Hidden Truth 15: Dark Creatures

15 1 0
                                    

DARK CREATURES

༺✠༻༺✠༻༺✠༻༺✠༻

Icyn Freezel's Point of View

" Hayst, nakakainis naman. Bakit kasi di ako pwedeng pumunta kahit saglit man lang sa kabilang academy? Bakit si Leane lang ang pwede?."


" You know Scar? Walang magagawa yang pagmamaktol at pag pa-pabalik balik mo ng lakad dyan. And haler, di ko na ata halos mabilang kung pang ilan ka na namin sinagot ni Icyn noh! So you better shut up, okay? Nakakasira ka ng beauty alam mo yun??! "


Napapailing nalang ako habang nakatingin sa sagutan ng mag pinsan . Tahimik lang akong nakatingin sa kanila, kay Scarlet na kanina pa nag mamaktol habang pabalik balik ng lakad at kay Shelfei na kanina pa binabara at iniinis si Scarlet dahil naiirita narin sya dito. Ewan ko nga kung bakit ako ang naiwanpara samahan ang dalawang to eh. Di naman sa nag le-lekramo ano? Pero sobrang iingay na nila and not mention, puro pa mainitin ang ulo 😑.

" Wag mo nga akong ma shuttap shuttap dyan, Fei. Kung ikaw kaya ang mag shuttap dyan? Kanina kapa sabat ng sabat dyan . Buti sana kung sumasagot ka ng maayos, eh di naman . Huy! Si Icyn lang kaya ang sumasagot sakin ng maayos kanina pa. Wag kang feeler, so you better shut up, okay?? At para malaman mo po, mas nasisira ang beauty ko sayo!! "


" Aba't! Kung tustain kaya kita dyan para ma shuttap kana?! And hello? Mas maganda kaya ako sayo! "


" Edi go! Kala mo di kita kayang tustain porque pinsan kita ahh! Anong akala mo? And FYI , I'm more pak na pak beautiful than you!! "


Mas lalo na talaga akong napailing dahil sabay ba naman silang nag silabasan ng fire balls nila? Pano nga ba ulit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Anytime mababalyiw na ako sa dalawang to 😔 . Ikaw ba naman ang pagitnaan ng dalawang nag aapoy at nag liliyab na babae? Tas ako naman itong yelo na nakaupo lang sa gitna nila😐.

" Ahm, guys. Kumalma na muna kayo, pwede? "



Pag papakalma ko sa kanila , kaso tinignan lang nila ako saglit saka balik na naman sa titigan nilang nag liliyab . Hayst, ayaw ko sanang gawin to pero mukhang no choice na ako 😔. Kumalma muna ako saka pinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim . Iniisip kong mabuti kung ano ang tamang gawin sa dalawang to . I need to calm myself too . Mahirap na , baka mahawa pa ako sa dalawang to eh , tsk.

Nang maramdaman ko namang kalmado na ang isip ko ay saka pa ako dumilat . Pero di ko naman inasahan na sa pag dilat ko ay pareho na pala nilang itinapon ang fire balls nila sa isa't isa. So, may plano talaga silang tustain ang isa't isa ano? Kaya dali dali pa sa alas kwatro akong nag palabas ng yelo at ginawa na rin ang ayaw ko sanang gawin kanina pa . Pero nagawa ko na .

" Sorry ladies."


Pag hingi ko nag paumanhin sa kanila habang napakamot sa ulo ko . Kaya nga ayaw kong gawin sa kanila to ehhh, kaso sila naman kasi . Psh. 😩



" Whooaaaah. What the h*ll happened here? "


Napatingin naman ako sa may pinto at nakita ang tatlong lalake na papalapit na sakin. Tumabi naman agad si Yvan at Arse sa mag kabilang gilid ko at napatingin sa dalawang babae . Habang si Lance ay nasa tabi ni Arse na nakatingin din sa kanila. Saka sila tumingin pareho sakin . Agad naman akong napatungo .

( Arse is short for Arsean)



" Uh-ohhh . What did you do couz? Wait, let me emphasize it correctly. What did they do, cousin? "


The Dusk Descendants: Hidden TruthWhere stories live. Discover now