ni Kelvin
"Pota absent absent ka, wag mo ng alamin, tara punta nalang ulit tayo sa inyo tambay tayo, text niyo nalang si pards Migs" sabay tayo ko sa kinauupuan ko
"Lintik, bat ginawa niyong tambayan yung bahay ko ngayon?"
Hindi ko na lang pinansin si Kelvin at nag umpisa na kong maglakad. Ano bang meron kay Migs at don sa weirdong babae na yon? Para kasing nagawa na niyang magmove on pagkatapos ng nakaraan? Pano sila nagkakilala? Close na sila? Teka bakit ba ko nakikialam?Bakit ba parang curious ako? Pambihira! Pota! Ayoko mag isip!
A/n: read,comment,vote and share :)