༺✠༻༺✠༻༺✠༻༺✠༻Chapter 35 - Prophecy
༺✠༻༺✠༻༺✠༻༺✠༻
............
......
...
※☬※ Leane Nathalie P. O. V ※☬※
It's been three days since I left Wizverre Kindom at pumunta dito sa secret village. Ang plano ko talaga ay pagkatapos kong hulihin si Dagleo ay uuwi na ako sa Wizverre. Ang kaso lang, may nangyareng di inaasahan. Bigla nalang nag kagulo dito at dahil wala namang ibang pwedeng lumutas sa problema dito at ako nalang ang may kaya dahil sa kagagawan din naman ni Dagleo ang dahilan sa mga nangyayare ay kailangan ko ngang lutasin to ng maaga. Nong una, ayaw makipag tulungan ni Dagleo, pero di naman nag tagal yun dahil natakot ko naman sya. Kaya ngayon okay na ang lahat. Plano ko sana ay aalis na talaga kami, kaso nakatanggap ako bigla ng sulat galing kay Mommy. Ang sabi nya kailangan kong umuwi sa Westveria para tulungan si Nathan sa preparation for the upcoming full moon festival. Dahil di pa daw sila makakauwi don dahil may kailangan pa silang asikasuhin. Isasama na naman daw nila si Lambert pag uwi nila. Kaya heto kami at nakasakay sa kanya kanyang kabayo namin dahil papunta kami sa Westveria. Well, ako lang talaga ang dederetso sa Westveria dahil sina Lenna ay sa Wizverre ang punta nila dahil kailangan pa nilang dalhin si Dagleo don. Di na naman yun makakatakas si Dagleo dahil nag cast ako ng spell sa kanya. I know how to cast spells. Thanks to my Mama Claudeth, my Grandma taught me well😁.
" So, pano na, Kailangan na nating mag hiwalay. Sa Wizverre punta nyo eh, sa Westveria punta ko. "
Nakaharap naman silang tatlo sakin. Nasa mukha nila ang pag aalala kaya napatawa ako .
" Ano ba kayo, wag nyo nga akong tignan ng ganyan. Kaya ko sarili ko ano. "
" Princess Leane. Hayaan mong dalhin mo si Chard para bantay mo. "
Umiling naman ako.
" Naaahhh.. It's okay. Mas kailangan nyo yan dahil baka makatakas si daga. "
Tinalikuran ko naman sila agad dahil alam kong mag tatagal pa ang dramahan nila pag nag tagal pa ako don. Mabilis kong pinatakbo ang kabayo ko. Kailangan kong maka uwi agad sa Westveria. Di naman nag laon ay ilang metro na ang nalakbay ko ng ako lang mag isa.. Siguro??
Napansin ko naman na parang pagod na ang kabayo ko kaya mas minabuti ko na munang tumigil at mag pahinga na din sa ilalim ng puno. Di naman gaanong mainit, katamtaman lang naman. Nakaupo lang ako habang kumakain ako ng mansanas at may isda din akong sinusugba. Sinadya ko talagang dalawang isda ang hulihin kanina. Nakapikit lang ang mga mata ko habang kumakain ng mansanas, wala lang niraramdam ko lang ang simoy ng hangin. Mas lalo akong napangiti nong maamoy ko sya. Napadilat naman ako at kinuha ang mansanas na nasa loob ng bag at saka ko to tinapon sa likod at alam kong nasalo nya ito galing sa taas ng puno na nasa likuran ko.
" There's no need to hide you know. Kahit na mag tago ka pa kung saan, nag sasayang ka lang ng oras dahil malalaman ko parin kung nasan ka. So if I were you, lumabas ka nalang. "
Di naman nag laon ay may narinig na akong yapak papunta sa dereksyon ko. Hanggang sa nakita ko na nga sya na nasa harapan ko na.
" How did you know? "
Ngumiti lang ako sa kanya at tinuro ko ang isang isda na isinugba ko kanina.
" It's for you, eat it well okay? Mahirap yan dakpin kaya kainin mo. "
YOU ARE READING
The Dusk Descendants: Hidden Truth
RandomIn twilight's realm, where secrets lie, Two twin vampires, under night's eye, Bound by blood, yet torn apart, Their souls entwined, though worlds apart. Through veils of shadows, they search and roam, In separate lands, they find their home, Yet in...