008

4 0 0
                                    

Inayos ko ang sarili kong buhok habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Ang buhok kong hanggang balikat lang ang haba na medyo bouncy tignan.


Ang haba pa ng proseso na inilaan ko para dito. Hinair drier ko pa 'to at plinantsa na kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ko pinag aksayahan ng oras ang buhok ko.



Ewan ko ba. May feeling ako na maganda ang bungad sa'kin ngayon ng umaga, may nararamdaman akong kakaiba na nakapag bibigay talaga sa'kin ng saya.



Kinuha ko sa bag ko ang pin na S at nilagay sa kaliwang bahagi ng dibdib, katabi ng id. Bumuntong hininga ako ng malalim at pinagmasdan iyon.


Itong simbolo ang dahilan kung bakit na andito pa ako sa unibersidad na 'to. Kung bakit hindi nila ako pinatatalsik sa school dahil may dahilan ako, at may pagka scholar na rin ako dito.



"Sino pinagsisilbihan mo?"



Ang kaninang sa pin lang ang tinitignan ko ay napa tuon sa repleksyon ng babaeng kakapasok lang din sa comfort room.



Pinagmasdan ko siya. Mahaba ang buhok niya at naka pony tail iyon. Ang ganda ng mga mata niya kung tumitig sa'kin. Sa tingin ko ay amber ang kulay ng mga mata niya. May katangusan ang ilong niya, meroon din siyang mapula at manipis na labi. Maganda siya at katamtaman lang ang katawan niya, malulusog din ang hinaharap at likuran niya.



Hmmm. Sana all. Ano kayang exercise ang ginagawa niya?



Tumikhim ako dahil sa pag tingin niya sa mga mata ko dahilan para ayusin ko muli ang gamit ko sa bag.



"Oy, sino master mo?" tanong niyang muli sa'kin.



Muli kong tinuon sa kaniya ang paningin ko. Ngumiti ako dahilan para magtaka siya sa'kin. "Si... Secret." nahihiya kong sabat at kinuha ang bag ko. "Mauna na ako, pasensya na. Hindi ko alam kung pwedeng ipaalam, hindi pa namin napag uusapan. Bye-bye..." anas ko at tuluyan ng naglakad.


"Wait..."



Napatigil ako sa sinabi niya at muling humarap. Kita ko kung paano siyang napabuntong hininga at napahawak sa buhok niyang naka tali.



"A new master for you?" takang tanong niya at pinag cross ang braso sa dibdib niya. Napatingala siya at nag isip. "Then I think, it was Grey, am I right?" tanong niya at tinignan ako.




Naitabingi ko ang ulo ko at tinignan siya. Kanina pa siya tanong ng tanong sa'kin. Gusto ko 'yung vibes niya pero hindi ko nagugustuhan ang pagiging pakielamera niya.



"Advice ko sa'yo, kung hindi mo ititikom 'yang bibig mo, mapapahamak ka sa ginagawa mo." malumanay pero naka ngiti ako ng sabihin ko 'yun sa kaniya.



Panandalian siyang nagulat sa sinabi ko. Umiwas siya ng tingin sa'kin at humarap sa salamin ng cr. "Hmmm... Then I guess, welcome to hell servant of Mr. Grey..." ani niya at nilingon akong muli dahilan para makita ko ang pag ngiti niya.



Ngumiti ako at hindi ko akalain ang ekspresyon niya. Nagtataka. "Of course, thanks for the warm welcome." saad ko at lumabas na ng tuluyan sa cr.



Ramdam ko ang kanina pang pagtulo ng pawis sa likuran ko dahil sa kabang binibigay ng babae sa'kin. Bakit ang galing nilang manakot? Anong akala nila sa'kin, magpapasindak? Hindi 'no! Makikisabayan ako sa kanila.



Tsk. Pero iba 'yung isang 'yun eh! Parang may hindi ako nagugustuhan sa kaniya. Parang siya 'yung magiging dahilan kung bakit papanget ang araw ko!



𝐑𝐢𝐬𝐤𝐞𝐫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon