Chapter 17

45 6 0
                                    

Chapter 17

The swishing sound of rain can be heard as it poured on the roof and ground. The once cheerful blue sky turned into moody gray one. Droplets of water were stamped through the glass wall as they slid one by one, racing downwards. The cold air hugged me, sending shivers through my body.

"Nyla, hindi ka pa ba uuwi? Mukhang lumalakas na 'ata ang ulan," ani Sylvie.

"Saglit na lamang ito at matatapos na ako." Nagpupunas ako ng lamesa at kaunti na lamang ay uuwi na rin ako.

Sylvie nodded at me. Pinagpatuloy ko naman ang aking gawain. Nang matapos, didiretso na sana ako upang magpalapit nang bumukas ang pintuan hudyat na may customer.

I saw Sir Gilbert putting his umbrella on a rack. Ipinalibot niya ang paningin sa cafe at dumiretso sa counter. Napansin kong walang nakatao do'n kaya dali-dali akong pumunta upang tanungin ang kanyang order.

"Yes, Sir? Ano pong oorder-in niyo?"

Napaangat bigla ang tingin ni Sir Gilbert habang kumukuha siya ng pera sa kanyang wallet. Bahagyang nagulat pa siya nang makita ako sa counter.

"Miss Silverio? You're working here?" he asked, still shocked.

"Yes po, Sir. Part-time ko po."

He nodded, amazed at what I said. Then, he started ordering coffee. He ordered one hot large Americano and two garlic breads.

I immediately make his coffee. Dahil madali lang naman ang Americano, mabilis lamang ang paggagawa ko no'n. I handed him his coffee and the next thing he did made me uncomfortable. Bahagyang tumagal ang kanyang kamay sa akin. Akala ko'y nadanggi lang nang 'di sinasadya lang pero bigla akong naging hindi komportable sa kanyang ginawa.

Mabilis kong nilapag ang kanyang kape at tinanggal agad ang pagkakahawak nito. I saw him surprised at what I did and chuckled.

"I'm sorry, Miss Silverio."

Umiwas ako ng tingin habang tumatango. "A-After three minutes po, ise-serve ang garlic bread. Pakihintay na lang po. Salamat!"

Ngumisi siya at saka tumalikod upang maghanap ng upuan. I held my hand tightly because of what happened earlier. I don't know if that's one of his friendly gestures or iba na ang nasa isip ko.

Pero mukhang hindi naman 'ata ang huli 'yon. Imposibleng magagawa 'yon ni Sir Gilbert lalo na at napakabait niya sa lahat ng nasa university. Miski mga janitor doon ay binibilhan niya ng pagkain.

Pagkatapos kong magpalit ng damit, lumabas na ako ng cafe at binuksan ang dala kong payong. Medyo malakas ang bugso ng ulan, sinalubong naman ako ng malamig na ihip ng hangin.

Maglalakad na sana ko nang may humigit ng dulo ng aking shirt. Bumaling ako sa isang bata. Magulo ang buhok, may mga dumi sa pisngi, at walang suot na tsinelas. May hawak din siyang sampaguita at palagay ko ay binebenta niya ito.

"Ate, makikihingi lang po ng pangkain." Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Nakaramdam naman ako ng awa, kaya naghanap kaagad ako sa bag nang maibibigay. Bumungad sa akin ang dalawang tinapay na binigay ni Sylvie kanina sa cafe.

"Uh, pasensya na kung ito lang maibibigay ko pero sana mabusog ka." I smiled at her and I saw her eyes twinkled in joy.

"Sobra-sobra pa po ito, ate. Salamat po! May maihahati na po ako sa mga kapatid ko!" she exclaimed. Nagulat ako at niyakap niya ako. I giggled and realized that she's all wet. Wala siyang payong at napatingin ako sa hawak ko.

"Heto..." I gave her my umbrella. I saw her little eyes widen and it made me smile.

"P-Paano po kayo?"

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon