Prologue

159 14 6
                                    

Prologue

"Anak, nakapag-enrol ka na ba sa napili mong eskuwelahan?" si Nanay habang kumakain kami ng umagahan.

Ngumiti ako. "Opo 'Nay, pero kailangan ko pa rin pong pumunta sa eskwelahan upang ipasa ang ibang requirements."

Tumango si Nanay. I was overjoyed when I found out I passed the entrance exams of South Vale University, one of the most prestigious universities here in the Philippines. Matagal ko ng pangarap mag-aral dito simula pa noong Grade 7 ako. At ngayo'y nasa kolehiyo na, hinding-hindi ko sasayangin itong oportunidad na ipinagkaloob sa 'kin.

Nakakuha rin ako ng full scholarship dito at sobrang laking tulong nito dahil hindi na mahihirapan si Nanay sa pagbabayad ng aking tuition.

Sapat lamang ang kinikita ni Nanay para sa pang-araw-araw na pantustos naming dalawa. Mayroon kaming malaking karinderya. Paminsan-minsan akong tumutulong doon kapag walang pasok o 'di kaya'y kapag half day. Masarap magluto si Nanay kaya dagsa rin ang kumakain sa aming karinderya.

Pinoproblema ko nga kung paano ako tutulong dahil magiging busy na ako lalo na't ako'y nasa kolehiyo na. Pero sabi ni Nanay, hahanap siya ng magiging katulong niya sa pamamahala ng karinderya.

Pagkatapos kumain, dali-dali akong naligo at naghanda para sa pagpunta sa unibersidad. I wore an oversized white shirt and a pair of blue jeans. I decided to tuck it in the waistband of my jeans but only on the front and paired my outfit with white sneakers. I also brought a cap and a sling bag to complete my look.

"Nay, aalis na po ako," sabay halik sa pisngi ng aking ina.

"Saglit lang, anak," habol niya. "Bago ka umuwi ay dumaan ka muna saglit sa palengke at bilin itong mga kakailanganin ko sa pagluluto ng mga putahe para sa karinderya," ani Nanay saka binigay sa 'kin ang listahan ng mga bibilin. Napagdesisyunan niya munang magpahinga ngayon at bukas na lang magbukas ng karinderya.

Masunurin akong tumango. "O s'ya, mag-iingat ka Nyla at maraming umaaligid na manyakis d'yan," paalala niya.

Nag-intay ako sa aming kanto ng traysikel na masasakyan. Mabuti na lang at nakasakay kaagad ako dahil madalas unahan ang pagsakay rito.

Habang nakasakay sa traysikel, hinayaan ko ang sarili na pagmasdan ang nakamamanghang tanawin. Gigantic green trees greeted us like soldiers with stances that are high and mighty. Leaves were falling slowly from tree branches and the wind whistled as if it's playing a harmonious tune. You can hear the chirping of birds flying happily in the sky. You can also see the different colors of flowers that complete the painting-like scenery.

I closed my eyes to feel the morning breeze and let the rays of the sun touch my skin. I always thanked our Almighty God for letting us see and admire the beauty of His creation and for allowing us to explore every corner of it.

Tumigil ang traysikel sa tapat ng isang malaking gate. After giving the driver my fare, I turned around and with my lips parted, I stared in awe at how big the university is. Nilibot ng aking tingin ang labas ng unibersidad at nakita ang iba't-ibang establisyementong malapit dito.

Mayroong cafes, fast food chains, convenience stores, at iba pa. Narinig ko rin na may malapit na mall dito at doon tumatambay ang ibang estudyante.

Nagsimula akong maglakad sa may gilid na parte ng gate na sa tingin ko ay dito pumapasok ang mga estudyante. Pinagsulat ako ni manong guard sa kanyang logbook at saka binigyan ng visitor's pass. Nagtanong na rin ako kung saan ang registrar. Itinuro naman ito ni manong guard at saka ako nagtungo roon.

Kakaunti lang ang mga estudyante sa may registrar kaya naging mabilis ang proseso ng registration doon. Pagkatapos kong ibigay ang aking requirements, makailang tipa lang sa keyboard ang registrar ay tapos na ito. Sinabihan niya na lamang ako na sa mismong araw ng pasukan ibibigay ang pinal na resibo.

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon