Hinihingal akong pumasok sa classrom namin dahilan para mapatingin ang karamihan sa'kin. Hindi ko alam na ganong oras na pala ang ginugol namin sa pakikipag tsikahan dahil lang sa gusto naming makita ang bawat isa.
"Oy servant!"
Hindi ko pinansin ang tumawag sa'kin at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa upuan na dapat kong puntahan. Ayokong masira ang araw ko ng dahil sa kanila.
Ayokong maulit ang nangyare kahapon na halos lahat ata ng matataas ang backer ay nasa iisang lugar. Buti at hindi nagkaroon ng sumbatan- siguro. Hindi ko lang alam dahil wala ako noon, at kahit kailan ay ayokong mangyare 'yun.
Inilapag ko ang bag ko sa upuan ko pero mabilis ko din kinuha ulit 'yun. Pansin ko ang mga kaklase kong nagulat sa nangyare sa pagitan naming dalawa.
Rinig ko ang bulong bulungan nila pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga sinasabi nila. Mabuti't wala pa ang isang nagrereyna reynahan dito.
"Can't you hear me? I called you..." asik niya pero ganoon na lang ang pagtataka nang unti unting humihina ang boses niya.
Pinagmasdan ko ang itsura niya. Hindi maipinta ang mukha niya sa hindi malamang dahilan.
"Natatae ka ba?" tanong ko na ikinatawa ng lahat.
Nanlaki ang mga mata niya at ganun na lang den ang pagkunot ng noo niya dahil sa sinabi ko. "Shu-shut up!" bulyaw niya at pinagkatitigan ako.
Hindi ako nagpatalo sa titig niya kundi ay nilabanan ko 'yun habang unti unti kong inaabot ang upuang hinila niya kanina lang.
Nag antay ako sa sasabihin niya pero ilang minuto na ang dumating ay wala pa ring lumalabas sa bibig niya. Bumuntong hininga ako at sinigurado ang upuan bago ako umupo.
Hindi ko na siya pinansin at muli na namang bumalik sa ginagawa nila ang mga kaklase ko. Nagpangalumbaba na lang ako at inantay na pumasok ang siyang mag uutos sa'kin ngayon.
Nakatingin lang ako sa relo ko habang tinatap ang mga daliri ko sa arm desk. Kahit ngayon lang, kahit ngayon lang please. Kahit ngayon lang sana umabsent sila! Ayokong may gawin ngayon! Ayoko makihalubilo sa cafeteria at sa maraming tao.
Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa nararamdaman kong kaba. Hindi ko dapat maramdaman 'to. Kaiinom ko lang ng gamot na inirereseta sa'kin.
"Servant!"
Mabilis kong kinuyom ang kamao ko at tumayong pinagtuunan sila ng pansin. Nasa pinto siya at ganoon din ang mga kaibigan niya. Naglakad ako at ganoon na lang din ang pag iintay nilang ibigay sa'kin ang bag.
Kinuha ko iyon dahilan para gumilid ako, pinauuna sila sa paglalakad. Ramdam ko ang unting bigat sa mga bag nila.
Ano kayang laman ng mga bag nila? Eh ang puros ginawa lang naman nila sa klase ay ang magdaldalan at mag make up sa loob ng comfort room.
Isa isa kong inilagay sa mga upuan ang mga bag nila at hindi na pinagtuunan ng pansin ang ingay ng karamihan.
"Servant, what are you doing in audi yesterday?"
Natigilan ako sa paglalagay nang bag ng marinig ko ang tanong na 'yun na kahit ako ay hindi ko alam ang isasagot. Paano na lang kung iintriga niya ako? Pag initan dahil sa mga gunggong na 'yun, malaman niyang sila ang nagdala sa'kin?