Tuluyan akong kumaway mula sa kaniya at sa kaniyang mga kaibigan. Ganoon din sa loka-loka kong kaibigan na si Aishi.
Pinagmasdan kong muli si Lucas na ngumiting kumaway din sa'kin dahilan para ngumisi lang din ako. Naalala ko pala- may inuutos sa'kin si Claire rason para iwanan ko sila.
Bumuntong hininga ako at hindi na nakipag kumustahan kay Lucas at tumakbo palabas ng cafeteria. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang saya ko ng makita siya.
May dahilan na naman ako para suwayin si Dad, hehehe.
Kumaripas lang ako ng takbo at hindi na pinagtuunan pa ng pansin ang mga estudyanteng nakatingin sa'kin. Mukhang hindi rin sila makapaniwala sa ginawa sa'kin ni Lucas. Kahit naman ako ay nagulat sa ginawa niya! Sabihin pang ang daming nakatingin sa'min.
Urgh! Gusto ko tuloy lumubog sa lupa dahil sa kahihiyan!
Patakbo akong umakyat sa hagdan at dahan dahang huminto sa hallway. Kailangan kong habulin ang hininga ko dahil sa nangyare, kailangan kong huminga ng maayos dahil sa ginawa sa'kin ni Lucas! Pinakaba niya ako aksyon niya na 'yun!
Naglakad ako papasok sa classroom at kita ng dalawang mga mata ko kung paanong bagot na naka de quatro sa upuan niya si Claire.
"What took you so long?" tanong niya sa'kin ng magtama ang mga paningin namin.
Ang kanina kong tinatagong ngiti kanina ay unti unting naglaho sa bungad niya sa'kin. Ang kanina kong awa ay nabahiran ng inis sa kaniya.
Naglakad ako palapit sa kaniya at iniabot ang plastic bag na laman ang mga kagustuhan niya. " 'Yung sukli, nandyan sa loob ng maliit na envelope, ganoon din ang resibo." paliwanag ko habang iniabot sa kaniya ang inutos niya.
Kita ko kung paanong kumunot ang mga noo niya habang sinisilip ang loob ng plastic bag na binili ko. "Tsk, okay." mahinang sabat niya.
Tumango na lang ako at tumalikod na naglakad palapit sa upuan ko. Umupo ako at tumungo para alalahanin ang nangyare.
Wala na akong magagawa kundi ang tanggapin ang offer ni Saimon na maging servant ni Jairo. Nakita nila ako. Nakita nila akong nakipag kausap sa hindi naman kauri ko. Sa hindi servant.
Sigurado akong iba-black mail nila ako dahil sa ginawa kong pakikipag usap. Lalo na't nalaman din nilang nakipag usap na ako kay Aishi nung mga nakaraang araw.
Ayoko. Ayokong pati sila ay maranasan ang ginagawa sa'kin. Mas mabuti na lang na ako na lang at hindi na sila. Ranas ko na naman ang mga ginagawa nila sa'kin at alam ko na kung paano sila hindi pansinin.
Si Aishi, masyado siyang fragile at mabilis lang din maapektuhan sa sinasabi ng iba. Si Lucas, gago 'yun at sigurado ako na kapag may nag utos sa kaniya ay hindi niya susundin- mauuwi lang lalo sa mainit na suntukan.
Sa aming tatlo, mas mabuting ako na lang ang tumanggap ng mga ganoong salita at pag uutos nila. Atsaka laki sila sa pagiging mayaman, hindi sila dapat basta basta na lang utusan.
Nawala ako sa pag iisip tungkol kina Aishi ng may maramdaman ako. Ramdam ko ang presensya ng nasa gilid ko. Kita ko rin mula sa pagkaka yuko ko ang mga pares ng sapatos na tumigil sa gilid ko. Leather shoes at kumikinang pa ang sapatos niya, mukhang mamahalin at branded ang sapatos niya. Ang sarap apakan.
Dahan dahan akong umasyos ng upo at tumingin muna sa harapan bago mapunta ang paningin sa kaniya. Unti unti ding dumadami ang mga pumapasok na kaklase ko dahilan para mag tawag sila sa kabilang section na magchi-chismis din.