Uwian na at pinagmasdan ko ang karamihang magkaniya kaniya sa paglalakad. Pansin ko rin ang mga taong nasa labas na mukhang inaantay ang kaibigan o kaya naman ang kanilang liniligawan.
Hindi muna ako tumayo sa kinauupuan ko dahil ayokong makihalubilo sa mga taong walang ibang ginawa kundi apakan ang pagkatao ng iba. Naiinis pa rin ako sa patakaran na meron sila na bakit sinang-ayunan ng karamihan.
Porke ba ang dami nilang pera at nakakayanan nilang bayaran ang tuition o kahit na anong gusto nila ay ganun ganun na lang 'yun sa iba?
Hindi ba sila marunong magpahalaga sa kung anong meron sila at hindi puro gastos sa mga luho nila? Hello, may mga tanong nangangailangan den, hindi makakuha ng oportunidad dahil sa nauunahan sila ng may mga backer.
"Hoy!" sigaw mula sa likuran dahilan para mawala ako sa pag iimahinasyon sa pwede kong gawin sa kaniya.
"Can you hear me, servant?" tanong na naman niya at ramdam ko ang pag apak niya sa likod ng upuan ko.
"Yah, can hear you." tanging sagot ko, hindi siya nililingon at wala rin akong balak na lingunin siya.
"Carry my bag." saad na naman niya. Rinig at kita ko ang pagbagsak ng bag niya sa arm desk ko.
Hindi ko 'yun pinagtuunan ng pansin. Nakatulala lang akong tumingin sa white board na pinagsulatan ng Professor kanina.
"Oy, did you hear me? You're not that dumb right?" tanong na naman niya at rinig ko ang pag tayo niya sa kinauupuan niya.
Hindi ko ulit siya pinansin dahilan para sumulpot siya sa gilid ko at masama na namang tumingin sa'kin. Ramdam na ramdam ko ang titig na binibigay niya sa'kin.
Tumayo ako dahilan para marinig ko ang pag sasaya niya. Mali. Hindi ka pwedeng mag saya, feeling boss.
"Oh? Saan ka pupunta? Diba sabi ko buhatin mo 'yung bag ko?" tanong niya nang magsisimula akong maglakad.
Tinignan ko ang brasong kinapitan niya. Walang ekspresyon na tumingin sa kaniya sabay ang pag ngisi.
"You don't like touching a servant, do you?" tanong ko at siyang pagbaba naman ng kamay niya sa braso ko.
"Are you running from your responsibility?" tanong niya ng pagpagan niya ang kamay niya.
Ramdam ko ang iilang taong nanunuod sa loob ng classroom. For sure ang iba dito ay kumukuha na nang patagong video para may itrend na naman sa social media.
"Did I?" tanong ko pabalik sa kaniya. Tinignan ko ang cellphone kong nasa bulsa ng coat at pinakita sa kaniya ang oras. "Look, it's 5. Tapos na oras ko para sa pagiging servant, feeling boss." anas ko at hinila ang bag ko at iniwanan siya.
Bago pa man ako makalabas ay nakita ko ang mga tropa niyang naka abang at nanunuod na pala sa pintuan. Umirap ko at inayos ko ang pagkakasuot ng salamin ko.
"Doke, jama da..." anas ko dahilan para ngisi ngisi silang tumingin sa'kin at nag bigay ng daan.
Hindi ko na pinansin pa ang ingay nila. Basta ang naririnig ko ay ang tawanan ng mga tropa niya at ang pag sigaw ng leader nila.
"Oy! Do what I say or I'll add someone being a servant!" sigaw niya dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
"Bullseye."