010

7 0 0
                                    

Hindi ko 'to inaasahan. Akala ko ay ayos na ang pakikitungo niya sa'kin kanina dahil sa nangyare pero parang mas lalo atang nagalit siya sa'kin.

Ngayon lang ulit ako makakaranas ng ganito. Ang matakot dahil sa ginagawa niya. Hindi ko akalain na mati-trigger siya sa sinabi ko.

"What did you...say?" tanong niya at kitang kita ko kung paanong nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa'kin.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa kaniya. Masakit din ang likod ko dahil sa ginawa niyang pagtulak sa'kin sa pader ng building. Ramdam ko ang higpit ng kapit niya sa kwelyo ko, naisama niya din ang neck tie ko dahilan para masakal ako.

"I'm... so-sorry, o-kay?" mahina kong sabat sa kaniya. Hindi ko pa rin magawang tumingin sa kaniya.

Kasalanan ko 'to eh! Ang tabil din kasi ng dila ko at hindi ko namamalayan na pwedeng dahilan 'yun para ma trigger ko siya! Nakakainis.

"I want you to repeat it... What do you mean of difference?! Huh?!" mahina ngunit may pagbabanta ang sinasabi niya

Napalunok ako dahil sa kaniya. Ramdam ko na namang humigpit ang kapit niya sa kwelyo ko. "Lo-look... I'm sorry... Hi-hindi ko naman—"

"Jai!"

"Holy shit!"

Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang mga sumigaw. Napahawak ako sa braso ni Jairo dahil sa ginagawa niya. Hindi siya nagpa tinag. Hindi niya basta basta na lang pinansin ang mga kaibigan niyang tumawag sa kaniya.

"Jairo, bi-bitawan mo si Ms. Nerd..." suhestyon ni Harris at lumapit sa'min.

"Putik, Jairo. Babae 'yan, hindi 'yang kasing tikas ng katawan mo. Bitiwan mo na siya..." dagdag pa ni Clark.

Pinako ko ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko. Hindi pa rin nababawasan ang mga galit na meron siya sa mga mata niya. Medyo namumula ang mukha niya at nakikita ko rin ang ugat na lumalabas sa noo niya.

Ginilid ko ang mukha ko at doon umubo dahil sa ginagawa niya sa'kin. Nahihirapan akong huminga sa ginagawa niya. Ang sakit rin ng leeg ko dahil humihigpit ang kapit niya sa kwelyo ko.

Wala akong magawa. Hindi ko magawang sipain siya dahil sa ginagawa niya sa'kin. Hindi kayang kumilos ng katawan ko dahil sa takot ko sa kaniya.

Nga-ngayon ko lang siyang nakitang ganito ang reaksyon niya sa taong nag sasalita ng kung ano tungkol sa servant niya.

"Jairo!"

Mabilis kong nilingon ang isang kakadating lang na lalaki. Naglakad siyang papalapit sa'min at siyang pag tanggal naman ng kamay ni Jairo sa'kin.

Wala akong nagawa kundi ang mapa upo at doon umubo sa isang gilid. Ngayon ko pa lang naramdaman ang kabog ng puso ko dahil sa takot na pwedeng mangyare sa'kin.

"Ms. Nerd, ayos ka lang?"

"Oy... Gusto mo pumunta ng clinic?"

Pumikit ako at tinanggal ang salamin para punasan ang nagbabadya kong luha. Umiling lang ako sa kanila at ngumiting binuksan ang mga mata at muling nilagay ang salamin sa tenga.

"Hmmm. A-ayos lang ako. Ka-kasalanan ko naman." mahina kong asik at tinignan ang lalaking galit na naka tingin sa'kin sa isang gilid.

Pansin kong nakipantay sa'kin si Saimon dahilan para tumingin ako sa kaniya. Iba ang pinakikita niya. Ibang Saimon ang nakikita ko ngayon! Kita ko kung paanong mag alala ang mga mata niyang tumingin sa'kin.

"Are you okay?" tanong niya sa'kin.

Tumango lang ako at unti unti ding tumayo. Hindi ko pinansin ang kaibigan niyang nakapalibot sa'kin. Tinignan ko ang lalaking naka sandal lang sa pader.

𝐑𝐢𝐬𝐤𝐞𝐫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon