Chapter 8

61 10 2
                                    

Chapter 8

"G-Gabriel, pwedeng pakibilisan?" nanginginig kong sabi.

Halos paliparin ni Gabriel ang kanyang sasakyan papunta sa ospital. Naiiyak na ako dahil sa balita ni Aling Delia tungkol kay Nanay. Hindi ko magawang hindi mag-alala sa kanya.

"Nanay's going to be alright, okay?" Gabriel assured me. Saglit niya akong tinignan saka ibinalik ang tingin sa kalsada. Napansin niyang nanginginig ang mga kamay ko kaya hinawakan niya 'yon gamit ang isa niyang kamay. Kahit papaano, pinakalma ako nito.

Mabilis kaming nakarating sa ospital. Dali-dali kong nilakad kung saan ang information desk. Nakasunod naman sa akin si Gabriel.

"Uhm, excuse me po, saan po ang room ni Nirvana Silverio?" tanong ko sa receptionist.

"Kaano-ano po sila ma'am?"

"Anak po."

Matapos ibigay ang room number, dumiretso na kami sa elevator. Hindi na ako mapakali dahil iniisip ko kung anong nangyari kay Nanay.

Nang mahanap na namin ang kwarto, dali-dali kong pinihit ang doorknob. Sa isang maliit at puting kwarto, bumungad sa akin si Nanay na nakahiga at nakikipag-usap kay Aling Delia.

Tuluyan nang bumagsak ang aking luha. Nang namataan kami ni Aling Delia, agad-agad niya kaming sinalubong.

"Mabuti at hindi kayo naabutan ng traffic!" si Aling Delia.

"Kumusta p-po ang Nanay?" humihikbi kong sabi.

Hinaplos ni Aling Delia ang aking ulo para patahanin ako. "Mabuti na naman ang kalagayan niya, Nyla. Maya-maya rin ay uuwi na tayo," she gave me a small smile.

Marahan akong tumango. Mabilis naming dinaluhan si Nanay. Nginitian niya kami pareho.

Kumuha si Gabriel ng mga upuan at ibinigay sa akin ang isa upang tabihan si Nanay. Nilagay naman niya ang upuan niya sa tabi ko.

Nang akmang iaangat ni Nanay ang kanyang sarili, marahan kong hinawakan ang kanyang braso at tinulungan ko siyang umupo. Nilagyan naman ni Gabriel ng unan ang kanyang likuran para may masandalan.

"Anak, pasensya na kung pinag-alala kita, a," pinahid niya ang mga luhang nasa aking pisngi. Napatingin siya sa katabi ko. "Oh! Kasama mo pala si pogi!" nginitian niya si Gabriel.

"Hello po, Nanay! Maayos na po ba ang lagay niyo?" ani Gabriel.

"Oo naman! Baka malakas 'to!" Nanay said while flexing her arms. Tinapik-tapik pa niya ang kanyang biceps.

Bahagyang natawa naman ako sa sinabi ng aking ina. Saan naman kaya niya natutunan 'yon?

Hinayaan ko munang makipagkuwentuhan si Gabriel kay Nanay. Maya-maya ay dumating ang doktor nito. Ako na ang kumausap dito. Sinabi ng doktor na nahimatay si Nanay dahil sa matinding kapaguran at hindi pagkain ng tama.

Sinabi rin niya na may i-ra-run pang ibang tests kay Nanay bago ito ma-discharge. Tinanguan ko ang doktor saka nagpasalamat.

Agad kong pinuntahan sila Aling Delia at tinanong kung anong gusto nilang kainin. Nagboluntaryo si Gabriel na siya na lang daw ang bibili pero sabi ko na dito na lang siya para may kasama rin sila Nanay. Tumango na lamang siya at saka ako umalis.

Pagkalabas ko ng elevator, dumiretso na ako sa canteen ng ospital. Tinitignan ko ang menu nito nang may nakabungguan ako.

"Naku! Pasensya na po hindi ko sinasadya," sabi ko sa nakabunggo ko. Inalalayan ko siya sa pagtayo at pinagpag ang kanyang suot.

Inangat ko ang aking tingin. It was a girl. I think she's the same age as mine. Hair was straight and black. She has hooded eyes, pointy nose, and pouty lips. I also noticed a floral bracelet on her wrist.

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon