Chapter 5

73 10 4
                                    

Chapter 5

Tulala ako habang nakain sa hapag. Iniisip ko kasi kung anong maaaring mangyayari mamaya pagdating ko ng eskwelahan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ni Gabriel kung ba't ba niya naisipang ipost 'yon. Kilalang-kilala pa naman siya sa unibersidad kaya hindi na ako magtataka kung magkakaroon kaagad ng issue patungkol sa kanya.

He actually deleted the photo right after I agreed on his condition which is to be his 'cheerleader' tomorrow. Sinabi niyang practice game raw nila ito para sa paparating na Intercollegiate Sports Day ng aming school.

Masaya raw tuwing ICSD sa South Vale University. Madalas itong banggitin ng mga kaibigan ko sa 'kin. We get to compete with different schools during that day. Dito rin minsan ginaganap ang event sa aming school court. Sa sobrang laki ba naman nito ay pe-pwede nang magconcert ang isang kilalang artista rito. Minsan naman ay dumadayo ang mga SVU students sa ibang schools para doon naman manood at ganapin ang event.

ICSD is the most awaited three-day event here in our campus because we get to interact or socialize with students coming from different schools.

Well, gano'n naman talaga ang purpose kung bakit mayroon tayong ng sports fest or sports day sa school. Bukod sa nagtuturo ito ng value ng teamwork at sportsmanship, it also builds camaraderie and rapport among students, teachers or professors, and the administration.

"Anak, may problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Nanay. "Kanina mo pa tinititigan 'yang pagkain mo." Tahimik namang kumakain si Aling Delia sa hapag. Minsan ay tinitignan kaming mag-ina.

Nag-angat ako ng tingin at umiling. "Wala po 'Nay. Kulang lang po ako sa tulog."

Matagal akong tinitigan ni Nanay. Halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Sigurado ka ba anak? Baka naman may nang-aaway sa 'yo sa bago mong eskwelahan, a?"

"Hala, wala po Nanay. Mabubuti po ang mga tao roon."

"Hmm... basta sabihan mo ko 'pag may nambubully sa 'yo, a? Ayokong makitang ginagano'n ka ng mga kaklase mo."

Napangiti ako sa sinabi ni Nanay. Kahit na ganito ang estado namin, gumagawa talaga siya ng paraan para pasayahin at protektahan ako. Lagi ko namang sinasabi sa kanya na pagbubutihin ko ang aking pag-aaral para ako naman ang tutulong sa kanya at matupad ang kanyang pangarap na magpatayo ng isang restaurant at maging sikat ito.

Matindi ang kalabog ng dibdib ko nang makarating ako sa unibersidad. It's 6:20 in the morning at paniguradong marami ng estudyante ang nasa hallway.

Papasok na sana ako sa entrance ng school nang may marinig akong tumawag sa aking pangalan.

"Nylaaaaaaa!"

Parang cheetah'ng tumatakbo si Aria papunta sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong dinambahan 'tsaka yumakap. Yinakap ko naman siya pabalik. Muntikan pa kaming matumba sa aming pwesto.

"Hi, BFF!" lalong humigpit ang yakap ni Aria.

"Hello, Aria!"

Magsasalita pa sana siya nang bigla namang dumating sina Eunice, Ash, at Zeph.

"Good morning, mga vakla!" bati ni Ash. Natatawa talaga ako sa mga tinatawag niya sa 'min.

"You guys are so epal talaga. I'm having a moment here with my BFF!" nakangusong saad ni Aria.

"Paano naman girl, kalalabas lang namin sa convenience store, rinig na rinig na namin 'yang boses mo. Para kang nakalunok ng megaphone, e!" ani Eunice. Lalong tumulis ang pagka-nguso ni Aria. Natawa naman kami ni Zeph sa kanya.

"Maiba naman tayo, ano 'yong IG post ni Gabriel, ha?" umakbay sa 'kin si Zeph. "Tangina, kakagising ko lang tapos 'yun ang bungad?!"

"'Eto naman grabe magselos. 'Di ka type ni Nyla, uy!" pang-aasar ni Eunice.

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon