Habol ang hininga akong tumigil sa isang gilid kung saan hindi na nila ako mapapansin. Hawak hawak ko ang tuhod ko habang natatawang napatingin sa paligid.
Hindi ko akalaing ganito pala ang bungad nila sa'kin. Ang pagkaguluhan nila ako at batuhin ng sari-saring tanong na nakapang gigil na ang sarap nilang batukan!
"Woah. Para akong n-nag marathon doon ha..." natatawa kong asik habang pinunasan ang pawis sa noo ko gamit ang kanang braso ko.
"Idiot!"
Tumigil ako sa pagtawa at humarap sa lalaking nasa gilid ko. Kita ko kung paano siya maghabol ng hininga dahil sa pagtakbo.
Umirap lang ako pero muli na namang natawa. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa pagtakbo namin sa kalahati ng unibersidad.
Ang kaninang anim ay nagkawatak watak sa tatlong grupo dahil sa mga tangang humahabol sa'min.
"Hi-hindi ko akalain na ganoon pala sila... mag welcome bilang... servant mo. Nakakagago..." hinihingal kong pagrereklamo at umupo na lang ng tuluyan.
"Umiling na nga ako sa'yo kanina diba? Bakit hindi ka pa rin umiwas? Diba ayaw mo ng magulo ang buhay mo?" tanong niya at ginaya ako. Umupo rin siya, malayo sa'kin.
Napanguso ako sa sinabi niya. Bumalik sa alaala ko kung ano ang sinabi ko noong nag eskandalo si Claire sa classroom.
"Gago 'wag ako- iba na lang diyan. Ayoko ng gumulo ang buhay ko, sapat na ako sa anong meron ako ngayon."
Unti unti akong natawa dahil sa nasabi ko. "Ma-malay ko. Siguro may demonyong bumulong sa'kin dahilan para sumang ayon ako sa deal at gumawa ng... You know, eskandalo kanina." nahihiya pero natatawa kong paliwanag.
"Ang tanga mo, alam mo ba 'yun?"
Mabilis akong napalingon sa sinabi niya. Naka upo siya at nakatingin sa kalangitan. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nag simulang tumawa ng mapakla.
"I saved your ass there Jairo..." mapakla kong asik sa kaniya dahilan para mapalingon siya sa'kin.
Pinagmasdan niya ako. Nag bago ang reaksyon niya at kita ko kung paano rin kumunot ang noo niya. Gumagaya sa'kin.
"Saved?" natatawa niyang tanong.
Mas lalo akong nagtaka sa pinakikita niya. Tama namang niligtas ko siya doon. Kung wala sana ako kanina ay hindi sila makakatakas sa kanila. Atsaka, haler, pumayag naman siyang magpahatak sa'kin!
Gulo ren neto! Sarap bigwasan!
"You didn't save me there. You just make it worst." galit niyang anas at muling tumayo.
Tumingin siya sa'kin at kita ko ang namumuong galit sa mga mata niya. Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi at pinakikita niya.
Pinalala ko? Pa-paano?
Napayuko ako at niyakap ang tuhod. Muli kong hinabol ang hininga na kanina ko pa ginagawa. Madiin din ang mga hawak ko sa kamao ko at inis na napa pikit.
"So-sorry, okay? Pero hindi ko alam- paanong pinalala ko? E uutos utusan mo lang din naman ako sa mga susunod na araw. Makikita din nila, malalam-"
"Meron na akong plano..." rinig kong asik niya. Rinig ko rin ang mga yabag niyang sumisilip sa pader.
Napatingala ako at napatingin sa kaniya. Bumalik ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. " 'Yun naman pala, may plano ka, edi gawin-"