001

10 1 0
                                    

Panibagong umaga, panibagong araw. Sa iba 'yan ang lagi nilang sinasabi, karamihan sa kanila naniniwalang may magandang darating, pero sa'kin- hindi. Kailanman ay hindi na mangyayare ang mga katagang 'yan sa'kin.




Dahil sa bawat araw na dumarating sa'kin, wala silang ibang ginawa kundi ang pagtripan, pagtawanan at lahat na siguro na pwede nilang gawin sa'kin alang alang na sumaya ang leader na kinikilala nila.




Ewan ko ba kung bakit nila sinusunod ang utos niya, o bakit nila kailangang gawin 'yun. May maganda bang nagagawa sa kanila ang pagiging sunod sunuran nila sa kanila? Kase wala akong nakikitang magandang dahilan!




Katulad ngayon! Pilit kong ngumingiti sa kanila kahit na inis na inis ako sa ginagawa nila sa'kin. Walang ibang magawa kundi ang pag tripan ang katulad kong walang hiniling kundi ang makapasok sa eskwelahan na 'to!



Hindi ko naman akalain na ganito pala dito! Mayayaman nga sila, pero kailangan pa ata nilang bumili ng maganda at maayos na pakikitungo sa iba.




"Hmmm servant, the food that you bought for us was wrong! Go get us new, they are not hot anymore!"




Napatingin ako sa paligid namin. Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko dahil sa pag sigaw ng nagrereyna-reynahan sa classroom na 'to. Kinuyom ko rin ang kamao kong nasa likuran ko, lagot ako neto pag nahuli nila ang reaksyon ko.




"Paano kung hindi nila 'to palitan?" tanong ko at kinuha ang inaabot na isang paper bag kung saan andoon ang pinabibili nila. Rinig ko ang pagtawa nila dahilan para tumingin ako sa white board.






Ayokong makita nila ang reaksyon ko. Ayokong ipakita sa kanila ang emosyon ko, dahil mas lalo nila akong pagti tripan kung 'yun ang gagawin ko.





"Basic, buy us new." ani nung naka de quatrong naka upo sa gitna nila.




Naglakas loob akong inilahad ang libreng kamay. Inantay kong may ibigay silang kailangan ko kung sakali mang hindi pumayag ang tinderang masungit sa cafeteria.



Pinagmasdan ko ang reaksyon nila. Nagtataka silang nakatingin sa nakalahad kong kamay. Hindi ba nila gets ang gusto kong ipahiwatig?




"What?! What do you need? Go! Get us som-"





Bumuntong hininga ako. Pinakita ang kabagutan sa kanila. Ngayon ko lang gagawin 'to, dahil baka sa susunod, iba na ang ipagawa nila sa'kin.





"Money. Kailangan ko ng pera niyong pambili ng bago, baka mamaya hindi pumayag-" naputol ang sinasabi ko dahil sa sinigaw niya dahilan para magtawanan ang mga kaklase kong nasa loob ng klase.





"Then spend yours! Easy peasy, servant..." hambog na saad niya dahilan para tumalikod ako sa kanila. "W-what? Hey! I'm not done talking to you!" sigaw pa niya pero wala akong nagawa kundi ang maglakad.





Hindi pa man ako tuluyang makalabas ng pinto ay nagtama na ang paningin namin ng isa sa dahilan kung bakit nangyayare sa'kin ang mga bagay na'to. Kung bakit nag iisa akong alipin sa classroom, at ayun ang dahil sa gagong lalaking naka upo sa dulo ng klase.





Nakatingin na siya sa'kin at ramdam ko 'yun kanina pa kaya wala akong nagawa kundi ang samaan siya ng tingin at mapait na ngumiti. Mas lalo lang akong nainis dahil sa pag kaway ng kamay niya.





Tinaas ko ang paper bag na hawak ko at ngumiting itinaas ang gitnang daliri dahilan para manlaki ang mga mata niya sa'kin.





"Oh! Nakita ko 'yun! Hoy! Servant bumalik ka dito!" sigaw niya nang patuloy lang ako sa paglalakad.





𝐑𝐢𝐬𝐤𝐞𝐫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon